RingCentral integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Ano ang RingCentral?
Ang RingCentral ay isang call center software na maraming kapasidad. May offer itong voice, fax, text, conferencing, at web meetings. Natutulungan nito ang mga business na asikasuhin ang lahat, mula sa call center management hanggang sa araw-araw na meetings.
Paano ito magagamit?
Ang RingCentral ay puwedeng gamitin bilang isang dedicated na VoIP service provider para sa LiveAgent call center ninyo. Ang maaasahan nilang mga serbisyo ang magbibigay ng magandang daloy ng connection sa softphones o anumang calling device. Katambal ng mga kapasidad ng LiveAgent help desk, makapagbibigay kayo ng nakamamanghang customer support sa lahat ng importanteng customer channel.
Kayang suportahan ng LiveAgent call center ang parehong softphones at anumang calling device habang sinisigurado ang magandang daloy ng trabaho na maraming productivity features. Pakinabangan ang features tulad ng Interactive Voice Response na tutulong sa customers na matawagan ang tamang department. I-access ang inyong unlimited call recordings anumang oras para mag-review ng nakaraang mga tawag, o mag-customize ng call buttons para umayon sa company branding ninyo.
Ano ang mga benepisyo ng RingCentral integration?
- Isang pinagsamang dedicated na call center solution at VoIP provider
- Sagutin ang mga tawag mula sa LiveAgent
- Madaling integration sa Zapier
- Maraming options ng integration
Improve your call support
Handle all calls with LiveAgent and get support from our multi-channel help desk solution.
Paano ang integration ng RingCentral sa LiveAgent gamit ang Zapier?
Puwedeng mag-integrate ang LiveAgent sa RingCentral gamit ang serbisyo ng Zapier – isang third-party solution na puwedeng mag-integrate sa maraming bilang ng apps. Sa Zapier, makagagawa ang users ng custom integrations para makapili sila kung anong uri ng integration ang gusto nilang gawin. Kung wala kayong Zapier account, gumawa ng isa rito. Pagkatapos, ituloy lang sa Zapier integration page para sa LiveAgent at RingCentral.
- Pumili ng isang trigger at action. Ang trigger sa isang app ang gagawa ng action sa ikalawang app, gumagawa ng custom integration. Puwede kayong pumili ng sarili ninyong options, kaya isipin na ninyo kung ano ang gusto ninyong gawin ng apps. Kapag nakapili na kayo ng trigger at action, i-click ang blue button para magpatuloy.
- Ngayon, dapat na kayong magkonekta ng parehong apps sa Zapier. Tutulungan kayo ng serbisyong ito gamit ang tooltips at iba pang impormasyon. Kapag nakonekta na ninyo ang apps sa Zapier, puwede ninyong i-test ang integration o buksan ang Zap para ma-activate ito.
Okey na iyon. Balik-balikan lang ang Zapier para makagawa pa ng maraming integrations sa iba’t ibang software. Paghalu-haluin ninyo para alam ninyo kung ano ang mas okey para sa inyo. Gusto pa ninyong alamin ang tungkol sa call center software at call support? Basahin ang aming Academy articles nang matuto pa tungkol sa mga topic na ito.
Frequently Asked Questions
Ano ang RingCentral?
Ang RingCentral ay tagapagbigay ng unified communications mula pa noong 2003, na may offer na call center services sa mga business sa buong mundo.
Ano ang mga benepisyo sa paggamit ng RingCentral?
- makakuha ng notifications mula sa loob ng LiveAgent - mag-manage ng mga customer mula sa iisang interface - mas pinahusay ang pagiging epektibo ng customer service