Key takeaways
Pros
- Ticketing system na may focus sa IT support
- Magandang disenyo at user experience
- Interesanteng features para sa specific use case
Cons
- Limitado lang sa IT support
- Medyo mahal
Ang pagsisimula sa SolarWinds ticketing
Ang SolarWinds ay kilalang IT support solution na ang focus ay magkaroon ng maayos na experience ang mga business sa IT help desk software. Makikita ang focus na ito sa interface at mga available na feature. Pero, hindi lang sa IT service providers naka-focus ang SolarWinds; marami pa itong kayang gawin. Ang product catalog nito ay puwedeng magbigay ng solutions para sa halos lahat ng problemang may kinalaman sa IT management.
Kung gusto ninyong magsimula sa SolarWinds na di muna nagbabayad, siguraduhing sa libreng trial kayo pumasok sa pag-register sa website ng SolarWinds. Kapag may account na kayo, may welcome greeting sa screen na nagtatanong kung ano ang gusto ninyong gawin. Pinapakita dito ang ilang options para magpatuloy sa inyong startup journey. Puwede rin kayong mag-engage sa pop-up na magpapakita sa inyo ng mga pasikot-sikot sa isang mabilis na tour.
Kapag na-click na ninyo ang “Take me to my service desk,” dadalhin kayo sa incident management dashboard, ang ticketing system ng SolarWinds. Bibigyan kayo ng web app ng maikling introduction sa incident management at bibigyan kayo ng option na kunin ang buong tour o panoorin ang introduction video. Kung gusto ninyong laktawan ito, isara lang ang window at magpatuloy sa ticketing system.
Magandang gamitin ang interface ng SolarWinds. Maayos na na-execute ang disenyo, available sa lahat ng oras ang features at tools. Ang menu sa kaliwang bahagi ay puwede kayong dalhin sa iba’t ibang sections ng SolarWinds, at pinapakita rito ang task functionality, device management, procurement, risk management, analytics, settings, at iba pang interesanteng options. Puwede rin ninyong makita ang ticketing system dito. Bago pumunta sa testing, tingnan muna kung anong klaseng features meron ang SolarWinds.
SolarWinds ticketing system features
May offer ang SolarWinds na feature set na naka-focus sa mga business na nagbibigay ng IT services. Ang ticketing system, na mas kilala bilang incident management, ay isang feature mismo dahil isa lang itong bahagi ng buong software ng SolarWinds. Pero meron itong sariling set ng sub-features na nagpapadali sa inyong ticket management. Multi-channel ang ticketing system ng SolarWinds at kaya nitong magbigay ng support sa management ng tickets sa email, phone, service portal, mobile app, o sa chat.
Sinusuportahan din ng incident management ang automated rules at task management, ticket routing, automated incident tracking, o ticket export sa iba’t ibang formats. Gumagamit din ang SolarWinds ng artificial intelligence para pataasin pa ang productivity ng mga agent. Ito ay mas para sa ticket categorization at agent routing kung saan artificial intelligence ang automatic na pipili ng pinakamagandang match sa agent specialization at ticket category.
Ticketing system performance at user experience
Oras na para tingnan ang performance ng incident management system ng SolarWinds. Pinadalhan namin ang aming sarili ng dalawang test email para gayahin ang experience ng pag-chat sa empleyado o isang customer na nagre-request ng customer support. Medyo natagalan bago lumabas ang ticket sa incident management system ng SolarWinds.
Kahit hindi naman ito tumagal nang higit isang minuto, pinapakita pa ring medyo mas mabagal ito kaysa sa iba. Kahit ganoon, hindi ito deal-breaker. Dumating ang email at naging isa itong ticket nang walang kahit anong problema. Ang automatic ticket assignment at ticket categorization ay hindi agad available pero gagana ito kapag na-activate na ito sa settings. Ang interface sa loob ng tickets ay puwede na; pinapakita nito ang impormasyon at tools nang malinaw.
Kahit mukhang masikip ang field sa pag-reply, lumalaki ito kapag naabot na ang tamang haba ng text. Ito ay maganda sa pag-save ng space sa screen. Puwede ninyong ma-access ang lahat ng tools sa pag-edit ng text sa loob mismo ng reply field. Dagdag pa, puwede ninyong makita ang iba pang options sa ticket – mga detalye ng ticket, iba pang may kaugnayang items, tasks, at audit log. Lahat ito ay may ilang magandang use cases sa iba’t ibang scenario.
Sa kabuuan, magaling na contender ang ticketing system ng SolarWinds. Ang interface at access sa features ay di tulad ng standard customer service solutions. Pero tandaan na ang SolarWinds ay naka-focus sa IT support. Ibig sabihin, nagbibigay ito ng magaling na toolset at interface na may focus sa pagbibigay ng magandang user experience para sa partikular na klase ng help desk department.
SolarWinds pricing
May apat na pricing plans ang SolarWinds na may iba’t ibang Service Desk features. Ang bawat plan ay para sa iba’t ibang klase ng team o organisasyon. Tingnan natin kung ano ang makukuha ninyo sa halaga ng pera ninyo mula sa SolarWinds.
Team
Ang Team plan ay naka-focus sa pagbibigay ng lahat ng kinakailangang tools para sa maliliit na teams. Nagsisimula ang bayad dito sa $19 kada buwan bawat user. Kasama rito ang incident management (ticketing system), service portal, at unlimited na requestors.
Business
Ang Business plan ay naka-focus sa lumalaking teams, na may price tag na $39 kada buwan bawat user. Kasama rito ang lahat ng meron ang Team plan, pati ang service catalog, change management, SLAs, groups, custom roles, internationalization, at real-time 24/7 na live chat support.
Professional
Ang Professional plan ay kuntodong para sa IT organizations. Ito ay may halagang $69 kada buwan bawat agent. Makukuha ninyo ang lahat sa dalawang naunang plans, dagdag pa ang custom fields at forms, advanced automation, network discovery, contact management, license compliance, scheduled reports, API access, at marami pang ibang support options.
Enterprise
Ang Enterprise plan ay may offer na full customizability sa halagang $89 kada buwan bawat user. Lahat ng meron sa mga naunang plan ay kasama. Dagdag pa ang visual CMDB at dependency mapping, multi-factor authentication options, at hanggang 1,500 API calls bawat user kada minuto.
Kongklusyon
Ang SolarWinds ay nagbibigay ng epektibo at murang ticketing solution para sa kahit anong klaseng IT department o business. Ang toolset nito ay sobrang bagay para sa ganitong klaseng use case. Dahil dito, isa ang SolarWinds sa pinakahinahanap na solution. Ang SolarWinds ay medyo may kamahalan sa mga mas matataas na plans, pero makukuha ninyo ang tools na katumbas ng value ng inyong pera.
Frequently Asked Questions
Paano i-set up ang automation rules sa SolarWinds?
Sa SolarWinds, pumunta sa Setup > Service Desk > Automation Rules at i-click ang Add button. Piliin ang trigger at scope ng rule, pagkatapos ay tukuyin kung ang inyong rule ay kailangan ng maraming conditions o iisang condition lang. Kailangan ding tukuyin kung gagamit kayo ng time-based conditions para sa inyong automation rule. I-click ang Add condition at piliin ang field at value. Pagkatapos ay i-click ang Add Action at pumili ng action sa listahan. Puwede rin kayong magdagdag ng actions sa inyong rule. I-fill out ang natitirang fields tulad ng description at i-click ang Save kapag tapos na kayo.
Paano i-enable ang ticket auto-assignment sa SolarWinds?
Kung gusto ninyong automatic na i-assign ng SolarWinds ang inyong tickets, mag-log in sa inyong SolarWinds help desk bilang administrator, at pumunta sa Setup. Buksan ang Techs > Tech Groups at i-click ang group name sa column ng group name. I-click ang tab ng tech group levels at i-click ang level number sa column ng level. Hanapin ang auto-assign tickets at pumili ng option.