Zendesk IVR review

Zendesk offers an IVR feature with a comprehensive interface, though it can be confusing to plan and create an IVR. The performance is good, but the price is relatively high compared to other IVR solutions. Some common issues include the IVR greeting not playing and the IVR greeting repeating multiple times. Make sure to plan out your IVR levels before creating them to avoid confusion. It is recommended to consider alternatives if you don't need a feature-rich IVR.
Zendesk IVR review
Compare Zendesk IVR review with other in: How Zendesk IVR review is doing on review portals
4.1
Average rating based on data from trusted review portals
1557 reviews

Ang Interactive Voice Response (IVR) ay isang popular na feature sa call center software na nabibigyang tsansa ang customer support agents na organisahin ang calls ayon sa iba-ibang conditions. Magagamit ang IVR sa paggawa ng "trees" na nairuruta ang callers sa nararapat…

Pricing
Starting from:
$ 99   kada buwan
Equal to LiveAgent's Large plan Liveagent pricing
Free trial: Yes
Free version: No

Jana Kostelanska

Editor's rating

Jana Kostelanska
Overall rating
3.5
User experience
4.5
Presyo
3
Implementation
3

Key takeaways

Pros

  • Mahusay na IVR
  • Komprehensibong user interface

Cons

  • Ang pagpaplano at paggawa ng IVR ay puwedeng nakalilito,
  • Medyo mahal ang presyo

Ang IVR feature ng Zendesk ay hindi pinakamadaling setup, pero hindi rin ito pinakamahirap. Nagpe-perform ito nang maayos, pero ang IVR setup ay nangangailangan ng ilang pre-planning para maiwasan ang pagkalito sa proseso ng paggawa. Ang Zendesk ay isang napakahusay na software, at kahit ang IVR configuration ay maraming bagay para mapabuti pa, hindi kayo magkakamali rito. Ang kalakasan ng Zendesk ay nasa ibang bagay. Kung papayag kayong magbayad ng mas mataas na presyo para sa features nito, malamang di kayo madidismaya.

Ang pagsisimula sa Zendesk IVR feature

Madaling ma-access ang IVR feature sa Zendesk, salamat sa interface na may mahusay na disenyo at madaling gamitin. Makakukuha agad kayo ng access sa interface pagtapos ninyong makumpleto ang inyong libreng trial registration, na puwedeng makumpleto sa loob lang ng ilang minuto. Ang IVR ay makikita sa ilalim ng Talk options sa Zendesk admin center, na makikita sa kaliwang bahagi ng menu panel.

Zendesk admin center - IVR menus

Ang proseso ng paggawa ng inyong IVR ay hindi mainam, hindi rin ito kasingdaling intindihin. Walang tulong para sa visual planning, mapipili lang ninyo ang IVR options at actions. Bagama’t madaling gawin ang proseso mismo, wala kayong magandang overview ng buong IVR. Bawat level ng IVR ay isang hiwalay na tab na hindi nagpapakita kung saan ito hahantong sa isang malinaw at komprehensibong paraan kung ikukumpara sa ilang IVR solutions. Puwede itong humantong sa ilang pagkalito at mga problema habang ginagawa ang mas detalyadong IVR setups. Nirerekomenda namin ang visual na pagpaplano muna ng mga level ng IVR.

Ang bawat level ng IVR ay nagpapahintulot sa inyong piliin ang action para sa bawat button sa keypad ng caller. Walang malinaw na limitasyon kung ilang level ang puwede ninyong makuha, kung kaya’t puwede ninyong planuhin at gawing mas detalyado ang mga IVR kung kinakailangan. Meron ding option na makapili ng isang greeting, pero hindi ito gumana noong tini-test namin. Ang option lang noon ay “No greeting.” Gayunman, nakita namin ang option sa pagdagdag ng greetings sa ibang section ng Talk setup. Habang ginagawa, puwedeng palitan ang pangalan ng bawat level ng IVR para pahintulutan ang mas maayos na pagpaplano.

Zendesk IVR lines configuration

Puwede ninyong paganahin ang IVR para sa inyong phone lines sa ilalim ng configuration ng bawat phone line. Madaling ma-access ang menu na ito mula sa Talk configuration na nasa kaliwang panel. Puwede kayong mag-attach ng iba-ibang IVR setups sa iba-ibang phone numbers.

Zendesk IVR settings

Kumusta ang performance ng IVR?

Bukod sa hindi masyadong user-friendly ang creation process, mahusay ang pag-perform ng IVR ng Zendesk. Hindi kami nakaranas ng anumang isyung sanhi ng system bugs noong nagti-testing. Gayunman, gumawa kami ng isang non-functional IVR noong mga unang pagsubok. Siguraduhing planuhin muna ang level ng inyong IVR bago ninyo subukang gawin ang mga ito. Nalaman naming lubos na makatutulong ito. Sa pangkalahatan, mahusay ang performance nito, at lahat ng IVR ay gumagana nang naaayon matapos ang tamang pagpaplano.

Pagpepresyo

Habang ang Zendesk ay may offer na maraming pricing plans, dalawa lang sa kanila ang nagbibigay sa users ng access sa IVR features. Ang IVR ay kasama sa Suite Professional at Suite Enterprise plans, ang dalawang pinakamahal na Zendesk plans na makukuha. Subscription-based ang parehong plan, at ang huling presyo ay depende sa bilang ng agent accounts na inyong kailangan.

Suite Professional

Ang suite ay nagsisimula sa $99 kada buwan bawat agent at nagfo-focus kadalasan sa pagdagdag ng call center functionality at features sa Zendesk feature set.

Suite Enterprise

Ang Suite Enterprise ay nagsisimula sa $150 kada buwan bawat agent. Nagdaragdag ito ng maraming features na target ang enterprise level na tasks at communication management.

Kongklusyon

Habang ang Zendesk ay isa sa pinakasikat na help desk solutions na makikita ninyo, ang IVR feature nito ay puwede pang mapahusay. Perpekto ang functionality at walang mga isyu tungkol dito, pero ang setup at implementation ay puwedeng makalito, lalo na sa bagong users. Ang pangalawang malaking problema ay ang presyo dahil ito ay may kamahalan kumpara sa ibang software na may offer na IVR. Kung kayo ay naghahanap ng software na maraming feature set na merong IVR pero hindi ninyo ito kailangang maging perpekto, puwedeng makatwiran ang presyo nito. Kung hindi, inirerekomenda naming maghanap kayo ng IVR solutions na mas mura at mas maganda ang design.

Karaniwang mga isyu at problema

Hindi nagpi-play ang IVR greeting

Kung ang idinagdag ninyong number ay nasa loob na ng inyong account bilang isang external number, puwedeng pigilan nito ang pag-play ng IVR greeting. Puwedeng mag-play ito ng ibang greeting o hindi na talagang mag-play ng greeting. Inirerekomendang tanggalin ang apektadong number mula sa External numbers list.

Paulit-ulit ang pag-play ng IVR greeting

Awtomatikong umuulit ng tatlong beses ang IVR greeting sa Zendesk kung walang nade-detect na pagpindot ang system. Kapag ang greeting ay umulit nang higit sa tatlong beses, siguraduhin ninyong ang greeting ay nakalagay sa Edit route section sa ilalim ng Active routes ng IVR na di pareho ng greeting sa level ng menu. Kung nagkakaproblema pa rin kayo sa inyong IVR greeting, inirerekomenda naming makipag-ugnayan kayo sa customer support ng Zendesk.

Product reviews

Ang customer service evaluation checklist ay ang inyong pagkakataong malaman kung ano ang areas na dapat paghusayin. Bigyang pansin ang mga suhestiyon ng customers.

Customer service evaluation checklist

Ang customer service evaluation checklist ay nagbibigay ng mga hakbang para mapahusay ang customer service ng isang negosyo. Mahalaga ito dahil ang customer service ay isang mahalagang bahagi ng negosyo. Sa pamamagitan nito, malalaman ng negosyo kung paano mapapabuti ang kanilang customer service at magkakaroon sila ng mas malawak na kaalaman sa mga best practices. Puwede itong magbigay ng framework para sa pagpapahusay ng customer service at magturo ng mga bagong kasanayan. Makakatulong ito sa entrepreneurs, mga managers, product development teams, at customer service teams.

Hindi na ninyo kailangang maghanap pa – narito na ang customer service checklist na makatutulong sa inyong matugunan lahat ng mga pangangailangan ninyo sa 2022.

Customer service standards checklist

Upang magkaroon ng positibong customer experience at maging paulit-ulit na customers, mahalaga ang accuracy at pagbibigay ng pansin sa detalye. Maaari itong mapananatili sa pamamagitan ng mga tools tulad ng helpdesk software. Ang responsiveness ay mahalaga rin sa customer service, kung kaya dapat magkaroon ng madaling paraan para maabot ang mga user at masigurong may laging nagmo-monitor ng communication channels. Ang paggamit ng artificial intelligence at automation tools ay nakatutulong din upang mapabuti ang customer support. Mahalaga rin ang pag-manage ng customer expectations at professional approach ng mga empleyado sa customer support team. Ang pagpapakita ng periodic performance plan ay nakatutulong din sa employee productivity at motivation.

Mag-boost ng inyong customer service sa pamamagitan ng aming praktikal na customer service checklist – i-tick off lahat para mailagay na kayo sa daan ng tagumpay.

Customer service checklist

Ang tamang product knowledge ay mahalaga upang magbigay ng magandang customer service. Dapat na maging pamilyar sa mga produkto at serbisyo para mas madaling sumagot sa mga tanong at isyu ng customers. Importante rin ang pagpapahalaga sa mga customer at mabilis na pagtugon sa kanilang mga katanungan at mga pangangailangan. Ayon dito, kailangan mag-set up ng tamang proseso sa pagtugon sa mga inquiries at paglutas ng mga isyu. Mahalagang malaman kung anong pangangailangan ng customer at ma-match ito sa mga produkto at serbisyo. Siguraduhing laging naiipapaalam sa customer ang bawat stage ng resolution process para mapanatili ang kanilang kumpiyansa at maipakita ang pagpapahalaga sa kanila.

Ang Zoho Desk ay isang kilala at sikat na software, pero paano ba nag-perform ang knowledge base nito? Tingnan ang aming review at alamin kung paano ito gumana sa aming tests.

Zoho Desk knowledge base review

Ang Zoho Desk ay nag-aalok ng isang malakas na knowledge base software na madali ring gamitin sa pagsusulat ng mga articles at pagpapakita ng mga larawan at videos. Mayroon itong tatlong mga plano, Standard, Professional, at Enterprise, na may magkakaibang presyo depende sa inyong kailangan. Lahat ng kailangan ng isang text editor ay nasa Zoho Desk na mayroon din opciones para sa SEO, permissions, article expiration, at iba pa. Mayroon din itong Help Center na nag-iisasay ng lahat ng mga articles na naipost, bagama’t kailangan pa ng improvement sa organizational features.

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo