Libreng trial

Language switcher

–Hidden comment

Use attributes in format region_from and region_to= to change the languages showing in language switcher.
Available regions are:
europe_from europe_to
asia_from asia_to
mideast_from mideast_to
america_from america_to

Example:
europe_from=0 europe_to=22 will put all languages (ordered in language switcher settings) from 1 to 21 to Europe region:
asia_from=22 asia_to=25 will put all languages from 23 to 24 (so only 2) into Asia region.

Sipcall

Ano ang Sipcall ?

VoIP telephony galing  Sipcall: Makabagong solution para sa inyong business!

May offer na optimal telephony solution ang Sipcall para sa lahat ng inyong pangangailangan: Virtual phone systems (PBX) na maraming functions (sipcall vPBX), isang maaasahang koneksiyon para sa inyong telephone system sa pamamagitan ng SIP trunk o para sa inyong Microsoft Teams environment – Sipcall ang inyong propesyonal at may kakayahang partner.

Ang aming kompanya ay nakabase sa Schindellegi, Switzerland, may 35 na empleyado, at naging aktibo sa VoIP telephony mula pa noong 2005. Nagbibigay kami ng certified SIP accounts na may Swiss phone number para sa LiveAgent.

Paano ito magagamit?

Kung hanap ninyo’y isang VoIP provider para ikonekta sa inyong LiveAgent call center, magandang piliin ang Sipcall. Ang LiveAgent call center ang mag-aasikaso ng tawag at tickets habang ang Sipcall ang gagawa ng iba pang kailangang gawin. Kailangan lang ng laptop o smartphone microphones at speakers para makapagtayo ng isang starter call center. Puwedeng magdagdag ng ibang hardware kapag gusto ninyong mag-improve ang inyong call quality sa paglaon.
https://www.youtube.com/watch?v=Ydbuj55E8PU&t=88s

Paano ka makakabenepisyo sa LiveAgent call center?

Kahit na mas pinipili ng iba ang digital customer experience, may mga naghahanap pa rin ng malalimang personal na koneksiyon sa brands na gusto nila. Ang mga call center ay magandang paraan para mapahusay ang inyong customer relationships, magbenta ng produkto, magkaroon ng bagong customers at users ng serbisyo ninyo, o magbigay ng pangkalahatang customer service.

Dahil sa humihina na ang mga tradisyonal na call center at mas dumadalas na ang paggamit sa mga call center software tulad ng LiveAgent, mas madali nang makapagbigay ng ganitong uri ng mga karanasan para sa inyong mga customer nang hindi na kailangang gumastos nang malaki. Mas abot-kaya na ang call center ng iba’t ibang uri ng mga business, malaki man o maliit.

Paano gumagana ang LiveAgent call center?

Ginagawang mas madali ng LiveAgent ang pangangasiwa at pagpapatakbo ng isang call center sa tulong ng kanilang advanced features. Halimbawa, puwede kayong gumawa ng custom na IVR (Interactive Voice Response) trees, na automatic ang pag-route ng mga customer ninyo sa nararapat na department at agent.

Ang pinakamahusay na bahagi rito ay ginagawa ng LiveAgent IVR feature ang lahat ng trabaho, at nagiging hassle-free ang karanasan ng mga customer. Kailangan lang nilang pakinggan ang IVR menu at pindutin ang nararapat na dial pad key (tulad ng “pindutin ang 1 para sa sales”) para makonekta sa tamang tao na tutulong sa kanila.

Call center gamit ang IVR

Sa maling department ba aksidenteng kumonekta ang customer? Simple lang ang solusyon dito — gamitin ang call transfer nang iruta ang customer sa isa sa inyong mga katrabaho para makatipid ng oras.

Nakakalimutan ba ninyo ang mga sinasabi ng mga customer? Huwag mag-alala. Nire-record ng LiveAgent ang lahat ng incoming at outgoing call at itinatago itong lahat sa sistema. Kung kailangan mong alalahanin ang anumang detalye, hanapin lang ang ticket at pakinggan ang buong call recording. Puwede ring gamitin ang call recording sa training ng mga bagong agent para maipakita sa kanila ang mga tamang pagsagot sa mga tawag ng customer. 

Gusto pa ninyo ng karagdagang impormasyon tungkol sa features ng call center namin? Bisitahin ang aming  Call Center feature page na naglalaman ng lahat ng impormasyon tungkol sa kapasidad ng LiveAgent call center.

Paano ang integration ng Sipcall VoIP sa LiveAgent?

Kung gusto ninyong gumawa ng LiveAgent call center kasama ang Sipcall bilang VoIP provider, sundan ang simpleng guide na ito.

  • Buksan ang LiveAgent at pumunta sa Configuration > Call > Numbers. I-click ang orange na Create button sa itaas.
  • Piliin ang Sipcall sa listahan ng mga VoIP provider.
Sipcall
Piliin ang Sipcall
  • Pangalanan ang number, piliin ang department, ilagay ang mga detalye ng login ninyo, at piliin ang dial-out prefix number ninyo. Puwede ring ilagay o alisin ang check option na magre-record ng lahat ng tawag na makukuha at gagawin mula sa number na ito. Kung tapos ma kayo, i-click ang Add button sa ibaba.
Sipcall
Pag-configure ng Sipcall phone number

Ang phone number ay nasa LiveAgent na at handa nang gamitin. Kung gusto ninyo, magdagdag pa ng maraming Sipcall phone numbers o magdagdag ng ibang numbers mula sa ibang VoIP providers.

Sipcall
Sipcall phone number naidagdag na

Alamin ang karagdagang impormasyon tungkol sa LiveAgent Call Center software

Naghahanap ba kayo ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagtatayo o pagpapatakbo ng call center? Kung interesado kayo, basahin ang LiveAgent academy para sa karagdagang detalye tungkol sa mga call center at iba pang topics tungkol sa mundo ng customer support.

Gusto ba ninyong alamin kung ano pa ang magagawa ng LiveAgent? Panoorin ang video sa ibaba para makita ang kabuuang tour ng aming customer support software.

https://www.youtube.com/watch?v=3zYfDwqNj0U&t=5s
Balik sa Integrations Gumawa ng LIBRENG account

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×

Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo