Partner
Ano ang Braintree?
Ang Braintree ay isang kompanyang espesyalista sa web at mobile-based payments para sa e-commerce segment. Nagbibigay ito ng payment gateways at merchant accounts sa mga user. Ang Braintree ay isang division ng popular na PayPal service.
Paano ito magagamit?
Gamitin ang Braintree para masundan ang mga transaction mula sa inyong LiveAgent account.
Mga benepisyo
- Magkansela ng payments
- Mag-refund ng payments
- Matutukan ang mga bagong transaction ng bagong customers
Paano gawin ang integration ng Braintree sa LiveAgent
Ang LiveAgent ay may native Braintree integration. Para ma-activate ito, buksan ang inyong LiveAgent dashboard at pumunta sa Configuration > System > Plugins. Hanapin sa listahan ang Braintree integration at i-click ang Activate switch.

Kapag aktibo na ang plugin, i-click ang Cog icon sa tabi ng switch para mabuksan ang configuration.

Sa window na ito, kailangan ninyong ilagay ang Merchant ID, Public Key, at Private key. Makikita ninyo ito sa Sandbox Keys & Configuration section ng Braintree.

Ilagay ang data sa fields at i-click ang Save. Buksan ang anumang ticket at hanapin ang Braintree icon. Aktibo na ang inyong integration.

Paano ang integration ng Braintree sa LiveAgent gamit ang Zapier
Puwedeng ikonekta ang Braintree at LiveAgent gamit ang Zapier. Kung gusto ninyo ng Zapier integration, dapat ay may Zapier account na kayo.
Gawin iyon dito. Kung meron na kayo, mag-log in lang at pumunta sa Braintree + LiveAgent integrations page sa Zapier.

Mag-scroll down sa page hanggang makita ninyo ang section na Connect Braintree + LiveAgent in minutes. Dito puwedeng pumili ng isang trigger at action. Isipin ninyo kung anong uri ng integration ang gusto ninyo at piliin ito.
Bilang halimbawa, pinili namin ang Braintree trigger na New Customer at LiveAgent action na Add New Customer. Kapag tapos na, i-click ang blue button para magpatuloy.

Puntahan ninyo ang trigger configuration. Mag-sign in sa Braintree gamit ang Zapier at ipagpatuloy ang simpleng prosesong ito.

Rekomendado naming i-test ninyo ang trigger kapag tapos na kayo, pero puwede ring laktawan ang hakbang na ito.

Magpatuloy sa pag-configure ng LiveAgent action. Tulad nang dati, mag-log in sa inyong LiveAgent gamit ang Zapier at sulatan ang mga field sa susunod na hakbang.
Sa email field, piliin ang 1. Email gaya ng nasa photo sa ibaba. Masisigurado nito na may email address na mailalagay sa LiveAgent tuwing may panibagong customer sa Braintree.
Sulatan ang natitirang fields ayon sa gusto ninyong detalye o gaya ng nasa photo sa ibaba.

Gumawa ng isang huling test ng integration.

Okay na, tapos na. Lagi nang maidadagdag sa Braintree ang panibagong customer.

Bumalik lang sa site tuwing gusto ninyong gumawa pa ng maraming integration.
Frequently Asked Questions
Ano ang Braintree integration?
Ang Braintree ay isang Paypal service. Sa integration na ito, puwede kayong mag-refund o magkansela ng mga payment mula sa LiveAgent sa ilang click lang.
Paano ang integration ng Braintree sa LiveAgent?
Ang unang hakbang ay ang pagpunta sa Configurations mula sa inyong LiveAgent Dashboard. Ang ikalawang hakbang ay ang pag-click sa System -> Plugins. Panghuling hakbang ang pag-search sa Braintree at pag-activate nito.
Ang 20 pinakamahusay na forum software
Ang mga customizing options, user management features, at pagkakalipat sa iba't ibang package ay ilan sa mga tinutukoy na mahalagang features ng forum software. Mayroon ding mga functionalities tulad ng pagre-record, pagtatabi ng iba't ibang uri ng content, at pagkakonekta sa social media networks. Isa pang kailangang hanapin ay ang knowledge base management at feedback at suggestion features. Sa pagbubuo ng ganitong software, mapapabuti ang customer support at makakapagbigay ng self-service na platform para sa mga customers upang madaling ma-solve ang kanilang mga issues.
LiveAgent is a customer service software that offers a range of capabilities and features, including managing all communication channels, social media integration, and productivity tools across various industries. It provides 24/7 customer service without the need for a credit card, and a free trial is available for up to 30 days using a company email. It is an excellent alternative to Gorgias, offering faster response time and higher customer conversion rates. Additionally, LiveAgent offers software for help desks in the eGaming and eSports industries to improve community experience and stay competitive. Overall, LiveAgent is a cost-effective solution for improving customer satisfaction and sales.