ShipStation

Ano ang ShipStation?

Ang ShipStation ay isang multi-channel na product shipping software para sa mga online retailer. Meron itong features at tools tulad ng batch shipping, may discount na shipping rates, customer management, at custom branding. Pangasiwaan nang mas madali ang shipping ng inyong online stores. 

Paano ito magagamit?

Gamitin ang ShipStation integration para masundan ang news at updates tungkol sa inyong mga customer, mga naipadalang mga produkto, at mga order. Puwede rin itong gamitin sa paggawa ng mga order, pakikipag-usap, at pag-manage ng mga customer. Puwede kayong gumawa ng nais ninyong uri ng integrations. Ikonekta lang ang iba-ibang bahagi ng dalawang apps sa loob lang ng ilang minuto. 

Mga Benepisyo

  • Tinutulungan kayong i-manage ang mga order at shipment
  • Natututukan ang mga bagong customer
  • Management ng mga customer at shipment
  • Di na palipat-lipat ng apps
  • Nadagdagan ang workflow

Paano mag-integrate ng ShipStation sa LiveAgent gamit ang Zapier

Gamit ang Zapier, puwedeng ikonekta ang dalawang apps at gumawa ng integrations. Ilang minuto lang ang kailangan sa prosesong ito. Pumili lang ng app at ikonekta ito sa LiveAgent. Kakailanganin ninyo ng Zapier account. Kung wala pa kayo, puwedeng gumawa sa link na ito  gamit ang inyong email address. Kapag naka-log in na kayo, pumunta sa LiveAgent + ShipStation integrations page.

LiveAgent at ShipStation integration page sa Zapier
LiveAgent + ShipStation

Kapag nasa page na kayo, mag-scroll pababa hanggang makita ninyo ang Connect LiveAgent + ShipStation in minutes na section. Dito kayo pipili ng trigger at action. Ang trigger sa isang app ang makaka-activate sa action sa pangalawang app. 

Bilang halimbawa sa guide na ito, ipapakita namin ang ShipStation trigger na Item New Order at ang LiveAgent action na Create Conversation. Puwede kayong pumili ng ibang integration settings. Kapag nakapili na kayo, i-click ang blue button. 

Ang piniling ShipStation trigger na Item Ordered at ang LiveAgent action na Create Conversation sa Zapier integration
Trigger at action

Sa section na ito, kailangang ma-configure ang trigger. Mag-sign in muna sa inyong your ShipStation account. Kailangan ninyong magbigay ng access sa ilang data ninyo. 

Isang litratong nagpapakita ng ShipStation trigger configuration
ShipStation trigger configuration

Kailangan rin ninyong ilagay ang inyong API key. Makikita ito sa inyong ShipStation account. Pumunta sa Settings> Account > API Settings. Mag-generate ng panibagong API key at kopyahin ang parehong key at key secret sa Zapier window.

ShipStation API settings
API settings

Rekomendado naming i-test ninyo ang trigger para makita kung gumagana ito. Pagkatapos, ituloy lang ang proseso. 

ShipStation trigger test matapos ang configuration
ShipStation trigger test

Ngayon naman, i-set up na ang LiveAgent action. Kailangan ninyong mag-log in sa inyong LiveAgent account at magbigay ng access sa inyong data. Pagkatapos, i-set up ang detalye ng action. Sa kasong ito, kailangang isulat ang message na ipapadala kapag nakakuha ng bagong order sa ShipStation. 

Paano mag-integrate ng ShipStation sa LiveAgent gamit ang Zapier
LiveAgent action configuration

Okay na. Ang huling hakbang ay ang pag-test ng trigger para makita kung gumagana ito. 

Isang matagumpay na pag-test ng isang ShipStation at LiveAgent integration
Matagumpay na integration test

Puwede na ninyong subukan. Pumunta sa ShipStation account ninyo at gumawa ng panibagong order sa orders section.

Isang bagong order na ginawa sa ShipStation
Isang bagong order

Tingnan ang inyong LiveAgent ticketing system inbox. Makakakita kayo ng message mula sa ShipStation na nagsasaad na may bagong order na ginawa.

ShipStation message na ipinadala matapos gumawa ng bagong order
Isang ticket mula sa ShipStation

Gumawa lang kayo ng iba pang integrations na iba ang pakay nang maging mas epektibo ang inyong online stores. 

Frequently asked questions

Ano ang ShipStation?

Ang ShipStation ay isang shipment solution para sa mga online store. Tutulungan kayo nitong gumawa ng mga shipping label, ibigay ang tracking information sa mga customer ninyo, magkaroon ng automation, wireless printing, at marami pa.

Ano ang mga benepisyo ng paggamit ng ShipStation Sa LiveAgent?

- pag-manage ng order at shipment mula sa LiveAgent

- tipid sa oras para sa inyong customer service

- pinapahusay pa ang productivity

Balik sa Integrations Gumawa ng LIBRENG account

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo