LiveAgent IVR review

Compare LiveAgent IVR review with other in: How LiveAgent IVR review is doing on review portals
4.6
Average rating based on data from trusted review portals
3731 reviews

Ang Interactive Voice Response (IVR) ay isang popular na feature sa call center software na nabibigyang tsansa ang customer support agents na organisahin ang calls ayon sa iba-ibang conditions. Magagamit ang IVR sa paggawa ng "trees" na nairuruta ang callers sa nararapat…

Pricing
Starting from:
$ 49   kada buwan
Equal to LiveAgent's Large plan Liveagent pricing
Free trial: Yes
Free version: Yes

Jana Kostelanska

Editor's rating

Jana Kostelanska
Overall rating
4.2
User experience
4.5
Presyo
4
Implementation
4

Key takeaways

Pros

  • Mahusay na gumagana ang IVR
  • High flexibility at customization
  • Mababang presyo
  • Mahusay na 24/7 na customer support

Cons

  • Hindi madaling ma-setup para sa bagong users Nangangailangan ng kaalaman at kakayahan sa scripting

Nagpe-perform nang mahusay ang IVR ng LiveAgent at hindi kayo matatagalan sa paghahanap ng IVR function, salamat sa pinahusay na user interface. Bagama’t ang pagsi-setup ng IVR ng LiveAgent ay hindi ang pinakamadaling gawain sa mundo, nakakabawi naman ang pagtulong ng kanilang customer support na 24/7. Puwedeng maging napaka-flexible ng IVR ng LiveAgent sa kaunting pasensiya at kaunting kakayanan. Isa pang dahilan para piliin ang LiveAgent ay ang mababang presyo nito para sa ibang mahuhusay na features nito na dapat ninyong ikonsidera para sa inyong help desk.

Ang pagsisimula sa LiveAgent IVR feature

May madaling proseso ng registration na makukuha diresto mula sa website. Kailangan lang ng ilang minuto para makumpleto at makakuha ng access sa inyong LiveAgent web application. Kapag kayo ang nandoon na, puwede na ninyong simulang mag-setup na inyong buong LiveAgent help desk, kasama ang IVR. Merong praktikal ang startup guide na kasama sa bawat communication channel ng LiveAgent. Kapag pinagana ninyo ang calls at idinagdag ang inyong VoIP number, puwede ninyong i-click ang settings nito at simulan na ang pag-setup ng inyong IVR.

Call settings in LiveAgent app

Medyo kakaiba sa umpisa ang pagsi-setup ng IVR ng LiveAgent. Wala itong offer na visual representation ng level ng IVR, kaya dapat gawin muna ang pagpaplano. Ang IVR setup at configuration ay kailangan gawin gamit ang YAML script. Kung ito ang unang beses na gagawin ninyo ito, huwag mag-alala – may makukuhang guide at makikita ninyo ang link diretso sa IVR setting sa LiveAgent. Kung gusto ninyong iwasan ang pagsusulat ng buong IVR nang mag-isa, puwede kayong pumili ng simpleng halimbawa ng IVR dito, kopyahin ito, at i-customize ayon sa gusto ninyo.

 

Bagama’t ang proseso ng paggawa ng IVR ay hindi ang pinakamahusay, puwede itong maging mas madali, salamat sa pagsisikap na napunta sa paggawa ng mas komprehensibong guide na may mga halimbawa. Puwede rin itong magbigay ng iba pang level ng flexibility para sa skilled users na hindi pamilyar sa method na ito. Bawat linya ng command ay nakakabukas ng bagong level o action sa inyong IVR, kaya puwede ninyong gawing detalyado ang mga IVR sa pamamagitan ng ilang kakayanan at pasensiya. Puwedeng abutin ng ilang minuto ang paggawa ng mas simpleng IVR gamit ang mga halimbawa ng IVR na binanggit kanina.

IVR setup in LiveAgent

Puwede rin ninyong piliing magdagdag ng sarili ninyong mga recording sa IVR setup, o mag-download ng sample recordings mula sa support portal article ng LiveAgent. Kailangan ninyong idagdag ang mga ito sa system nang manual. Meron ding magagamit na guide ang article na nagpapaliwanag kung paano magdagdag ng recordings sa system.

Bagama’t hindi ang uri ng setup na ito ang pinakamahusay, nakakabawi naman ang LiveAgent sa 24/7 na customer support nito na makatutulong sa inyo sa bawat hakbang ng proseso. Puwede ring hilingin sa inyong support agents ang paggawa ng IVR para sa inyo, ipaubaya na ito sa mga eksperto nang di na ninyo kailangang magsulat ng kahit isang linya ng script. Hindi lahat ng IVR software ay may offer na ganitong uri ng tulong, kaya nararapat lang na magkaroon ng dagdag na papuri ang LiveAgent sa kabila ng mas komplikadong setup nito.

Kumusta ang performance ng IVR?

Ang LiveAgent IVR nagpe-perform ayon sa pagkakadisenyo ninyo nito. Sa pangkalahatan, gumagana ito nang walang isyu kung naplano nang maayos, at nagbibigay ng mahusay na karanasan para sa mga caller. Hindi kami nakaranas ng anumang malalaking isyu habang nagti-test, at ang karanasan ay maayos. Madaling gumawa at mag-upload ng inyong sariling recording, na nagbibigay sa inyo ng napakahusay na oportunidad para gawing personal ang IVR gamit ang inyong brand at mabigyan ito ng mas propesyonal na pakiramdam. Sa pangkalahatan, gagawin ng IVR ng LiveAgent ang trabaho nang perpekto kung handa kayong pagsikapan ito.

Pagpepresyo

Ang IVR feature ng LiveAgent ay makikita lang sa All-inclusive plan na nagsisimula sa $49 kada buwan bawat agent. Ito ang pinaka-detalyadong plan ng LiveAgent, na may offer ng buong call center functionality pati na rin ang ibang importanteng customer service channels. Ang buong komunikasyon ay inorganisa sa pamamagitan ng ticketing system na nag-aasikaso ng emails, live chat, social media, messenger apps, call center, at customer portal sa iisang lugar.

Kongklusyon

Kahit na hindi ang IVR ng LiveAgent ang pinakamagaling na pagpipilian, mahusay nitong ginagawa ang trabaho at tiyak na hindi kayo madidismaya. Puwedeng madismaya ang mga user na naghahanap ng madaling IVR setup sa IVR creation process ng LiveAgent. Gayunman, maraming puwedeng gawin ang IVR kung nais ninyong matuto. Puwedeng laging gamitin ng mga non-skilled user ang isa sa mga preset na kasama sa customer portal article ng LiveAgent, o makipag-ugnayan sa 24/7 support para tulungan silang magplano ng kanilang IVR nang libre. Puwedeng maging sobrang flexible ng IVR, at magpe-perform nang maayos kung naplano nang tama.

Karaniwang mga isyu at problema

Hindi namin malaman kung paano magdisenyo ng aming IVR flow

Ang IVR builder ng LiveAgent ay umaasa sa YAML script sa halip na sa visual IVR builder. Kung nagkakaroon kayo ng problema sa pag-unawa ng proseso, puwedeng konsultahin ang IVR guide, gumamit ng mga halimbawa ng IVR para kopyahin at i-customize ang mga ito, o humingi pa ng tulong sa customer support team sa paggawa ng inyong IVR.

Product reviews

Interactive Voice Response allows callers to navigate through a phone system before talking to a customer support representative. Via IVR you can play custom recordings to your customers, gather information during the interaction, and execute appropriate actions, such as routing the caller to the correct agent/department or issuing a callback.

IVR (Interactive Voice Response)

The Interactive Voice Response (IVR) system enables callers to navigate a phone system before speaking to a customer support representative, play custom recordings, and execute actions like routing the caller to the correct agent or department. It can be set up separately for each number through a YAML script in LiveAgent and involves 3 mandatory sections: online, queue, and offline. IVR examples are available, and all recordings needed have to be added to LiveAgent accounts. Other features offered by LiveAgent include integrated customer support through various channels and safety measures like SSL.

We've prepared for you several IVR examples covering standard IVR trees.

IVR examples

The given text demonstrates examples of IVR (Interactive Voice Response) scripts, including basic, advanced, and dynamic IVR, as well as DTMF input. It covers different scenarios such as voicemail, offline, and queue, and provides tips and tricks for setting up an IVR system.

Ang IVR ay isang technology na nakapagbibigay sa callers ng pagkakataong tahakin ang phone system bago makipag-usap sa isang customer support rep gamit ang voice commands at DTMF.

IVR

Ang paggamit ng IVR system ay maaaring magbigay ng mas magandang customer service sa inyong business. Bukod dito, mapapahusay nito ang quality ng inyong serbisyo at customer satisfaction. May mga pwedeng gawin sa IVR system na makatutulong sa marketing, sales, at customer service efforts. Ang mahalaga ay malaman ang inyong requirements at mag-research ng mga potensiyal na software.

Dalhin ang inyong mga customer sa mga eksperto habang naka-voice call kayo gamit ang Interactive Voice Response. Gumawa ng sarili ninyong IVR trees para puwede mairuta ang mga tawag kung saan mo ito gustong ipadala.

IVR (Interactive Voice Response)

Ang IVR o Interactive Voice Response ay isang automated na phone system na may interaksiyon sa mga tumatawag. Ito ay kinukuha ang lahat ng impormasyon sa interaction at tumutugon gamit ang nararapat na aksiyon, tulad ng pagruta sa caller papunta sa nararapat na agent o department o pag-issue ng callback. Sa LiveAgent, may comprehensive IVR online designer tool na puwedeng gamitin sa pagdisenyo ng IVR trees kahit walang kaalamang teknikal. Isang mainam na customer support feature ito na malaki ang maitutulong sa help desk ng isang kompanya. Puwede itong i-set up, i-customize, at ayusin ayon sa kung ano ang mas madaling proseso sa inyo habang ginagamit ang LiveAgent. Kasama sa mga benepisyo nito ang auto transfers, unlimited choices, dagdag na first contact resolution, customer satisfaction, at pinabuting workflow ng agent.

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo