Xero

Ano ang Xero?

Ang Xero ay isang accounting platform na ginagamit para sa invoicing, reporting, bank reconciliation, at marami pa.

Paano ito magagamit?

Gamitin ang Xero integration sa paggawa o pag-manage ng mga bagong bill, order, payment, contact, quote, invoice, o resibo. Puwede rin itong gamitin para makakuha ng notification tungkol sa anumang bagong news or pagbabago sa mga item na ito.

Mga Benepisyo

  • I-track at i-manage ang inyong mga invoice, report, at marami pa
  • Gumawa ng tasks at iba pang actions mula sa iisang software na lang
  • I-manage ang inyong mga customer o magdagdag ng tasks at comments
  • Di na palipat-lipat ng apps

Paano mag-integrate ng Xero sa LiveAgent gamit ang Zapier

Puwedeng gamitin ang Zapier sa pag-integrate ng Xero sa LiveAgent. Pinapadali ng Zapier ang proseso ng integration ng dalawang apps. Ilang minuto lang at tapos ito agad, at di mo kailangang maging marunong sa coding para gawin ito. 

Ang una ninyong kailangan ay isang Zapier account. Gumawa ng isa dito. Pagkatapos, mag-log in lang at tumuloy sa LiveAgent + Xero integrations site.

Xero at LiveAgent integration page sa Zapier
Xero + LiveAgent integration page

Kapag nasa page na kayo, mag-scroll pababa hanggang makita ninyo ang Connect LiveAgent + Xero in minutes na section. Dito kayo pipili ng trigger at action. Ang trigger sa isang app ang makaka-activate sa action sa pangalawang app. Isipin kung anong klaseng integration ang gusto ninyong maganap at piliin ito.

Pagkatapos, i-click ang blue button sa ibaba. Bilang halimbawa sa guide na ito, pinili namin ang Xero trigger na New Bill at ang LiveAgent action na New Conversation.

New bill na trigger at create conversation na action sa LiveAgent at Xero integration
Napiling trigger at action

Sa susunod na section, kailangang i-configure ang Xero trigger. Mag-log in sa account ninyo at ilagay ang kinakailangang data permissions. Magagawa agad ang configuration sa pag-click ng ilang simpleng options. 

Mga trigger configuration option ng Xero sa Zapier site
Xero trigger configuration

Ang susunod na gagawin ay ang pag-test sa trigger ninyo. Puwede ninyong laktawan ang hakbang na ito pero rekomendado naming subukan pa rin ninyo para maiwasan ang anumang isyu.

Xero trigger test ng Zapier integrations
Xero trigger test

Ngayon ay ang configuration naman ng LiveAgent action. Sa setup na ito, kailangang sulatan ang ilang fields tulad ng sender at recipient email, message subject, at iba pa. Mag-iiba-iba ito depende sa integration na gusto ninyong gawin. Tandaan na ang message sender email ay hindi puwedeng katulad ng ginagamit ninyo para sa LiveAgent account ninyo. 

Mga action configuration option ng LiveAgent sa Zapier site
LiveAgent action configuration

Kapag tapos na kayo, magsagawa ng panghuling integration test para makita kung gumagana ito. Sakaling magkaroon ng problema, may mainam na troubleshooting guide ang Zapier sa site. 

Isang matagumpay na test ng Xero at LiveAgent integration sa Zapier
Matagumpay na integration test

Makikita na ninyo ang paggana ng integration. Tuwing may panibagong bill na idadagdag sa Xero, makakakuha kayo ng bagong ticket sa LiveAgent ticketing system. 

Isang bagong bill na idinagdag sa Xero para sa LiveAgent integration test
Bills view sa Xero
Isang bagong conversation ang ipinadala sa LiveAgent ticketing system matapos ang matagumpay na integration sa Xero
Isang bagong conversation na pinadala sa LiveAgent

Bumalik lang sa site tuwing gusto ninyong gumawa pa ng maraming integration para sa inyong LiveAgent help desk.

Frequently asked questions

Ano ang Xero?

Ang Xero ay isang cloud-based accounting software na ginagamit ng mga maliliit na business. Puwedeng gawin ang sumusunod sa Xero:

- mag-schedule at magtago ng mga payment

- mag-claim ng expenses

- mag-track ng mga project

Paano magagamit ang Xero integration sa LiveAgent?

Sa Xero integration ng LiveAgent, puwedeng gawin ang sumusunod: 

- mag-manage ng mga bill, payment, order, invoice, resibo

- makakuha ng notifications tungkol sa anumang news at pagbabago

Balik sa Integrations Gumawa ng LIBRENG account

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo