Bitrix24 IVR review

Ang Bitrix24 IVR ay may magandang presyo at may libreng plan na maaring masulit. Mahirap i-navigate ang user interface nito at medyo luma na ang mga guides. Ngunit kapag nakasanayan na, madaling gamitin ang IVR at may advanced options ito. Sa kabuuhan, maganda at reliable ang performance ng Bitrix24 IVR.
Bitrix24 IVR review
Compare Bitrix24 IVR review with other in: How Bitrix24 IVR review is doing on review portals
4.1
Average rating based on data from trusted review portals
1557 reviews

Ang Interactive Voice Response (IVR) ay isang popular na feature sa call center software na nabibigyang tsansa ang customer support agents na organisahin ang calls ayon sa iba-ibang conditions. Magagamit ang IVR sa paggawa ng "trees" na nairuruta ang callers sa nararapat…

Pricing
Starting from:
$ 49   kada buwan
Equal to LiveAgent's Large plan Liveagent pricing
Free trial: Yes
Free version: Yes

Jana Kostelanska

Editor's rating

Jana Kostelanska
Overall rating
4
User experience
4.5
Presyo
4.5
Implementation
3

Key takeaways

Pros

  • Madaling gawing IVR levels
  • Advanced options
  • Madaling gamitin kapag nakasanayan na
  • Pagpepresyo at libreng plan

Cons

  • Mahirap i-navigate ang user interface
  • Luma na ang guides

Maganda ang performance ng Bitrix24 IVR pero medyo magtatagal kayo nang kaunti para makasanayan ang paggamit ng maraming features nila. Medyo mahirap hanapin ang IVR settings pero kapag nahanap na ninyo, magiging user-friendly na ang pag-setup at gagana na ang features tulad ng inaasahan. Maganda ang Bitrix24 kung iisipin dahil sa maganda naman ang pagpepresyo nito at may libre pang plan na di kailangang lagyan ng anumang payment information.

Ang pagsisimula sa Bitrix24 IVR feature

Madali naman ang pagsisimula sa Bitrix24 dahil kukumpletuhin lang ang libreng registration. Matapos makumpirma ang email, maa-access ninyo agad ang workspace. Mabilis ang buong proseso at hindi na maghihintay pa. Kapag may access na kayo sa Bitrix24 app, puwede nang mag-browse ng mahaba nilang menu. Ang Bitrix24 ay may web application at nada-download na application para sa computer. Web application ang ginamit para sa test na ito.

Baka malito ang bagong users sa menu dahil maraming icons na walang nakikitang description kung di iho-hover ang mouse sa kanila. Ang web application ay meron ding search widget at option para iba-ibahin ang ayos o para itago ang menu icons na nagpapadali ng workflow. Medyo nagtagal kami sa paghahanap ng option para makagawa ng IVR sa Bitrix24. Ang application ay may integrated help guide pero luma na ito kaya di masyadong nakatulong.

Ang hitsura ng menu sa guide ay iba sa hitsura ng nasa application na ginamit para sa review na ito. Para sa mga interesadong mahanap ang IVR settings sa Bitrix24, pumunta sa CRM sa kaliwa ng menu, piliin ang Add-ons mula sa itaas ng menu, i-click ang Telephony, i-click ang Configure Telephony, at panghuli, piliin ang Voice menu at Add menu.

Bitrix24 Action buttons settings - Add new action button

Ang proseso ng paglikha ng Interactive Voice Response ay di mahirap at diretso lang. Ang Bitrix24 ay may offer na maraming customization options na laging maganda para sa users na gusto ng partikular na performance ng kanilang IVR. Sa itaas, may option na magsulat ng text para sa text-to-speech option o puwedeng mag-upload ng sarili ninyong audio file. Magpe-play ang recording na ito kapag nakonekta ang caller sa IVR.

Sa paglikha, walang prosesong parang disenyong UI pero may option na piliin ang anumang action na gagawin ng bawat numero sa dialpad ng caller. Merong standard selection na pag-forward ng numero, ididirekta sila sa ibang users, at marami pa. Sa kabuuan, ang proseso ay simple lang at maikling oras lang ang gugugulin para tapusin ito kung pamilyar na kayo sa IVR systems.

Bitrix24 IVR Action buttons - Save finished settings

Kapag tapos na kayo sa IVR setup, i-click lang ang Save. Ngayon, para gumana ang inyong IVR, kailangang ikonekta ito sa isang numero. Pumunta sa Telephony > Connection > Configure numbers > select a number/PBX, at paganahin ang Voice menu sa inbound call routing section. Tapos na, konektado na ang IVR ninyo.

Kumusta ang performance ng IVR?

Suwerte at ang pagtawag gamit ang Bitrix24 IVR ay madali at gagana ang lahat tulad ng inaasahan sa paggawa ng inyong IVR. Nag-test kami ng ilang calls at wala namang problemang nakaharap sa IVR performance. Maganda ang IVR depende sa paggamit ninyo at di hahadlang ang Bitrix24 dito. Wala namang bugs o anumang problema noong nag-test call kami.

Sa kabuuan, makaaasa at makararanas ang callers ninyo ng karaniwang IVR experience na mainam na ikokonekta sila sa nararapat na department. Kahit text-to-speech voice man ang gusto ninyo o sarili ninyong recordings, solid ang kabuuang karanasan dito at wala akong malaking reklamo.

Pagpepresyo

Ngayon, ang presyo ng Bitrix24 ang isa sa magagandang aspekto nito. Sa halip na magbayad kayo habang pinapaandar ito, makakapili kayo ng isa sa mga pricing plan. Limitado ang presyo sa bilang ng features at storage space. Ang pinakamainam ay may libreng plan ang Bitrix24 kaya di na ninyo kailangang magbayad nang malaking halaga para makuha ang IVR feature.

Libreng plan

May offer ang libreng plan na 5GB storage pati access sa collaboration features, tasks at projects, CRM, drive, contact center, at website builder. Maganda ang halaga ng offer pati ang functionality para sa isang libreng solution.

Basic plan

Kasama sa basic plan ang 24GB storage na may bawat feature ng libreng plan, at may dagdag na abilidad sa paggawa at pag-manage ng isang online store. Ang halaga nito ay $49 kada buwan para sa 5 user.

Standard plan

May offer ang standard plan na 100GB storage, bawat feature mula sa dalawang naunang plan, at may dagdag na marketing at online documents features. Ang halaga nito ay $99 kada buwan para sa 50 user.

Professional plan

May offer ang professional plan na 1024GB storage, bawat feature mula sa mga nakaraang plan, at may dagdag na bagong features tulad ng sales intelligence, automation, at HR. Ang halaga nito ay $199 kada buwan para sa 100 user.

Kongklusyon

Ang Bitrix24 IVR ay maganda, pero ang kabuuang solution ay puwedeng maging mahirap gamitin sa mga baguhan. Pero di dapat ito haharang sa inyong ikonsidera ito bilang dedicated IVR software ninyo. Mainam ang pagpepresyo ng Bitrix24, magaganda ang features, at gumagana nang maganda kapag natiyaga ninyo itong pag-aralang gamitin. Malakas itong contender para sa anumang call center.

Karaniwang mga isyu at problema

Di ko mahanap ang IVR option sa Bitrix24

Ang Bitrix24 ay isang complex na solution na maraming tools at features kaya huwag mag-alala kung tingin ninyo’y mahirap gamitin ang IVR. Pumunta sa CRM sa kaliwang navigation menu at piliin ang Add-ons mula sa taas na menu. I-click ang Telephony at ang Configure Telephony. Piliin ang Voice menu at panghuli ay ang Add menu. Dito ninyo masisimulan ang paggawa ng inyong IVR. Kung di pa rin makita ang IVR option, i-double-check kung tama ang plan ninyo na dapat puwede ang IVR.

Di ko alam kung paano ikonekta ang IVR sa isang partikular na numero sa Bitrix24

Dapat ninyong paganahin ang Voice menu para sa bawat numero nang magkakahiwalay kung gusto ninyong gamitin ang isa sa inyong IVR flows. Pumunta sa Telephony > Connection > Configure numbers. Piliin ang number/PBX at sa inbound call routing section, i-click ang enable Voice menu.

Product reviews

Paano nag-perform ang Twilio IVR feature at gaano ito kadali ma-implement? Puwede ninyong malaman ang tungkol dito sa aming review ng Twilio.

Twilio IVR review

Ang Twilio IVR ay isang feature ng call center software na nagbibigay ng pagkakataon sa customer support agents na organisahin ang mga calls ayon sa iba't-ibang kondisyon. Mayroon itong flexible na paggawa ng IVR at madaling ma-implement. Gayunman, maaaring hindi madaling i-navigate ang menu para sa ilang user at mahal ang presyo depende sa volume. Kumukuha ito ng mahusay na rating sa mga review portal at mayroong mga tutorial para sa paggawa ng workflows sa Twilio Studio.

Basahin ang aming review ng Infobip IVR at nang malaman ang pros at cons ng paggamit ng solution na ito sa business ninyo.

Infobip IVR review

Ang LiveAgent ay isang customer service software na mayroong malawak na feature at integrations tulad ng Shopify, Instagram, Facebook Messenger, at Twitter. Nag-aalok ito ng libreng 7-day o 30-day trial para sa Libreng o Company email. Binibigyan nito ng kahalagahan ang feedback email at mga departamento ng help desk para sa mas magandang karanasan ng mga kustomer. Mayroon ding X-cart integration para sa mabilis na live chat at template ng email para sa pagbibigay ng coupon at built-in na CRM. Makakatulong din ang kanilang mga solusyon sa pagpapataas ng benta at kahusayan sa negosyo.

Ang Zendesk IVR ay isang sikat na pagpipilian sa mga customer. Ang mga resulta ng performance nito sa araw-araw ay makikita sa review na ito.

Zendesk IVR review

Zendesk offers an IVR feature with a comprehensive interface, though it can be confusing to plan and create an IVR. The performance is good, but the price is relatively high compared to other IVR solutions. Some common issues include the IVR greeting not playing and the IVR greeting repeating multiple times. Make sure to plan out your IVR levels before creating them to avoid confusion. It is recommended to consider alternatives if you don't need a feature-rich IVR.

Ang Kavkom IVR ay puwedeng ang tamang mapipili para sa inyong negosyo. Tingnan ang aming review at alamin pa ang ilang bagay tungkol sa performance nito.

Kavkom IVR review

Kavkom ay isang abot-kayang IVR software na may user-friendly na interface. Hindi ito pinaka-advanced na solusyon sa merkado, pero kayang gawin ang trabaho ayon sa mga pangangailangan. Medyo mahirap lang hanapin ang IVR feature, pero magiging madali na pag nakapag-set up na. Hindi rin ito may visual representation ng IVR levels. Overall, may 4.7 na rating at napatunayan na maganda ang user experience, presyo, at implementation ng Kavkom IVR.

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo