CloudTalk IVR review

Ang LiveAgent ay isang customer service software na may mga feature, integration, at tour. Maaari kang mag-iskedyul ng demo at mag-subscribe sa newsletter para sa mga update at discount sa LiveAgent.Cloudtalk. Ang Cloudflare ay nag-ooffer ng mga serbisyong tulad ng content delivery network, DDoS mitigation, at internet security at mayroon silang mga kontak sa kanilang Call center, Knowledge base, Forum, at social media platforms tulad ng Instagram, Facebook, at Twitter. Ang MessageBird IVR at Aircall IVR ay popular na call center software na may magandang UI at user-friendly na set-up. Mayroon ding mga customization options ang mga ito para sa text-to-speech. Ang LiveAgent ay mayroon ding demo presyo, feature, at integration at mayroong mga support portal, data migration, at request ng proposal.
CloudTalk IVR review
Compare CloudTalk IVR review with other in: How CloudTalk IVR review is doing on review portals
4.4
Average rating based on data from trusted review portals
954 reviews

Ang CloudTalk ay isang medyo bago pang application na kinokonsidera ang mga pangangailangan ng mga dynamic at flexible na contact center. Sa abot-kayang presyo, ang software na ito ay may ino-offer na maaasahan at matatag na IVR functionality. Kung inyong nais, ang…

Pricing
Starting from:
$ 30   kada buwan
Equal to LiveAgent's Large plan Liveagent pricing
Free trial: Yes
Free version: No

Jana Kostelanska

Editor's rating

Jana Kostelanska
Overall rating
4.7
User experience
4.5
Presyo
5
Implementation
4.5

Key takeaways

Pros

  • Madaling i-set up at gamitin
  • Abot-kayang presyo
  • Customizable

Cons

  • Nawawalang tutorial
  • Puwedeng maging medyo glitchy minsan

Ang user-friendly na interface ay nagbibigay sa inyo ng maraming options kung paano iko-configure ang call branches nang hindi masyadong nakakalito sa bagong users. Puwede kayong mag-forward ng calls, mag-play ng pre-recorded messages, o kahit mag-configure ng HTTP requests. Bukod sa kaunting abala ng nawawalang tutorial sa umpisa, ang IVR ng CloudTalk ay hindi masyadong maganda. At kung naghahanap kayo ng maaasahang software na may IVR menu na puwede ninyong subukan, ito ang mahusay na option para sa inyo.

Ang pagsisimula sa CloudTalk IVR feature

Madali lang mag-set up ng isang trial account sa CloudTalk. Kapag napunan na ang inyong impormasyon, awtomatiko kayong makatatanggap ng phone number at credit na 5€. Kapag nakapag-log na kayo sa inyong account, makikita ninyo ang isang malinis at user-friendly na interface na may dashboard at menu sa bandang kaliwa. Sa dashboard, makikita ninyo ang simpleng overview ng inyong mga call at activity ng inyong contact center. Puwede itong maging lubhang kapaki-pakinabang para sa maliliit ng teams na puwedeng masuri agad ang kanilang call activity.

CloudTalk IVR software - Dashboard

Para makapag-umpisang mag-configure ng IVR function, pumunta sa Numbers tab sa menu. Tapos, magpatuloy sa pamamagitan ng pagki-click sa Edit button na kasunod ng phone number na gusto ninyong trabahuhin.

CloudTalk - Numbers settings

Pagkatapos nito, puwede na kayong magsimulang gumawa at mag-customizee ng call branches.

CloudTalk - Call branches customizing

Ang nagustuhan namin sa IVR software CloudTalk ay ang pagiging customizable nito habang nananatiling user-friendly. Puwede ninyong i-configure ang bawat bahagi ng branch at gumawa ng mas detalyadong multi-level na IVR menus.

CloudTalk IVR menu options

Puwede kayong madaling mag-forward ng calls at mag-assign ng di nasagot na calls sa ibang agents, groups, o departments. Maraming options na mapagpipilian at mas advanced na actions na puwede ninyong i-configure. Gayunman, nananatili pa rin itong pulido at madaling i-navigate, kaya kahit ang mga di masyadong techie na user ay makakukuha ng kailangan nila at hindi malilito.

Puwede kayong magdagdag ng message sa inyong call branch sa pamamagitan ng pag-click sa IVR tile na nasa menu. Puwede kayong mag-set up ng text-to-speech message o audio recording. Puwede kayong mag-upload ng audio file mula sa inyong computer o i-record ito nang diretso sa CloudTalk.

CloudTalk IVR menu - Add new sound

Ang ikinatutuwa namin sa software na ito ay ang option na makapagpadala ng voicemail sa email ng agent. Puwede ninyong i-configure ang inyong IVR para i-record ang voice message ng customer at hindi lang ma-notify ang agent tungkol dito, pero para maipadala ito bilang email attachment. Ito ay isang mahusay na paraan para maisaayos ang komunikasyon sa inyong contact center at matiyak na natatanggap lahat ng customer inquiries.

CloudTalk - Voicemail actions settings

Isa sa aming mungkahi para mapahusay ang IVR functionality ng CloudTalk ay ang magdagdag ng mabilis na tutorial. Kahit na madaling gamitin ang software, puwedeng nakatatakot pa rin ito sa ilang users na mas kakaunti ang karanasan. Ang mabilis na tutorial na nagtatalakay tungkol sa mga pangunahing option at setup ay puwedeng makatulong sa mga busy na agent at manager na makatipid sa oras sa pagba-browse sa support center. Ang CloudTalk ay may ino-offer na video tutorial sa website, kaya makahahanap pa rin kayo ng accessible guide kung kailangan ninyo ito.

Kumusta ang performance ng IVR?

Ang IVR function ng CloudTalk ay maaasahan at nagpe-perform nang naaayon. Puwede nitong isaalang-alang ang mga pangangailangan ng maliliit na contact centers na may pangunahing call branches, pati na rin ang mga mas malalaking kompanyang may iba’t ibang configuration at multichannel options. Ang user interface nito ay maaliwalas at nasa punto, ginagawang madali ang paggamit nito kahit kanino, anuman ang level ng teknikal na dunong nila. Kahit na nawawalan ito ng setup tutorial, hindi mahirap alamin ang functionality nito.

Pagpepresyo

Ang CloudTalk ay nagbibigay ng IVR function sa kanilang ikalawang pricing tier – ang Essential plan. Kasama ng iba pang features, puwede ninyong mabili ang plan na ito sa halagang $30 kada user bawat buwan.

Kongklusyon

Para sa maraming tao, merong likas na nakatatakot pagdating sa pagsi-set up ng kahit na anong uri ng automation. Ang magandang balita ay ginagawa ng CloudTalk na napakadali at accessible ang pag-configure ng inyong IVR menu at pagsimula ng pag-automate ang inyong call flows. Sa pamamagitan ng interface na madaling i-navigate, hindi ninyo kailangang mag-alalang matambakan ng malalaking block ng codes at variables na hindi ninyo naiintindihan. Ginagawang napakadali ng IVR software ng CloudTalk ang natural na malaman ang mga hakbang na kailangang gawin ng isang user para ma-configure ang kanilang sariling automated call flow. Ang IVR functionality ng CloudTalk ay puwedeng makatulong sa maraming business sa kanilang pang-araw-araw na contact center operations sa mababang halaga na may offer na maraming capabilities.

Karaniwang mga isyu at problema

Hindi namin alam kung ang aming call ay nalaglag sa queue o IVR

Kung hindi kayo sigurado na ang call ay nag-drop sa inyong IVR, ang una ninyong dapat gawin ay i-check ang inyong flow design. Gamit ang Call Flow route, puwede ninyong makita kung ang Missed Calls > na na-filter ng grupo ay na-drop. Puwede rin ninyong i-check ang Call History na nasa Statistics section para makita ang inyong missed call statistics.

Hindi gumagana ang aming IVR

Suriin ulit ang inyong IVR flow design kung may mga mali ito at alisin ito. Kung nagkakaproblema pa rin kayo sa inyong IVR, puwede ninyong subukang konsultahin ang help section ng CloudTalk para makita kung may makukuhang solusyon sa inyong problema, o makipag-ugnayan sa customer service nila.

Product reviews

Paano nag-perform ang Twilio IVR feature at gaano ito kadali ma-implement? Puwede ninyong malaman ang tungkol dito sa aming review ng Twilio.

Twilio IVR review

Ang Twilio IVR ay isang feature ng call center software na nagbibigay ng pagkakataon sa customer support agents na organisahin ang mga calls ayon sa iba't-ibang kondisyon. Mayroon itong flexible na paggawa ng IVR at madaling ma-implement. Gayunman, maaaring hindi madaling i-navigate ang menu para sa ilang user at mahal ang presyo depende sa volume. Kumukuha ito ng mahusay na rating sa mga review portal at mayroong mga tutorial para sa paggawa ng workflows sa Twilio Studio.

Ang Bitrix24 ay isang popular na IVR software na maraming use cases. Alamin ang performance ng IVR nila sa aming Bitrix24 IVR review.

Bitrix24 IVR review

Ang Bitrix24 IVR ay may magandang presyo at may libreng plan na maaring masulit. Mahirap i-navigate ang user interface nito at medyo luma na ang mga guides. Ngunit kapag nakasanayan na, madaling gamitin ang IVR at may advanced options ito. Sa kabuuhan, maganda at reliable ang performance ng Bitrix24 IVR.

Ang customer service evaluation checklist ay ang inyong pagkakataong malaman kung ano ang areas na dapat paghusayin. Bigyang pansin ang mga suhestiyon ng customers.

Customer service evaluation checklist

Ang customer service evaluation checklist ay nagbibigay ng mga hakbang para mapahusay ang customer service ng isang negosyo. Mahalaga ito dahil ang customer service ay isang mahalagang bahagi ng negosyo. Sa pamamagitan nito, malalaman ng negosyo kung paano mapapabuti ang kanilang customer service at magkakaroon sila ng mas malawak na kaalaman sa mga best practices. Puwede itong magbigay ng framework para sa pagpapahusay ng customer service at magturo ng mga bagong kasanayan. Makakatulong ito sa entrepreneurs, mga managers, product development teams, at customer service teams.

Hindi ninyo mapapasaya ang lahat ng inyong customers. Pero sa customer service call quality checklist na ito, kayo ay makapagbibigay ng bukod-tanging suporta sa mga pinaka-nangangailangan nito.

Customer service call quality checklist

Ang kailangan para mapahusay ang quality ng mga tawag sa customer service ay ang bawasan ang background noise. Kailangan maging malinaw ang pag-uusap sa pagitan ng customer at call center agent upang magkaroon ng makabuluhang komunikasyon. Maaaring tumawag sa mga tahimik na lugar upang mabawasan ang external noise o mag-invest sa mga noise-canceling headset para mabawasan ang internal noise. Ito ay isang mahalagang hakbang para masiguro ang kasiyahan ng customer. Pagkatapos ng tawag, mahalaga na magpadala ng follow-up message at humingi ng feedback. Maaaring gamitin ang mga email template at survey software para sa mga mensaheng ito.

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo