Libreng trial

Language switcher

–Hidden comment

Use attributes in format region_from and region_to= to change the languages showing in language switcher.
Available regions are:
europe_from europe_to
asia_from asia_to
mideast_from mideast_to
america_from america_to

Example:
europe_from=0 europe_to=22 will put all languages (ordered in language switcher settings) from 1 to 21 to Europe region:
asia_from=22 asia_to=25 will put all languages from 23 to 24 (so only 2) into Asia region.

Avelia

Ano ang Avelia?

Sa halos 20 taon, kilala ang Avelia bilang isang telecom operator na mga kompanya ang tinutulungan bilang kanilang espesyalidad, dahil gumagawa sila ng mga solution na akmang-akma sa pangangailangan ng mga partikular na kompanya. Malapit sila sa mga customer dahil sa mahusay na pagtrato nila gamit ang serbisyong one-stop shop. Sakop kasi ng Avelia ang kabuuang telecom perimeter: fixed telephony, mobile, internet, fiber, security, softphone, etc. Ang implikasyon ng pagkakaroon ng iisang point of contact para sa lahat ng telecom solutions ay ang sumusunod :

  • ang kasiguruhan na makukuha ang files, at walang magpapasa-pasa ng responsibilidad sakaling may problema
  • siguradong makatitipid sa pera
  • ang posibilidad na makapipili kayo ng gusto ninyong network nang walang isyu (nakikipagtrabaho kasi ang Avelia sa lahat ng mga operator)

Maganda ang relasyon ng Avelia sa maraming mahuhusay na partner para maharap ang mga pagsubok ng susunod na dekada: seguridad, SD WAN, telework… Makipag-ugnayan sa amin gamit ang sumusunod na form: https://www.avelia.fr/rendez-vous

Paano mo ito magagamit?

Kung naghahanap ka ng VoIP provider na ikokonekta sa inyong LiveAgent call center, magandang uri ang Avelia. Ang call center ng LiveAgent ang hahawak sa inyong mga tawag at ticket habang Avelia na ang mag-aasikaso sa iba pang bagay. Simpleng laptop o smartphone microphone at speaker lang ang kakailanganin mo para simulan ang inyong starter call center. Puwede mong dagdagan ng ibang hardware kung gusto mong mag-upgrade ng call quality sa paglaon.

https://www.youtube.com/watch?v=Ydbuj55E8PU&t=88s

Paano ka makakabenepisyo sa LiveAgent call center?

Kahit na ang ibang tao ay mas gusto ang digital na uri ng customer experience, mas gusto ng iba ang mas  malalim na koneksiyong personal sa mga brand na gusto nila. Ang pagkakaroon ng call center ang isang mahusay na paraan para mapabuti pa ang relasyon ninyo sa mga customer, makapagbenta ng mga produkto, makakuha ng mga bagong customer at service user, o makapagbigay ng general customer service.

Dahil sa humihina na ang mga tradisyonal na call center at mas dumadalas na ang paggamit sa mga call center software tulad ng LiveAgent, mas madali nang makapagbigay ng ganitong uri ng mga karanasan para sa inyong mga customer nang hindi na kailangang gumastos nang malaki. Mas abot-kaya na ang call center ng iba’t ibang uri ng mga business, malaki man o maliit.

Paano gumagana ang LiveAgent call center?

Mas pinadadali ng LiveAgent para sa mga business ang pamamahala at pagpapatakbo ng isang call center sa tulong ng mga advanced feature. Halimbawa, puwede kayong gumawa ng custom IVR (Interactive Voice Response) trees na awtomatikong iruruta ang mga customer sa tamang department at agent.

Ang pinakamahusay na bahagi rito ay ginagawa ng LiveAgent IVR feature ang lahat ng trabaho, at nagiging hassle-free ang karanasan ng mga customer. Kailangan lang nilang pakinggan ang IVR menu at pindutin ang nararapat na dial pad key (tulad ng “pindutin ang 1 para sa sales”) para makonekta sa tamang tao na tutulong sa kanila.

Call center gamit ang IVR

Sa maling department ba aksidenteng kumonekta ang customer? Simple lang ang solusyon dito — gamitin ang call transfer nang iruta ang customer sa isa sa inyong mga katrabaho para makatipid ng oras.

Nakakalimutan ba ninyo ang mga sinasabi ng mga customer? Huwag mag-alala. Nire-record ng LiveAgent ang lahat ng incoming at outgoing call at itinatago itong lahat sa sistema. Kung kailangan mong alalahanin ang anumang detalye, hanapin lang ang ticket at pakinggan ang buong call recording. Puwede ring gamitin ang call recording sa training ng mga bagong agent para maipakita sa kanila ang mga tamang pagsagot sa mga tawag ng customer. 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga call center features, pumunta sa aming Call Center feature page na nagdedetalye ng lahat ng impormasyon tungkol sa lahat ng kapasidad ng LiveAgent call center.

Paano gagawin ang integration ng Avelia VoIP sa LiveAgent?

Kung gusto mong gumawa ng LiveAgent call center gamit ang Avelia bilang VoIP provider, sundan ang simpleng guide na ito.

  • Buksan ang LiveAgent at pumunta sa Configuration > Call > Numbers. I-click ang orange na Create button sa itaas.
  • Piliin ang Avelia sa listahan ng mga VoIP provider.
Piliin ang Avelia bilang VoIP provider sa LiveAgent call settings
Piliin ang Avelia
  • Itakda ang numero, piliin ang department, ilagay ang inyong login details, at piliin ang inyong dial-out prefix number. Puwede mo ring lagyan o alisin ang check sa option na mare- record ang lagat ng tawag na matatanggap at gagawin mula sa numerong ito. Kung tapos na ang set up, i-click ang Add button sa ibaba.
I-configure ang Avelia number sa LiveAgent
I-configure ang Avelia phone number

Ang phone number ay nasa LiveAgent na at handa nang gamitin. Kung gusto ninyong magdagdag pa ng mas maraming Avelia phone number o magdagdag ng ibang number mula sa ibang VoIP provider, puwede rin itong i-set up.

Ang Avelia phone number ay nasa LiveAgent na at puwede nang gamitin bilang call center
dinagdag ang Avelia phone number

Alamin ang karagdagang impormasyon tungkol sa LiveAgent Call Center software

Kung naghahanap ka ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagtatayo at pagpapatakbo ng isang call center, puwede mong tingnan ang aming LiveAgent academy para sa detalyadong impormasyon tungkol sa mga call center at iba pang mga topic tungkol sa mundo ng customer support.

Gusto mo bang alamin kung ano pa ang magagawa ng LiveAgent? Panoorin ang video sa ibaba para makita ang kabuuang tour ng aming customer support software.

https://www.youtube.com/watch?v=3zYfDwqNj0U&t=5s

FAQ

Ano ang Avelia?

Ang Avelia ay isang VoIP service provider na may standard call services. Sa pinagsamang kooperasyon ng Avelia at LiveAgent, maisasaayos ang inyong call management, messaging, conference calls, o call forwarding. 

Puwede ba ang Avelia integration sa LiveAgent?

Isa ang Avelia sa mga Voice over Internet Protocol (VoIP) service providers na available at may suporta ang LiveAgent. Puwede mong i-set up ang inyong call center gamit ang Avelia bilang main provider kung ito ang inyong gusto. 

Libre ba ang Avelia integration?

Hindi na ninyo kailangang magbayad nang extra sa All-Inclusive LiveAgent plan kaya puwede na ninyong ma-set up agad ang Avelia VoIP powered call center sa LiveAgent. 

Balik sa Integrations Gumawa ng LIBRENG account

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×

Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo