Ano ang SendMyCall?
Ang SendMyCall ay isang business phone system at VoIP provider. Kasama sa mga serbisyo nila ang virtual numbers, PBX phone system para sa mga kompanya, toll-free numbers, at call management.
Paano gamitin ang SendMyCall?
Ang ticketing system ng LiveAgent ay tumatanggap din ng customer calls. Salamat sa feature na ito, puwede kayong mag-set up ng call center at tumanggap ng mga tawag. Ang SendMyCall ay puwedeng piliin bilang VoIP provider para sa LiveAgent call center ninyo.
Sagutin ang anumang itinawag na inquiry gamit ang LiveAgent at simulang magbigay ng mas mainam na customer support. Ang call center features namin ang magsisigurong gaganda ang daloy ng customer management ninyo. Pakinabangan ang video calls, IVR trees, custom call buttons, at marami pang iba.
Ano ang mga benepisyo ng paggamit ng SendMyCall?
- Abot-kaya at flexible ang pricing plans
- Nagbibigay ng toll free numbers
- Buong mundo ang coverage
Start providing better phone support
Get the job done with LiveAgent call center and provide amazing customer experience for everyone
Magkano ang aabutin sa pag-integrate ng SendMyCall sa LiveAgent?
Ang SendMyCall integration sa LiveAgent ay kasama na sa isa sa mga plan kaya walang dagdag na bayad para rito. Ikonekta lang ang SendMyCall number ninyo, i-set up ang call center, at simulang gumawa at tumanggap ng tawag ng customer.
Paano ang integration ng SendMyCall sa LiveAgent?
Ang proseso ng integration ay simple at saglit lang. Hindi kailangang mag-activate ng plugins o umasa sa third-party services para matapos ang integration ng SendMyCall sa LiveAgent. Sundin ang mga hakbang sa ibaba para malaman kung paano matatapos ang proseso ng integration.
- Una sa lahat, pumunta sa SendMyCall website at bumili ng bagong virtual number. Puwede ninyo itong gawin sa pag-click sa Buy now button sa kanang kanto sa itaas ng kanilang homepage.

- Sa section na ito, piliin ang bansa at lugar kung saan ninyo gustong nakadestino ang number. Piliin ang VoIP sa Select Forwarding Destination section at ilagay ang Host at Details. Kapag tapos na, i-click ang Continue.

- Kakailanganin ninyong magrehistro bago magbayad. Kapag natapos ang pagrehistro, ihanda ninyo ang username, password at virtual number para sa mga susunod na hakbang.

- Ngayon, buksan ang LiveAgent at pumunta sa Configuration > Call > Numbers. I-click ang orange na Create button sa itaas at piliin ang SendMyCell mula sa listahan ng VoIP providers.

- Ibigay ang mga detalye ninyo tulad ng username, password, at ang SendMyCall phone number. Kailangan ninyong piliin ang tamang department, dial out prefix, host, ang option na mag-record ng tawag, at pangalan ng number. Kapag tapos na, i-click ang Save.

Tagumpay ang paglagay inyo ng SendMyCall number sa LiveAgent call center. Puwede na itong gamitin para makagawa at makasagot ng customer calls. Kung nais pa ninyong matutuhan ang pagbibigay ng customer support gamit ang telepono, puntahan ang aming Academy articles para matuto n bagong tips at tricks.
Frequently asked questions
Ano ang SendMyCall?
Ang SendMyCall ay isang kompanyang nagbibigay ng virtual phone numbers, PBX systems para sa mga opisina, at toll-free numbers. Ang pricing ay flexible at puwede kayong mamili mula sa iba’t ibang bansa at lugar sa buong mundo.
Gumagana ba ang SendMyCall sa LiveAgent?
Oo, ang SendMyCall ay isa sa mga VoIP providers na suportado ng LiveAgent. Puwede ninyong idagdag ang SendMyCall virtual numbers ninyo sa call center ng LiveAgent at simulang gumawa at sumagot ng mga tawag ng customer.
Paano ang integration ng SendMyCall sa LiveAgent?
Madali lang ito. Narito ang mga hakbang.