Ano ang 2Checkout?

Ang 2Checkout ay isang all-in-one electronic payment service at monetization platform na puwedeng makapag-maximize ng inyong revenue at pinapadali pa ang paghawak sa mga global digital sale.
Puwedeng gamitin ito para madagdagan ang inyong conversion rates, magpatakbo ng subscription-based na business, at tulungan kayo sa mahihirap at komplikadong aspekto ng e-commerce sa global scale, tulad ng customized checkout options at ng recurring billing.
Sa 2Checkout, may flexible pricing plans para sa anumang uri ng user na batay sa bilang ng nagagawang matagumpay na sales ng kompanya ninyo. O puwede ring subukan ito nang libre na di kinakailangan ng credit card info.
Paano ito magagamit?
Puwedeng gamitin ang 2Checkout integration sa LiveAgent para tingnan ang mga order, invoice, at refund. Puwedeng ma-access ang lahat ng impormasyong ito mula mismo sa LiveAgent dashboard na hindi na kailangang palipat-lipat pa ng apps. Para ma-access ito, magbukas lang ng anumang ticket mula sa customer at i-click ang 2Checkout icon.
Kapaki-pakinabang ito sa inyong business sa maraming paraan, tulad ng pagpapahusay ng mga interaksiyon sa mga customer. Makikita agad ng mga customer support team ang mga order sa nakasaad sa ticket, kaya mas alam nila ang naging isyu at makapagbibigay na sila ng mas mahusay na customer service.
Ano ang mga benepisyo?
- Business software integration sa tulong ng help desk software
- Omnichannel ticketing
- Gamitin ang desk features sa pag-track ng orders sa ticket details
Paano gawin ang integration ng 2Checkout sa LiveAgent
Tingnan ang integration guide na ito para matutuhan ang pag-activate ng 2Checkout integration sa LiveAgent. Madali lang ang proseso ng integration at tapos agad ito nang ilang minuto lang. Pagkatapos, puwede mo nang masundan at ma-manage ang mga order mula sa LiveAgent.
- Buksan ang LiveAgent at pumunta sa Configuration > System > Plugins. Hanapin ang 2Checkout integration sa listahan ng plugins at i-click ang activate button. Magre-restart ang LiveAgent matapos ma-activate ang plugin.

- Matapos ang restart, hanapin ang aktibong 2Checkout plugin sa listahan at i-click ang cogwheel configuration button. Ilagay ang inyong 2Checkout username/email address at password, at i-check na rin ninyo ang dalawang options tungkol sa mga order. I-click lang ang save at tapos na.

Pagkatapos, mag-click ng kahit anong customer ticket sa ticketing inbox at tingnan ang kanilang mga order. Sa ganitong paraan, lahat ng impormasyon ay nakahanda na kapag makikipag-usap na kayo sa isang bago o dating customer. Curious kayong malaman kung ano pa ang puwedeng gawin ng LiveAgent? Panoorin ang aming tour video.
Frequently asked questions
Bakit kailangang mag-integrate ng 2Checkout sa LiveAgent?
Sa integration na ito, madaling makikita at ma-manage ang mga 2Checkout order mula sa LiveAgent ticketing system na hindi na nagpapalit-palit pa sa gamit ng mga app.
Paano ang integration ng 2Checkout sa LiveAgent?
Kung naka-log in na kayo sa inyong LiveAgent account, i-click ang Configurations > System > Plugins at i-activate ang 2Checkout integration.
Ano ang mga benepisyo ng pag-integrate ng 2Checkout sa LiveAgent?
Ang pangunahing benepisyo nito ay ang naibibigay na abilidad sa mga customer support agent na makita at ma-manage ang 2Checkout orders mula mismo sa LiveAgent ticketing view na hindi na nagpapalipat-lipat pa ng apps. Nakikita nila agad ang mga order habang nagbibigay sila ng support.
- Pricing - Paid plans simula sa $15 kada buwan - LiveAgent
- Mga Upgrade Email Template (Highly Converting) - LiveAgent
- Stripe - LiveAgent
- Shopify | LiveAgent
- Software sa Serbisyo (Pinaliwanag)
- Pinakamahusay na Software sa Kasiyahan ng Kustomer Para sa 2022 | LiveAgent
- Ano ang mga Proactive na Imbitasyon sa Chat? (+ Libreng Trial) | LiveAgent
- Paglipat ng Vision - LiveAgent