Libreng trial

Language switcher

–Hidden comment

Use attributes in format region_from and region_to= to change the languages showing in language switcher.
Available regions are:
europe_from europe_to
asia_from asia_to
mideast_from mideast_to
america_from america_to

Example:
europe_from=0 europe_to=22 will put all languages (ordered in language switcher settings) from 1 to 21 to Europe region:
asia_from=22 asia_to=25 will put all languages from 23 to 24 (so only 2) into Asia region.

Live chat para sa industriya ng travel at akomodasyon

Mapapabilib ninyo ang mga customer at tataas ang kanilang pagiging kuntento.

  • ✓ Walang setup fee   
  • ✓ 24/7 na customer service    
  • ✓ Hindi kailangan ng credit card    
  • ✓ Puwedeng ikansela anumang oras
Ginamit ng
logo clients forbes
logo clients airbus
logo clients nascar
logo clients usc
Header Animation
Helpdesk software

Kahit sa panahon ng krisis sa ekonomiya at politika, ang industriya ng travel ay palaging nakaka ahon at patuloy na inaakit ang mga manlalakbay. Ang daan kung paano umangat sa itaas ang industriya ng travel sa pinaka pinagkakakitaan na mga industriya ay ang diin neto sa technological innovation.

Ang paglalakbay sa anumang destinasyon ay mas madali na at mas abot kaya. Sa social media, ang mga tao ay maaaring makagawa ng koneksyon kahit kanino sa buong mundo, na minsan ay nagtutulak sa kanila na mag ayos ng bag at pumunta sa isang paglalakbay para tuklasin ang buong mundo.

Ang mundo ng negosyo ay ginagamit ang paglalakbay upang palawakin at angkinin ang mga deals sa ibang bansa. Ngunit ang pagkakapareho na meron ang manlalakbay ay ang pagnanais para sa paglilibang at kaginhawaan kapag nagpapasya sa kanilang susunod na patutunguhan o kapag nagbu-book ng hotel.

Ang live chat ay kaya itong gawing posible at mas marami pa.

Naka strap ka na ba? Tara na.

Ano ang live chat?

Live chat ay simpleng gamitin ngunit mahalagang tool sa komunikasyon para sa instant na pagmemensahe sa pagitan ng kliyente at ng kinatawan ng customer service—ganap na nakabase sa browser, na idinisenyo upang sagutin ang mga katanungan ng mga kliyente nang mahusay at real-time.

LiveAgent Live Chat Demo

Paano naiiba ang live chat mula sa suporta sa telepono at email?

Ang live chat ay may malaking kalamangan mula sa suporta sa telepono at email.

  • Bawas na oras ng paghihintay
  • Real-time na pag-uusap
  • Fully customizable upang maipakita ang brand image
  • User friendly 
  • Cost-effective 
  • Browser-based 
  • Pinakamababang pangangailangan na effort ng kustomer

Bagaman malawak na ginagamit pa rin ang suporta sa telepono at email, nagsasalita ang istatistika para sa kanilang sarili. Mahigit sa 60% ng mga kustomer ang mas gusto ang paggamit ng chat upang masagot ang kanilang mga katanungan sa tradisyunal na mga channel, na hindi mahigpit na sanhi ng millennial na henerasyon. 45% ng mga tao na edad 55 o mas matanda pa ay kinumpirma na gumamit sila ng live chat sa isang website kahit isang beses lang.

Ang live chat ba ay kapaki-pakinabang sa mga travel na ahensya?

Ang paglalakbay ay isang malaki at pabago-bagong merkado. Bawat taon, milyon-milyong mga tao ang naglalakbay sa buong mundo, ang ilan ay sa maraming okasyon. Ang bawat isa sa mga prospect na ito o madalas na mga manlalakbay ay nararapat sa nakaka-aliw at madaling gamitin na online na tulong sa user na binibigay ng ahensya.

Ang live chat ay dinisenyo para sa eksaktong layunin na iyon.

Dati ay isang mahabang proseso para sa parehong mga kustomer at mga ahente sa paglalakbay upang maayos ang pag-book at sa kalimitan ng oras ay kinakailangan nito ang pagbisita sa isang ahensya. Ang kasikatan ng mga online na search engine ay binago ang prosesong ito.

Ang industriya ng paglalakbay ay naging isa sa pinakamabilis na mga teknolohiyang umuunlad sa industriya, na may malinaw na digital na stratehiya. Upang lubos na magamit ang mga posibilidad ng kasiyahan ng kustomer para sa mga modernong manlalakbay, ang live chat ay isang perpektong pagpipilian ng komunikasyon sa loob ng industriya ng paglalakbay para sa mga kustomer at ahente ng paglalakbay.

Paano ba dapat gamitin ng mga ahensya ng travel ang live chat?

Hindi maikakaila na ang live chat ay may malaking epekto sa paggawa ng desisyon ng kustomer. Ngunit ang desisyon ng lead tungo sa, halimbawa, ang pagbili ng package deal mula sa iyong ahensya ay nakadepende sa kakayahan at propesyonal na diskarte ng iyong mga ahente sa paglalakbay.

Sa simula ng bawat paglalakbay ay isang insentibo sa paglalakbay. Ito man ay para sa personal na rason o may relasyon sa trabaho, ang mga kliyente ay pipiliin ang travel o transportasyon na ahensya base sa kung papaano nito matutugunan ang kanilang inaasahan.

Ang live chat ay hindi lamang para sa mga unang beses na gagamit ngunit para din sa mga pana-panahong manlalakbay. Kung ito ay hindi pa nagagawa nuon, ang pagbabago ng pagpapatupad ng live chat ay isang paraan upang ibahin ang imahe ng isang kumpanya sa mga mata ng kliyente, samakatuwid, makakuha ito ng mas mataas pang pakikipag-ugnayan.

Para sa mga ahente sa travel, ang live chat ay kumakatawan sa isang malakas na tool para sa pag-suporta, promosyon, at conversion. Sa pagsunod sa tamang pag-uugali sa live chat mga panuntunan, maihahatid ng mga ahente ang pakikipag-ugnayan sa tao at kasiya-siyang karanasan sa mga prospect at regular na kliyente.

The key is to set realistic expectations, and then not to just meet them, but to exceed them – preferably in unexpected and helpful ways.

Richard Branson – Founder of the Virgin group


Ang live chat ay puno ng mga features na makakatulong sa mga ahente na magbigay ng isang hindi malilimutang karanasan sa paglalakbay.

Ang bawat session ng chat ay ginawang mga ticket at naka-save sa isang unibersal, nakabahaging inbox. Ang sinumang ahente na may access ay maaaring maghanap para sa profile ng sinumang kliyente o kasaysayan ng pakikipag-ugnayan.

LiveAgent-Universal-inbox
Halimbawa ng unibersal na inbox (pindutin upang palakihin)

Iba’t iba, paunang naka-set na mga disenyo sa loob ng gallery ng mga pindutan sa chat at mga docking window o ang kakayahang lumikha ng isang makabagong widget.

Chat button gallery
Halimbawa ng isang chat button gallery (pindutin upang palakihin)

Pop-up na mensahe na nakakalikha ng dagdag na ROI. Ang mga ahente ay maaaring makagawa ng isa o maraming imbitasyon at i-guide ang mga prospect para sa proseso ng pagbili.

Chat invitation gallery sa Live chat software - LiveAgent
Halimbawa ng imbitasyon sa chat (pindutin upang palakihin)

Sa pamamagitan ng pagbabantay sa kasalukuyang URL ng mga bisita sa live chat, ang tamang timing na imbitasyon ay maaari ring makapag-alok ng mga pampromosyong package sa paglalakbay, mga deal sa paglalakbay, o iba pang mga personalized travel suggestions. Pinapayagan lamang ng LiveAgent ang paggamit ng mga proactive na imbitasyon sa chat kapag meroong sapat na mga available na ahente.

Online feature ng kasaysayan ng ticket sa Customer service software - LiveAgent
Halimbawa ng kasalukuyang URL feature (pindutin upang palakihin)

Isang opsyonal ngunit kapaki-pakinabang na feature para sa mga ahente na gustong makalamang ng isang hakbang sa mga kustomer. Maaaring obserbahan ng ahente kung ano ang nai-type ng kustomer at ihanda ang sagot bago mag-hit ng send ang kustomer.

Real-time na pagta-type
Halimbawa ng real-time na pagtingin sa pagta-type (pindutin upang palakihin)

Ang canned responses ay mas pinadali ang daloy ng trabaho sa pamamagitan ng pag-gamit ng nakaayos na short text replies at itinabi ito para sa pang hinaharap na pag-gamit.

Canned messages
Halimbawa ng mga canned messages (pindutin upang palakihin)

Isang uri ng log sa chat kung saan nakalagay ang mga detalye ng nakaraang pag-uusap.

Feature ng kasaysayan ng chat sa LiveAgent
Halimbawa ng kasaysayan ng chat(pindutin upang palakihin)

Ang mga ahente o mga admin ay maaaring pumili sa tatlong predefined na mga pagpipilian sa ruta para masigurado ang mabilis at eksaktong komunikasyon:

  • Random Assignment
  • Ring to all
  • Max utilization
Chat distribution
Halimbawa ng chat distribution (pindutin upang palakihin)

Ang max queue limit ay maaaring i-set sa settings ng chat button at kusang itatago ang widget sa website kapag ang limit ay naabot upang mas mapabilis ang oras ng paghihintay ng kustomer.

Max queue length
Halimbawa ng max queue length (pindutin upang palakihin)

Para naman sa external na komunikasyon ng chat sa mga kliyente, ang live chat ay nagbibigay ng abilidad sa mga ahente na makapag-send ng instant messages sa bawat isa. Ang Internal chats ay nakikita lamang sa nag-send at sa tatanggap.

Internal chat
Halimbawa ng internal chat (pindutin upang palakihin)

Ang tag ay maaaring idagdag manually o automatically para sa tiyak na mga salita o parirala, kaya naman makakagawa ng kustom na workflow ang bawat indibidwal na ahente.

Tags-Feature-LiveAgent
Halimbawa ng tags (pindutin upang palakihin)

Hinahayaan ang makapag-input at feedback mula sa mga kliyente at ranggo sa kahusayan ng ahente o ang pangkalahatan kasiyahan sa isang chat session.

Ranggo ng mga ahente
Halimbawa ng ranggo ng ahente (pindutin upang palakihin)

Benepisyo ng iba’t ibang uri ng ahensya sa travel

Ang Live chat ay isang parte ng LiveAgent omnichannel help desk software, at kaya naman nagdadagdag ng mga additional feature na kapaki-pakinabang para sa iba’t ibang ahensya ng travel.

  • Corporate travel agency 

Sabihin natin na ang isang kumpanya ay may isang partikular na hanay ng mga patakaran sa paglalakbay para sa kanilang mga naglalakbay na empleyado, tulad ng airfare, airline, hotel, kotse. Ang built-in ng LiveAgent CRM system ay nakakapag tabi ng lahat nga mga pangangailangan, na pwede magamit ng sinuman na may access.

  • Leisure travel agency 

Ang ahente ay maaaring maglakip at magpadala ng mga dokumento, tulad ng mga kinakailangan sa visa, sa pamamagitan ng chat, sa mga kliyente na naglalakbay para sa paglilibang sa isang bagong bansa.

Kung nais ng isang kliyente na makipag-ugnayan sa ahensya sa labas ng oras ng negosyo, maaari nilang punan ang isang contact form, at itatalaga ito sa isang ahente o team kapag nakabalik na sila online. Maaari ring iakma ang pindutan ng chat sa lenggwahe ng iba’t ibang merkado.

  • Online travel agency 

Katulad ng ibang mga ahensya, ngunit iba sa paggamit nito ng automation. Dahil sa online automation, ang mga online na ahensya ay maaaring makinabang mula sa live chat gamit ang mga naka-automate na feature tulad ng patakaran na makapag-assign ng chat patungo sa na-aangkop na departamento.

Travel and Accommodation Industry Solution

Learn how multi-channel help desk software benefits Travel and Accommodation industry

Try LiveAgent

Paano paganahin ang live chat sa iyong website?

Ang integration ng live chat button ay wala ng mas idadali pa. Ang tanging kailangan ay ang i-copy at paste ang isang maikling HTML code mula sa iyong LiveAgent account patungo sa iyong website, at ito ay live na. Hindi na kailangan mag-download ng karagdagang software, ngunit ang integration sa third-party na software o app, ay suportado.

LiveAgent Live Chat Demo

Ano ang mga feature sa seguridad ng live chat?

Proteksyon ng data, seguridad ng account, at ang mga usapin sa pribado ay mahalagang paksa para sa sinumang namamahala at nagsasagawa ng kanilang negosyo online. Ang LiveAgent ay hindi naiiba. Ito ang ilang sa mga top security features.

Knowledge base 

Kung nais mong matuto pa, magtungo sa aming knowledge base para sa karagdagang impormasyon.

Enhance the travel experience for your customers

Start a free-14 day trial, no credit card required

Try LiveAgent

FAQ

What is live chat?

Live chat is a browser-based communication tool for instant messaging between the client and the customer service representative in real-time.

How is live chat different from phone and email support?

Live chat offers features and improvements for a more streamlined customer experience than phone or email - Real-time conversation, Fully customizable, User-friendly, Cost-effective, Browser-based, Lowest required customer effort.

Is live chat useful to travel agencies?

Live chat is a convenient way for travelers to have their travel inquiries administered instantly and effortlessly.

How should travel agents use live chat?

Travel agents can utilize several different features for an enhanced user experience: Universal inbox, Customizable chat button, Proactive chat invitations, Real-time typing view, Canned responses, Chat overview, Chat history, Chat distribution, Internal chat, tags and Post chat survey

Benefits for different types of travel agencies

Built-in CRM, contact forms, multilingual options, or rules are some of the beneficial features available to any travel agency

How to integrate live chat to your website?

Fully supported native integration. Quick copy and paste of an HTML code, and you can chat immediately.

What are live chat's security features?

Core security features are BAN IPs, 2-step verification, HTTPS Encryption, Multiple Data Centers, GDPR.

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×

Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo