Libreng trial

Language switcher

–Hidden comment

Use attributes in format region_from and region_to= to change the languages showing in language switcher.
Available regions are:
europe_from europe_to
asia_from asia_to
mideast_from mideast_to
america_from america_to

Example:
europe_from=0 europe_to=22 will put all languages (ordered in language switcher settings) from 1 to 21 to Europe region:
asia_from=22 asia_to=25 will put all languages from 23 to 24 (so only 2) into Asia region.

Optimal Call

Ano ang Optimal Call?

Ang Optimal Call ay isang Slovak VoIP at communications service provider. Mag offer silang serbisyo para sa mga kompanya at individual na kliyenteng nakabase sa Slovakia at Czechia. Maliban sa voice call services, nagbibigay din sila ng option sa mga kliyenteng bumili ng eksklusibong phone numbers na madaling maalala batay sa iba’t ibang geographical location.

Kabilang sa kanilang serbisyo ay ang call center, joint connection sa ibang sistema ng kompanya tulad ng CRM, SIP Trunking, at CPBX (Cloud Private Branch Exchange) telephone networks.

Paano gamitin ang Optimal Call sa LiveAgent?

Kung naghahanap kayo ng VoIP provider, ang Optimal Call ay handang asikasuhin ang inyong internet calls at bigyan kayo ng phone number. Puwede ninyong idagdag ang phone number na ito sa LiveAgent para makagawa ng omnichannel help desk na may call center.

Kapag idinagdag ninyo ang phone number na ito sa LiveAgent, puwede na ninyo itong gamitin bilang main call center software. Ang LiveAgent ay nagbibigay ng maraming features na mas nakapagpapadali ng inyong workflow at mas napadadali rin ang pag-asikaso ng customer calls, salamat sa call center features at automation.

https://www.youtube.com/watch?v=SyvXUDe3g6A&t=6s

Magkano ang aabutin sa integration ng Optimal Call sa LiveAgent?

Ang Optimal Call ay isang may bayad na serbisyo na may hiwalay na pricing plan, pero ang integration nito sa LiveAgent ay walang bayad na extra. Idagdag lang ninyo ang Optimal Call phone numbers ninyo sa LiveAgent help desk nang libre at magsimula nang tumawag.

Ano ang mga benepisyo sa paggamit ng Optimal Call?

  • Abot-kayang presyo ng mga plan
  • Maraming serbisyo para sa mga indibidwal at kompanya
  • Eksklusibo at madaling alalahanin na phone number
  • Mga CPBX at SIP Trunks

Ready to set up your call center?

Handle all callers from one omnichannel solution. Start your free 14-day trial and create your call center today!

FREE TRIAL

Paano ang integration ng Optimal Call sa LiveAgent?

Ang Optimal Call ay kasama na sa inyong LiveAgent account; samakatwid, walang kailangan pang i-activate na plugins at hindi na rin kailangang gumawa ng integration sa pagitan ng third-party services. Idagdag lang ang inyong Optimal Call number at magtawag na. Ganito ang inyong gagawin.

  • Kailangan ninyo ng inyong Optimal Call username, password, at ang inyong call number. Mag-log in sa inyong Optimal Call account o gumawa ng bago. Makatatanggap kayo ng isang email na may bagong  usernamepassword, at phone number matapos ang registration.
Optimal Call
I-click para magrehistro
  • Puwede ring mahanap ang impormasyon sa profile section ng inyong Optimal Call account. Ihanda ang impormasyong ito para sa susunod na mga hakbang.
Optimal Call
Impormasyon ng Optimal Call profile
  • Buksan ang inyong LA account at pumunta sa Configuration > Call > Numbers. I-click ang orange button para magdagdag ng bagong number sa LiveAgent at piliin ang Optimal Call mula sa listahan ng VoIP providers.
Optimal Call
Optimal Call sa listahan ng VoIP providers
  • Ilagay ang inyong usernamepassword, at Optimal Call number sa susunod na section. Puwede ring pangalanan ang number, mamili ng dial-out prefix, at department na mag-aasikaso ng tawag sa number na ito, at buksan ang call recording. Pagkatapos, i-click ang Add sa ibaba ng window.
Optimal Call
OptimalCall configuration

Ang inyong Optimal Call phone number ay konektado na sa LiveAgent, at puwede na kayong tuamawag at tumanggap ng tawag. Nais ba ninyong malaman pa ang tungkol sa LiveAgent? Panoorin ang video sa ibaba para sa isang tour nito. 

https://www.youtube.com/watch?v=3zYfDwqNj0U

Subukan ang LiveAgent Ngayon​

May offer kaming concierge migration na serbisyo mula sa isa sa pinaka-popular na help desk solution.

3,000+ na review Trustpilot GetApp G2 Crowd

FAQ

Ano ang Optimal Call?

Ang Optimal Call ay isang communication at VoIP provider. May offer silang serbisyo na angkop para sa mga kliyenteng Slovak at Czech. 

Magkano ang Optimal Call integration sa LiveAgent?

Ang integration ng Optimal Call ay kasama sa plano nang walang karagdagang singil. Puwedeng idagdag ang inyong number at magsimula nang tumawag nang walang dagdag na bayad.

Paano ang integration ng Optimal Call sa LiveAgent?

Ang Optimal Call ay built-in na sa LiveAgent kaya wala nang kailangang dagdag na integration plugins o third-party services. Kailangan lang idagdag ang inyong number at ilang account details. 

  • Pumunta sa Configuration > Call > Numbers sa LiveAgent
  • Gumawa ng bagong number at piliin ang Optimal Call bilang inyong VoIP provider
  • Ilagay ang inyong username, password, number, at ibang detalye
  • I-click ang Add at tapos na

Balik sa Integrations Gumawa ng LIBRENG account

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×

Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo