Mainam na suriin ang mga rating ninyo nang madalas, alamin kung saan kayo magaling, at matukoy kung saan mahina. Puwede kayong magkaroon ng maayos na perspektibo sa kung saan umuunlad ang kompanya ninyo at kung ano ang dapat paghusayin. Pagdating sa mababang ratings, ang solusyon ay kitang-kita. Ayusin ang mga problema batay sa feedback ng mga customer ninyo.
Pero paano ang mga positibong feedback? Puwede namang walang aayusin dito. So, dapat lang bang maging masaya at walang gagawin? Well, hindi naman sa ganoon.
Ang Net Promoter Score ay isang metric na puwede ninyong gamitin para mag-follow up sa mga customer na handang mag-share ng kanilang opinyon tungkol sa kompanya ninyo at agad na matugunan ang kanilang mga pag-aalala at mga isyu. Tanungin ang customer kung irerekomenda ba nila ang kompanya ninyo sa isang kaibigan o katrabaho. Ang NPS ay sumusukat sa loyalty sa pagitan ng kompanya ninyo at ng mga customer. Kapag nakakuha kayo ng negatibong feedback, gamitin ito para magpahusay. Pero kung makakakuha kayo ng positibong feedback, matutukoy ninyo ang isang taong puwedeng mag-promote ng brand ninyo.
Ang mga tao ng ito ay nasisiyahan sa produkto/serbisyo ninyo at nagbibigay ito ng mainam na pagkakataon para makakolekta ng customer testimonials!
Kapag ang mga buyer ay pumili ng 9 o 10 sa NPS survey, sila ay 5 beses na mas malamang na ire-refer nila ang kompanya ninyo sa mga kaibigan at magsusulat ng positibong review tungkol sa mga produkto at kompanya ninyo.
May malaking pagkakataong ang mga kliyente ninyo ay hindi naiisip na magsulat ng review tungkol sa kompanya ninyo. Hindi lahat ng tao ay naiisip na “Gusto ko itong produktong ito, makapagsulat nga ng review tungkol dito!” Mas madalas ay kailangan nila ng pagtulak. Ito ang dahilan kung bakit dapat regular na magpadala kayo ng NPS surveys sa mga customer ninyo at mag-follow up gamit ang Promoters para makakolekta ng mga testimonial.
Palaging may grupo ng customer na hindi sasagot. Ang isang mainam na paraan para mabago ito ay ang pagbigay ng incentives sa pagsulat ng review at testimonial. Puwedeng magbigay ng coupons sa mga sikat na website tulad ng Amazon. Ang mahalaga ay sabihin kung ano ang inaasahan ninyo mula sa kanila para makapagsulat sila ng tapat na review o testimonial, at hindi lang dapat positibo. Ang incentive din ay dapat hindi konektado sa positibong karakter ng review.
Paano makakakuha ng testimonial sa mga kliyente?
Tingnan kung paano magagawa ito. Sa halimbawang ito, gagamitin natin ang mga Nicereply survey kasama ang LiveAgent integration. Merong dalawang paraan ng pagkolekta ng testimonial gamit ang NPS na may Nicereply. Una, ipaliliwanag namin kung paano makakakuha ng testimonial mula sa mga kliyente gamit ang NPS campaigns.
Kumuha ng testimonial mula sa mga customer gamit ang “Campaign” distribution
Simulan sa paggawa ng Nicereply account at mag-follow-up sa LiveAgent integration. Pagkatapos nito, handa na kayong magpadala ng una ninyong NPS campaign sa mga customer. Pumunta sa NPS tab sa inyong account at i-click ang “Campaigns” distribution.
Ngayon, pangalanan ang contact list ninyo at i-import ang LiveAgent customer contacts (i-paste o i-upload ang file). Pagkatapos, puwede na ninyong ma-edit ang hitsura ng campaign para tumugma sa brand ninyo.
Pagkatapos ay pumunta sa campaign settings kung saan puwede ninyong ma-edit ang subject o pangalan ng sender, at ma-schedule ang campaign ninyo.
Ang NPS campaign ninyo ay scheduled na at maipapadala sa contact list sa nakalaan na petsa at oras. Puwede ninyong makita ang lahat ng nakolektang ratings at comments sa Nicereply Dashboard ninyo.
Tingnan ninyo! Ang mga customer ninyo ay sumagot sa NPS survey at nagbigay pa ng positibong feedback. Kung makikita ninyo, merong maliit na blue envelope icon na katabi ng pangalan ng customer. Ang icon na ito ay magagamit para makasagot kayo sa isang rating sa isang click lang.
Pagkatapos ninyong i-click ang envelope, may bagong email na lalabas gamit ang default email client ninyo. Ang email na ito ay agad na may recipient email na.
Ang kailangan lang gawin ay magsulat ng message na maghihikayat sa mga customer na magsulat ng testimonial para sa kompanya ninyo. Halimbawa, puwede kayong humingi ng review ng kompanya ninyo mula sa isang sikat na software comparison website tulad ng G2Crowd, Capterra, o GetApp. O kaya naman, direktang makiusap sa mga customer na magsulat sila ng testimonial para sa website ninyo.
Testimonial campaign template (halimbawa):
Hello {Name},
We would like to thank you for your recent rating. We are really glad that you like our company, and we would love you to spread the word. You’ve been using {product/service} for a while now and we are excited to have you with us.
This might be a perfect time, to sum up, your experience (good or bad) on the G2 Crowd.
LINK
Even a sentence or two would be very much appreciated. Awesome customers like you help us make {product/service} better. 🙂
Reply to this email after you submit a review and I will be glad to send you a {$10 Amazon Gift Card} as a thank you. Regardless of what the review says of course.
Have a great day.
Best regards,
{Employee Name}
Kumuha ng mga testimonial mula sa kliyente gamit ang “Trigger” distribution
May isang paraan ng pagkolekta ng user testimonials kung saan puwede ninyong ma-automate ang pagpapadala ng follow-up messages. Gumawa ng Nicereply account, gumawa ng integration sa LiveAgent, tapos ay pumunta sa NPS tab sa account ninyo, at i-click ang “Trigger” distribution. Ang trigger ay isang automated email na nagpapadala ng survey sa isang customer pagkatapos maayos ang kanilang ticket.
Piliin ang LiveAgent integration mula sa dropdown menu para ma-manage ang trigger behavior sa trigger settings. Puwede ninyong palitan ang email sender at subject, i-edit ang bilang ng oras bago ipadala ang survey, at marami pa. Kailangan ninyong i-save ang mga pagbabagong ito at i-activate ang trigger bago magpatuloy.
Pagkatapos ng NPS trigger activation, sisimulan ng Nicereply na regular na i-scan ang status ng mga ticket ninyo at magpapadala ng NPS surveys (set) ilang oras pagkatapos na maresolba ang mga ticket. Pagkatapos ninyong mangolekta ng feedback mula sa customer, puwede ninyo itong makita nang direkta sa ticket na may rating.
Ang Nicereply ay automatic na nagdadagdag ng bagong ticket tag at comment na nagsasabi ng rating value at comment.
Ngayon, ang kailangan lang gawin ay gumawa ng bagong Rule sa LiveAgent account ninyo para automatic na makapagpadala ng follow-up emails sa mga promoter ng brand ninyo. Sa LiveAgent account, pumunta sa Configuration at i-click ang Automation – Rules – Create. Gumawa ng pangalan para sa bagong rule na ito at tukuyin ang conditions. Para sa halimbawang ito, papangalanan namin ang rule na Nicereply NPS testimonial. Ang bagong rule ay magagamit kapag nagbago ang ticket tags; at ang condition group ay ang ticket tag Nicereply NPS 10 added. Kung gusto ninyo, magdagdag ng isa pang condition group para sa NPS 9 ticket tag.
Ang huling bagay na kailangan ninyong gawin ay ang paggawa ng action. Piliin na magpadala ng email bilang action na gagawin. Pagkatapos ay puwede na ninyong palitan ang sender email at kung ipapadala ang email (piliin ang Requester). Gagamitin namin ang parehong subject at email content gaya sa unang halimbawa. Kapag tapos na kayo sa paggawa ng email, i-save lang ang bagong rule ninyo at puwede na kayong magsimulang mangolekta ng user testimonials!
Wrap-up
Ang mga testimonial ay napakainam na paraan para maipaliwanag ang halagang naibibigay ng kompanya sa kasalukuyang mga customer sa pinakadalisay at “kapani-paniwalang” paraan. Ang mga customer ninyo ay minsang nag-alangang bumili ng mga produkto o serbisyo at gayon ay puwedeng magbigay ng malaking tulong para sa mga nasa ganitong sitwasyon ngayon. Kapag ang isang potensiyal at bagong buyer ay nakarinig mula sa isang taong may kaparehong karanasan – at iba pang tao na ang trabaho ay hindi purihin ang kompanya ninyo – mas malamang na bibili sila.
Mas malamang na papaniwalaan ng tao ang halaga na sinasabi ninyong ibibigay ninyo kung may pruweba mula sa mga kompanya na may mga isyung katulad ng sa inyo. Ang mga user testimonial ay napakahalaga dahil nailalagay nito ang mga customer sa spotlight imbes na ang kompanya ninyo. Sa katunayan, ang mga consumer ay 58% na mas makukumbinsi kapag nakabasa sila ng review, kaya simulan na ninyong mangolekta ASAP!
Diskubrehin ninyo
Mahalaga ang kaalaman kung napapraktis ito. Kaya i-test na ang lahat ng natututuhan ninyo sa aming academy sa loob mismo ng LiveAgent.
Try out LiveAgent for FREE
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 14-day free trial right away!
Frequently Asked Questions
Saan makakakuha ng testimonials?
Maraming mapapagkunan ng testimonials. Puwede sa social media, emails, review websites, o customer surveys. Tandaan, maging proactive at tanungin ang mga customer ninyo.
Paano magsulat ng isang testimonial request?
Ang pagtatanong sa customers na mag-share ng kanilang karanasan sa brand ninyo ay medyo mahirap dahil di alam ng maraming business kung paano humingi ng testimonials. Siguraduhing gagamit kayo ng tamang tono ng boses, mainam na timing, at magbigay ng regalo o anumang incentive. Huwag ding kalimutang magpasalamat nang lubos sa kanila.
Bakit kailangang mangolekta ng testimonials?
Ang mga testimonial ay napakainam na paraan para maipaliwanag ang halagang naibibigay ng kompanya sa kasalukuyang mga customer sa pinakadalisay at “kapani-paniwalang” paraan. Kapag ang isang potensiyal at bagong buyer ay nakarinig mula sa isang taong may kaparehong karanasan, mas malamang na bibili sila.
Paano gumamit ng customer incentives
Gusto ba ninyong hikayatin ang mga customer na bumili? Basahin kung paano gamitin ang customer incentives at magpabuti ng inyong customer service gamit ang LiveAgent.
Paano tumugon sa isang request ng customer
Paano tumugon sa isang customer request: Siguraduhing may sapat na impormasyon, iwasan ang pagiging komplikado, gamitin ang wika ng customer, magtanong nang magalang, sundin ang tatlong S, gumamit ng formatting, at mag-proofread. Ang customer service ay isang sining na dapat diskuwrehin.
Maging masaya gamit ang software sa kasiyahan ng kustomer
Ang LiveAgent ay isang mahusay na tool para sa pakikipagkomunikasyon sa mga kustomer, nagbibigay ng mabilis at eksaktong suporta. Maari itong subukan sa libreng pagsubok at mag-subscribe sa newsletter para sa latest na balita at discounts.
Paano magsagawa ng customer survey
Ang customer appreciation at customer service management ay mahalaga sa pagpapalakas ng ugnayan sa customer. Mahusay na customer service at customer appreciation ang susi sa pagpapanatili ng customer loyalty, reputasyon, at business profitability. Iwasan ang 7 negatibong phrases sa customer service at gamitin ang L.A.S.T. method sa pag-manage ng customer service.