Libreng trial

Language switcher

–Hidden comment

Use attributes in format region_from and region_to= to change the languages showing in language switcher.
Available regions are:
europe_from europe_to
asia_from asia_to
mideast_from mideast_to
america_from america_to

Example:
europe_from=0 europe_to=22 will put all languages (ordered in language switcher settings) from 1 to 21 to Europe region:
asia_from=22 asia_to=25 will put all languages from 23 to 24 (so only 2) into Asia region.

Zentap

Ano ang Zentap?

Ang Zentap ay isang marketing solution at website builder na maraming features at nakatuon sa pagbibigay ng serbisyo sa mga real estate agency at indibidwal na real estate agent. Kasali sa kanilang mga serbisyo ang lead generation, automation ng social posting, video content na may branding, mga real estate agent website, Facebook page optimization, at marami pa.

Paano magagamit ang Zentap?

Maingat ba ninyong pinangangalagaan ang inyong real-estate marketing? Piliin ang Zentap at simulan ang inyong mga marketing campaign gamit ang epektibo at maaasahang solution na ginawa para sa partikular na gamit na ito.

Ang mga real estate website ay magandang pagkakataon para makilala ng mga tao ang inyong brand, mga serbisyo, at nakamamanghang mga offer. Kaya mahalagang makontak kayo ng mga customer kung gusto nila. Makatutulong ang LiveAgent sa layuning ito, salamat sa ticketing system at live chat.

Ang pagkonekta sa inyong email sa LiveAgent ticketing system ay makatutulong para maisaayos ninyo nang madali ang mga client email habang pinananatiling organisado ito, at madaling matukoy kung ano ang dapat unahin. Para mapabilis pa ang komunikasyon, puwedeng lagyan ng live chat widget ang inyong website. Makikita agad kayo ng mga future client ninyo. Isang click lang at makakapag-chat agad sila sa inyo.

Ang LiveAgent live chat widget ay isa sa pinakamabilis, na ang pag-display nito ng chat ay di lalampas sa 2.5 segundo. Tingnan ang pagkukumpara para makita  ninyo mismo. Suportado din ito ng maraming features para masiguro ninyong hindi kayo maliligaw sa mga usapan.

Ang mga proactive chat invitation ay magbibigay ng kasiguruhan na ang inyong live chat widget ay mapapansin ng bawat website visitor. Ang real-time typing-view ang magpapakita sa inyo kung ano ang itatanong ng mga customer bago nila pindutin ang send button. Piliin ang chat button design mula sa gallery o gumawa kayo ng sariling disenyo. Tingnan ang listahan ng full live chat feature para makita ninyo ang lahat ng kakayahan nito.

LiveAgent Live Chat Demo

Ano ang mga benepisyo ng Zentap integration?

  • Dedicated na real-estate marketing solution
  • Magandang website builder na makatutulong sa inyong ipamalas ang inyong mga kakayahan
  • Madaling komunikasyon sa LiveAgent ticketing
  • Isa sa pinakamabilis na live chats sa inyong website
  • Madaling proseso ng integration  

Let your clients reach you faster with live chat

Place a LiveAgent live chat on your real-estate website and provide them with a fast communication option

FREE TRIAL

Paano ang integration ng LiveAgent sa Zentap?

May ilang simpleng hakbang kayong kailangang gawin para sa integration ng LiveAgent live chat button sa inyong Zentap website. Sundan ang guide sa ibaba para malaman kung paano kumpletuhin ang proseso.

  • Kung wala pa kayong nakahandang Zentap website, gawin ito gamit ang kanilang intuitive drag-and-drop builder. Magrehistro sa pamamagitan ng pag-click sa link na magdadala sa inyo sa Zentap homepage.
Zentap website builder na maraming options sa kaliwang panel
Zentap website builder
  • Ngayong kumpleto na ang inyong website at nakabukas pa ang editor, i-click ang Elements sa kaliwang panel at hanapin ang Integrations. Mahahanap ninyo ang LiveAgent integration dito. Ilagay ito sa inyong website at ilagay ang mga detalye – ang LiveAgent company name at ID ng inyong chat button. Mahahanap ang inyong ID sa mga chat button setting sa Integration tab. Hanapin ang inyong code para sa linyang ganito. Kapag nagawa na ninyo, i-save ang button, at ang live chat widget ay nasa website na ninyo.
LiveAgent live chat button settings na may integration code at highlighted ID ng chat button
LiveAgent live chat ID

Okay na! Ang inyong live chat ay nasa website na ninyo, at ang mga kliyente ay makakakontak na sa inyo anumang oras.  Gusto pa ninyo ng karagdagang detalye tungkol sa live chat communication? Basahin ang article na ito tungkol sa live chat etiquette o alamin ang tungkol sa live chat features dito.

LiveAgent Product Tour

Subukan ang LiveAgent Ngayon​

May offer kaming concierge migration na serbisyo mula sa isa sa pinaka-popular na help desk solution.

3,000+ na review Trustpilot GetApp G2 Crowd

FAQ

Ano ang Zentap?

Dagdag pa sa offer nilang marketing solutions, ang Zentap ay merong Website Builder na nakatuon sa pagtulong sa mga real estate agency at indibidwal na agent na gumawa ng kanilang mga website. Ang kompanya ay may offer na lead generation service, automated social posting, video content na may brand integration, mga real estate agent website, Facebook page optimization, at iba pa.

Paano ginagamit ang Zentap?

Gamit ang Zentap, hawak ninyo ang epektibo at maaasahang marketing solution na dinisenyo para sa partikular na gamit na ito. Ang Zentap website builder ay makagagawa ng isang magandang website para sa inyong business. Puwede ninyong i-promote ang inyong brand, mga serbisyo, at nakamamanghang offer sa mga real estate website. Mabuti na lang at matutulungan kayo ng ticketing system at live chat ng LiveAgent.

Paano ang integration ng LiveAgent live chat sa Zentap website?

  • Sa Zentap editor, buksan ang Elements sa kaliwang panel at hanapin ang Integrations
  • Hanapin ang LiveAgent at ilagay ito sa inyong website
  • Ilagay ang inyong LiveAgent company name at chat button ID

Tapos na!

Balik sa Integrations Gumawa ng LIBRENG account

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×

Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo