Ano ang OneTone?
Ang OneTone ay isang customer service enhancement solution at helpdesk integration na puwedeng ma-install nang libre sa inyong browser o diretso sa LiveAgent. Gumagana ang OneTone bilang isang assistant na tutulong sa customer support agents na magbigay ng mas maganda at mas mabilis na support dahil sa ticket labeling at abilidad na maghanda ng templates.
Paano ginagamit ang Onetone?
Ang OneTone ay tutulong nang malaki sa bawat customer support agent. Magagamit ninyo ang kanilang ticket labeling functionality para makilala ang mga intensiyon ng customer bago buksan ang ticket. Ideyal ang pag-label para sa pagkategorya ng tickets batay sa ilang commonalities na relevant sa inyo at sa business ninyo. Ang isa pang makatutulong na feature ay ang OneTone browser extension na madaling maitatago ang accessible na templates. Mapadadali at mapabibilis nito ang pakikipag-usap para sa agents.
Katambal ng LiveAgent ticketing system, masisiguro ninyo ang suwabe at epektibong customer support para sa kabuuang customer base ninyo. Kasama sa software namin ang iba’t ibang magagandang features na tutulong sa inyo sa bawat hakbang. Organisahin ang messages ninyo sa aming universal inbox, mag-split ng elaborate tickets sa iba-ibang agents, o gamitin ang knowledge base para magbigay ng self-support capabilities para sa customers ninyo.
Ano ang mga benepisyo ng OneTone?
- Libreng browser extension o diretsong integration
- Dagdag na communication capabilities
- Madaling organisasyon ng customer tickets
Looking to improve communication with your customers?
Get started with LiveAgent and start using amazing ticketing system features that will help you write better!
Paano mag-integrate ng OneTone AI Labelling feature sa LiveAgent?
Sundin ang mabilis at madaling guide na ito na dadalhin kayo sa kabuuang proseso ng integration ng OneTone sa LiveAgent help desk ninyo. Ang kailangan na lang gawin ay magkaroon ng aktibong LiveAgent account.
Pumunta sa inyong LiveAgent account at buksan ang Configuration > System > API, at i-click ang Add API key para magpatuloy.
- Sa susunod na section, lagyan ninyo ng pangalan ang API key ninyo. Tapos i-clear ang default expiration. Huwag tanggalin ang *(asterisk) sa Whitelist at piliin ang sumusunod na privileges sa may ibabang section.
- agent: read
- user: read
- tag: read, write
- canned_message: read, write
- predefined_answer: read, write
- ticket: read, write
- settings: read
Pindutin ang create button sa ibaba at tumuloy sa susunod na hakbang.

Kopyahin ang bagong API key at pumunta sa link na ito. Ilagay ang mga detalye at i-paste ang API key sa “Helpdesk API key for ticket labeling” na field. Tapusin ang questionnaire at maghintay hanggang gumana ang feature na ito sa LiveAgent account ninyo.
- ‘Yun na. Mula ngayon, ang ticket tags ay automatic nang maidadagdag sa tickets sa LiveAgent inbox ninyo.
Paano ang integration ng OneTone browser extension sa LiveAgent?
Sakaling gusto ninyong magdagdag ng template capabilities sa inyong customer support, puwede kayong mag-install ng Onetone browser extension para sa Google Chrome. Ang gagawin lang ninyo ay mag-click ng link na ito at ilagay ang extension sa inyong Google Chrome browser.
Puwede ninyong subukang magsulat ng templates at ilalagay sila sa extension ng window na magbubukas matapos ninyong ilagay ang add-on na ito sa Google Chrome. Puwede rin kayong mag-upload ng kasalukuyang templates at i-save sila sa OneTone plugin.
Puwede ninyong ma-access ang inyong templates sa pag-click sa blue chat window icon na lilitaw kapag nag-reply kayo sa customer tickets. I-click ang icon at mag-browse sa mga na-save ninyong templates anumang oras ninyo kailangan.
‘Yun na. Tapos na ang integration ninyo sa OneTone. Kung naghahanap pa kayo ng dagdag na software integrations, silipin ang page na ito at makita kung available ito. Huwag kalimutang silipin ang aming Academy pages o Templates page para ma-inspire kayo at makagawa ng kakaibang templates para sa anumang okasyon.

Frequently asked questions
Ano ang OneTone?
Ang OneTone ay isang libreng customer service enhancement at helpdesk integration na puwedeng ma-install sa inyong browser o sa LiveAgent. Salamat sa ticket labeling at template creation capabilities nito, ang Onetone ay tumutulong sa customer support agents na magbigay ng mas maganda at mas mabilis na support.
Paano ang integration ng OneTone sa LiveAgent?
Ang ticket labeling capabilities ng OneTone ay naka-integrate nang diretso sa LiveAgent gamit ang API connection, habang ang libreng browser extension ay makikita sa Google Chrome extension store.
Ano ang mga benepisyo ng paggamit ng OneTone?
Ang OneTone ay libreng-libre at nagbibigay ng extended communication capabilities sa add-on habang tinutulungang mag-organisa ng customer tickets na may labeling capabilities sa direktang integration. Ang pangunahing mga benepisyo ng integration ay pinahusay na organisasyon at mas mabilis na pagsagot para sa customer service agents na gumagamit ng help desk software.
Paano ginagamit ang Onetone?
Ang bawat customer support agent ay magbebenepisyo sa OneTone. Dahil sa kanilang ticket labeling functionality, matutukoy ninyo ang intensiyon ng customer bago pa man buksan ang tickets. Ang ticket labels ay ideyal na tool sa pagkategorya ng tickets ayon sa ilang common characteristics na relevant sa inyong business. Dagdag pa, dahil sa Onetone extension para sa browser, makapagtatago ang users ng templates na madali nilang ma-access. Mapadadali at mapabibilis nito ang pakikipag-usap para sa agents.
- Helpdesk Support (Ipinaliwanag)
- Helpdesk ticketing system (Ipinaliwanag)
- IT Helpdesk (Ipinaliwanag)
- Helpdesk portal (Ipinaliwanag)
- Libreng Ticketing Templates (Copy-paste) | LiveAgent
- Pinakamahusay na 8 Ticketing Software ng 2022 | LiveAgent
- Alternatibo sa HappyFox - LiveAgent
- Alternatibo sa Gorgias - LiveAgent