osTicket ticketing review

Ang osTicket ay isang libreng ticketing system na may basic email integration. May mga limitasyon ito sa paggamit, tulad ng pag-submit ng tickets sa pamamagitan ng unique link at ang kailangan pang kontakin ng mga customer ang agent sa halip na magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng email. Gayunpaman, mayroong available na analytics features at standard na ticketing features tulad ng ticket forwarding, assignments, atbp. Nalalapat ang osTicket para sa mga nagbabayad ng hugis ng ticket form option at mayroong tatlong versions ng software na may iba't ibang mga pricing option.
osTicket ticketing review
Compare osTicket ticketing review with other in: How osTicket ticketing review is doing on review portals
4.3
Average rating based on data from trusted review portals
134 reviews

Ang osTicket ay hindi ang pinakamahusay na ticketing software sa ngayon pero sinusubukan naman nitong humabol sa mga mas mahal na solutions na wala namang ino-offer na halaga sa mga business. Alamin kung gagana ito sa aming review.

Pricing
Starting from:
$ 9   kada buwan
Equal to LiveAgent's Free plan Liveagent pricing
Free trial: Yes
Free version: Yes

Jana Kostelanska

Editor's rating

Jana Kostelanska
Overall rating
3.2
User experience
2.5
Presyo
5
Implementation
2

Key takeaways

Pros

  • Libreng software
  • Magandang feature set

Cons

  • Ang mandatory ticket form ang taning paraan para mag-submit ng tickets
  • Luma na ang interface
  • Libre pero may mga bug

Ang pagsisimula sa osTicket ticketing

Ang osTicket ay may offer na dalawang paraan para makapagsimula. Puwede ninyong piliin ang open source version na libre o makukuha ninyo ang libreng 30-araw na trial ng Cloud-Hosted version na $9 kada buwan bawat user matapos ang trial. Kailangan lang sa registration ang basic information para makapagsimula kayo pero dapat ninyong gamitin ang inyong company email address. Kapag natapos na ninyo itong proseso, makikita na ninyo ang osTicket interface.

osTicket interface

Mukhang luma na ang interface pero functional pa rin. Ang users na di maalala ang itsura noon ng user interfaces ay baka magkaroon ng problema sa navigation sa umpisa, pero agad itong mawawala kapag nagsimula na sila sa paggamit ng application. Ang positibong bagay sa osTicket interface ay sobrang naka-focus ito sa task sa kasalukuyan at di kayo maaabala sa mga di importanteng bagay.

Ang isang malaking problema ay kita agad sa simula at konektado sa login. Tuwing aalis kayo sa osTicket, mala-log out kayo. Di naman ito masama kasi maraming ticketing solutions na nila-log out ang users kapag di sila aktibo bilang depensa sa maling paggamit. Pero laging imposibleng mag-log in ulit. Lagi naming nakukuha ang “Session timed out due to inactivity” na error at walang paraang makapag-log in kasi laging lumalabas itong error.

osTicket - log in error

Makakapag-log in lang ulit kung isasara ang browser at maghihintay saglit. Mareresobla ang isyung ito sa pagdagdag ng login User Session Timeout limit sa settings. Nirerekomenda naming taasan ninyo ito talaga para maiwasan itong problema pero siguraduhing ila-lock ninyo ang computer ninyo kung iiwan ninyong bukas ang osTicket.

osTicket - user session timeout setting

Ang isa pang puwedeng problemado ay may hindi conventional o medyo luma nang ticketing system ang osTicket. Ang customers ay hindi diretsong makakapag-email sa ticketing system; kailangan pa nilang i-access ang unique link na puwedeng ma-generate sa inyong registration at ipadala ang tickets mula sa dedicated form. Hindi ito ang pinaka-flexible na paraan sa pag-submit ng tickets at kailangan pa ninyong i-push lagi ang website link para masiguradong ang clients ninyo ay alam kung paano mag-submit ng tickets sa inyong ticketing system.

osTicket - support ticket request created

osTicket ticketing system features

Tingnan natin ang uri ng features na maaasahan ninyong magamit sa osTicket. Ang email integration sa system ay naroon sa lahat ng plans at ito lang ang nakalistang feature sa libreng plan. Nakalista sa ibang plans ang features tulad ng email at phone ongoing support, libreng walk through session, nama-manage na upgrades at maintenance, at dalawa pa. Hindi nila pinapakita ang maraming ticketing functionality mismo at mga uri ng ino-offer na sub-features. Pero pagbukas ng app, may mas mahusay na kayong ideya kung ano ang maaasahan mula sa osTicket feature set.

Ticketing system performance at user experience

Ang paggamit ng osTicket ay hindi naman masama pero tiyak na hindi ito modernong ticketing software. Pero masasabi naming malinaw ang karamihan sa interface at maayos itong gagana kapag nasanay na kayo rito nang bahagya. Pinapakita sa dashboard ang marami pang features sa nabanggit sa pricing section ng website. Makakakuha kayo ng access sa analytics features pati sa ilang standard na ticketing features tulad ng ticket forwarding, assignments, ticket status, merging, linking, transferring at marami pa. Mainam na makita ang mga kinakailangang features sa isang libreng solution tulad ng osTicket.

osTicket - ticket activity report

Nag-test kami ng ticketing system sa pagpapadala ng ticket sa sarili namin gamit ang nabanggit naming link. Ang ticket form para sa customers ay madaling gamitin. Kailangan nito ng email address, pangalan, at phone number, na email at pangalan ang mandatory options. Lahat ng users nitong form ay dapat pumili ng topic ng ticket. Simple lang itong gamitin at makakadagdag ito sa magandang organization capabilities sa inyong help desk. Pero ang pagpapadala ng email sa isa pang email address ay ang pinakapopular pa ring paraan.

osTicket - ticket form

Halos dumarating agad ang tickets sa system, at maganda ito. Ngayon, mas gaganda ang interface ng osTicket kapag binuksan na ninyo ang ticket. Humahaba ito para ma-accommodate ang mas mahahabang message at kitang-kita lahat. Ang ticket reply field din ay maganda ang disenyo at bibigyan kayo ng maraming espasyo para sa inyong mga sagot. Mas importante, lahat ng features ay malinaw na nakikita. Hindi agad nakakabilib ang mga ito sa umpisa pero tandaan nating ang kaharap natin ay isang sobrang mura o libre pa ngang ticketing system.

osTicket - ticket reply field

Ang ticket reply na bahagi ng interface ay pinapakita rin ang mas maraming features tulad ng canned responses at text editing options. Makukuha ninyo ang lahat ng standard text formatting features din na may options pang mag-attach ng media, links, bullet points, HTML, o kahit visual elements tulad ng mga linya. Ang isang interesanteng feature ay ang option na lumipat sa fullscreen mode, na pinapalaki nang husto ang reply field sa screen. Magagamit ito ng users na gumagamit ng gadgets na mas maliliit ang screen. Magagamit din ninyo ang internal notes sa tickets.

osTicket - full screen mode

Kahit hindi gaanong nakakabilib sa umpisa ang osTicket, tiyak namang may offer itong lahat ng kinakailangan ng isang ticketing user sa kanilang trabaho. Ang hindi lang mainam dito ay kailangan pang kontakin ng customers ang agents sa isang ticket submission system sa halip na sa pagpapadala ng message gamit ang email. Pero kahit ito ay puwedeng maging kapaki-pakinabang sa tamang sitwasyon sa loob ng ilang kondisyon.

osTicket pricing

Ang osTicket ay may tatlong versions at iba-ibang pricing options. Hindi naman ito masyadong magkakaibang pricing plans pero mas iba-ibang versions ng parehong software na may ilang pagbabago. Tingnan natin ang makukuha ninyo.

Open Source

Ang Open Source version ng osTicket ay available nang libre na may support sa community. May offer itong basic email integration. Mada-download ninyo ito mula sa osTicket website nang walang kailangang bayad.

Cloud-hosted

Ang Cloud-hosted version ng osTicket lang ang merong libreng trial ng 30 araw. Kung itutuloy ninyo ang paggamit dito, nagkakahalaga ito ng $9 kada buwan bawat user. May offer itong halos lahat ng available na features kasama ang email at phone ongoing support, libreng walk through session, mina-manage na upgrades at maintenance, sobrang solid na infrastructure at garantisadong uptime, at araw-araw na backups.

Virtual appliance

Ang Virtual appliance option ng osTicket ay walang makitang presyo. Customized ito batay sa requirements ninyo. Ang tanging dagdag lang ay customized ang osTicket ayon sa kailangan ng inyong business kaya pinasadyang solution ang makukuha ninyo.

Kongklusyon

Sa isang banda, ang offer ng osTicket ay isang mahusay na ticketing system na may importanteng features na available nang libre. Sa kabilang banda, meron itong mga limitasyon pagdating sa use case. Gayunman, puwede pa ring ikonsidera ang osTicket bilang contender na kagulat-gulat. Kung ayos lang sa inyo ang mandatory ticket form option, ang osTicket ay puwedeng maging mahusay na ticketing solution para sa business ninyo kahit di ito gaanong flexible gaya ng ibang ticketing software.

Karaniwang mga isyu at problema

Problema sa osTicket login matapos ang timeout

Kung di kayo makapag-log in ulit matapos ang automatic logout sa osTicket at nakakakita kayo ng “Session timed out due to inactivity” error, subukang isara muna ang inyong browser. Ibalik ito ulit matapos ang isang minuto at mag-log in ulit. Kung andun pa rin ang problema, mag-log in gamit ang ibang browser o gamitin ang incognito mode.

Lagi kaming nala-log out sa osTicket

Kung gusto ninyong pahabain ang oras ng pag-log in sa osTicket habang di kayo aktibo, galawin ninyo sa settings. Buksan ang Settings at taasan ang Agent session timeout value ayon sa nais ninyo. Puwede ninyong ma-adjust ang value sa Agents at Users sections din.

Product reviews

Reviews - Ticketing Software Reviews - Osticket

Ticketing Software reviews

Reviews - Ticketing Software Reviews - Osticket

Kinokonsidera ba ninyo ang Bitrix24 para sa inyong call center customer support? Tingnan ang aming review nang malaman kung paano ito nag-perform sa aming general test.

Call Center Software review

Kinokonsidera ba ninyo ang Bitrix24 para sa inyong call center customer support? Tingnan ang aming review nang malaman kung paano ito nag-perform sa aming general test.

Ang LiveAgent ay isang user-friendly at intuitive na software na may abot-kayang pricing at madaling gamitin na mga features. May customer portal ang software na naglalaman ng knowledge base articles, forums, feedback, suggestions, at iba pa. Mayroon ding tutorial o tour para maging pamilyar sa pangunahing functionalities ng software. Puwede rin itong i-access sa halos lahat ng karaniwang browsers tulad ng Microsoft Edge, Google Chrome, Firefox, Safari, at Opera. Ang aming karanasan sa software ay napakasuwabe at maaari ring magawan ng customization ang mga element sa customer portal.

Knowledge Base Software reviews

Ang LiveAgent ay isang user-friendly at intuitive na software na may abot-kayang pricing at madaling gamitin na mga features. May customer portal ang software na naglalaman ng knowledge base articles, forums, feedback, suggestions, at iba pa. Mayroon ding tutorial o tour para maging pamilyar sa pangunahing functionalities ng software. Puwede rin itong i-access sa halos lahat ng karaniwang browsers tulad ng Microsoft Edge, Google Chrome, Firefox, Safari, at Opera. Ang aming karanasan sa software ay napakasuwabe at maaari ring magawan ng customization ang mga element sa customer portal.

Gorgias live chat software is part of a robust help desk solution that makes customer communication convenient and accessible. Pricing starts at $10 per month. The software offers a user-friendly interface and customizable chat widget. It also has various configurations and features that are easy to navigate. The system offers a free trial and has an overall rating of 4.5 on trusted review portals. However, some users have reported issues with the absence of real-time typing view and frequent updates that can affect workflow.

Live Chat Software reviews

Gorgias live chat software is part of a robust help desk solution that makes customer communication convenient and accessible. Pricing starts at $10 per month. The software offers a user-friendly interface and customizable chat widget. It also has various configurations and features that are easy to navigate. The system offers a free trial and has an overall rating of 4.5 on trusted review portals. However, some users have reported issues with the absence of real-time typing view and frequent updates that can affect workflow.

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo