Ano ang VoIP test?
Ang VoIP test ang pinakasimpleng paraan para suriin ang quality ng inyong Internet connection. Para epektibong gumana ang VoIP call, kailangan ninyo ng isang partikular na bilis ng Internet bandwidth. Gayunman, ang speed ng inyong internet connection ay hindi lang ang tanging bagay na makaaapekto sa inyong VoIP phone service. Kailangan din ninyong pag-isipan ang capacity ng inyong VoIP provider. Nag-iiba-iba ang VoIP lines depende sa kanilang VoIP call quality.
Bago kayo mag-VoIP call, mainam na gumamit ng mga VoIP test para suriin ang quality ng inyong VoIP connection. Puwedeng matukoy kung meron kayong sapat na VoIP speed para makakuha ng sapat na quality ng VoIP call para makausap ang mga customer, kaibigan at mga kapamilya.
Paano mate-test ang aming internet connection para sa VoIP?
Para makagawa ng mga VoIP call na mataas ang quality, Kailangan ninyo ng aktibong Internet connection. Pero parte rin ito ng paggawa ng mataas na quality ng mga VoIP phone call. Meron din dapat kayong sapat na level ng Internet speed, kahit na ang ibang device at serbisyo ay gumagamit ng Internet traffic.
Pag-isipan ninyong gumamit ng serbisyong tulad ng speedtest.net para suriin ang quality ng Internet speed ng inyong internet provider. Ito ay isang tool na magbibigay sa inyo ng insight tungkol sa ping time at sa mga ping test. Ang ping ay isang paraan para suriin ang kahit anong internet connection na hindi gumagamit ng malaking data. Kung ang ping time ay tumaas, ibig sabihin nito ay magdurusa ang mga Internet activity ninyo dahil sa mababang Internet speed.

Jozef Remen
DevelopersKung maraming aktibong mga Internet user na gumagamit ng parehong aktibong Internet connection, magreresulta ito sa mabagal na Internet speed.
Paano sinusukat ang VoIP performance?
Merong dalawang paraan para sukatin ang VoIP performance. Una, puwede ninyong sukatin ang VoIP performance sa pamamagitan ng pag-obserba ng inyong mga call. Halimbawa, malalaman ninyong mataas ang VoIP performance kung naririnig ng bawat tao sa call ang bawat salita ng pag-uusap. Gayunman, ang uri na ito ng pagsusukat ay merong mga limitasyon.
Ito ang dahilan kung bakit mas mabuting gumamit ng mga browser tool kasama pa ang nababagay na browser. Kasali sa mga pinaka-popular na browser tool para sukatin ang VoIP performance ay ang speed test tool na ino-offer ng GetVoIP.com (https://getvoip.com/speed-test-tool/). Kapag pinadaan ito sa nababagay na browser, susukatin ng mga browser tool ang ping speed, download speed, upload speed, at jitter ng inyong broadband connection.
Ano ang sinasabi ng mga numero ng VoIP speed test?
Pagkatapos ninyong magpatakbo ng isang VoIP speed test, meron kayong makikitang multiple test numbers. Gamitin ninyo ang sumusunod na tips para maintindihan ang mga numerong ito at ang mga resulta ng VoIP quality test.
Upload speeds
Ang inyong mga upload speed ay makaiimpluwensiya kahit dinig o hindi kayo dinig ng inyong kausap habang nasa isang VoIP call kayo. Rekomendado ang upload speed na three megabits para sa mga call. Kung ang upload speed ay bumaba ng level na iyan, puwedeng pumangit ang inyong VoIP call quality. Kung mataas ang mga upload speed, ibig ding sabihin ay mas maganda ang quality ng VoIP call.
Download speed
Ang download speed na nakikita ninyo sa VoIP speed test ay nakapag-iimpluwensiya ng inyong kakayahang marinig ang kausap ninyo. Ang rekomendadong minimum download speed para sa VoIP ay three megabits per second. Bilang gabay, ang ibig sabihin ng mas mataas na download speed ay mas malinaw na tunog.
Ping
Sa simpleng salita, ang ibig sabihin ng ping ay reaction time ng inyong Internet connection. Ang ping speed ay sinusukat sa milliseconds. Sa pangkalahatan, kailangang panatilihin ang low ping speed para matagumpay ang inyong mga VoIP call. Ideyal na ang Internet connection ay di dapat lalampas sa 60 milliseconds.
Latency
Sa simpleng usapan, ang latency ay ang time lag sa pagitan ng data na ipinadadala at ang data na tinatanggap. Sa kalagitnaan ng mga VoIP call, mas pangit ang call performance kung may higher latency. Ang target dapat ay magkaroon ng latency level na 150 milliseconds.
Jitter
Ang Jitter ay kadalasang tinutukoy na mga packet delay. Ang inyong mga VoIP call (at lahat ng ibang mga Internet activity) ay hinihiwa-hiwalay sa mga data packet na tina-transmit sa Internet at ina-assemble muli sa kabilang dulo. Kapag ang mga data packets ay delayed, babagsak ang quality ng VoIP call quality.
Ang mga kompanyang nangangailangan ng malaking numero ng mga VoIP call ay baka kailangang mag-invest sa merong mas mataas na capacity na broadband Internet connection. Kung magpapatakbo kayo ng maraming beses sa isang linggo ng VoIP testing tool at makita ninyo na kulang ang inyong mga VoIP bandwidth requirements, kailangan ninyo ng upgrade para maiwasan ang pangit na phone quality.
Paano nakaaapekto ang mahinang quality ng internet sa mga VoIP call?
At dahil nga kailangan ng mga VoIP call ng aktibong Internet connection, ang mahinang Internet connection ay makaaapekto sa quality ng inyong mga call sa ilang paraan.
- Audio quality issues: Kung nagkukulang ang inyong VoIP call ng speed o bandwidth, makararanas kayo ng mga isyu sa quality ng audio. Ibig sabihin, baka kailangan ninyong ulitin ang inyong sinasabi ng ilang beses sa kalagitnaan ng isang business VoIP call para malagpasan ang mga problemang tulad ng packet loss.
- Poor call quality: Makaaapekto ang masamang quality sa inyong calling experience sa mga mobile device, laptop, at sa desk VoIP phone. Halimbawa, ang mahinang voice quality sa kalagitnaan ng sales calls ay makikita ng mga customer bilang hindi maganda.
Ang poor quality ay malaking pagsubok sa business communications. Kung gusto ninyong makagawa ng napakagaling na user experience, hindi katanggap-tanggap ang palagiang mga isyu sa pangit na call quality.
Ano ang rekomendadong Internet speed para sa VoIP?
Para maiwasan ang pangit na quality at problema sa sound quality, isipin lagi ang mga Internet speed na ito:
- Download speeds: Para masulit ninyo ang VoIP service, kailangan ninyo ng download speed na approximately three megabits per second.
- Upload speeds: Sa bawat Voice over Internet protocol, kailangan ninyo ng upload speed na three megabits per second.
Paano gumawa ng manual na VoIP speed test?
Sa ilang pagkakataon, baka gusto ninyong maglagay ng isang ad hoc VoIP test para sukatin ang quality ng VoIP call quality. Magsimula sa paggamit ng inyong mga tenga. Kung nahihirapan kayong marinig ang taong kausap ninyo sa VoIP calling, baka meron kayong pangit na VoIP connection. Ganoon din ang mga kausap ninyo, kailangan ay naiintindihan nila kayo. Kung mababa pala ang Internet speed, humingi ng tulong sa VoIP service provider at sa Internet service provider ninyo.
Ano ang magagawa ninyo kung ang resulta ng mga VoIP test ay hindi mainam?
Merong ilang paraan para maayos ang mahinang VoIP connection o mahinang resulta ng VoIP test.
- VoIP phone service: Kontakin ang inyong VoIP service provider para sa tips kung paano mapabubuti ang quality ng VoIP. Halimbawa, magtanong tungkol sa paggamit ng quality of service (QOS) technology para makapag-prioritize ng mga VoIP call.
- Makipag-usap tungkol sa VoIP quality sa ibang tao: Kung meron kayong mga user sa parehong connection (ibig sabihin, 100 – 999 users), pag-usapan ninyo ang isyu. Halimbawa, makiusap kayo sa ibang mga user na iwasan ang paggamit ng mga video service.
- Internet service provider: Sa ilang kaso, baka ang lahat ng mga network connection ninyo ay kumpletong ginagamit. Kung ganoon, puwede kayong magtanong kung meron silang karagdagang enterprise features para pangasiwaan nang mas maayos ang inyong network. Baka ang paggawa ng mga pagbabago ngayon ang tanging kailangan para makuha ninyo ang malakas na VoIP connection.
Choose your VoIP provider
Set up your virtual call center with LiveAgent and start providing professional voice support in a matter of minutes.
Frequently Asked Questions
Ano ang VoIP test?
Puwede kayong gumamit ng VoIP test para suriin ang quality ng Internet connection ninyo. Magandang ideya na suriin ang inyong VoIP connection bago gumawa ng mga essential call.
Paano mate-test ang aming internet connection para sa VoIP?
Gumamit ng browser-based Internet speed test tool gaya ng speedtest.net para sukatin ang inyong upload speed, download speed, at ibang mga critical measure.
Paano sinusukat ang VoIP performance?
Dalawa ang paraan para masukat ang VoIP performance: subjective at objective. Ang paraang subjective ay ang magbigay ng atensiyon sa quality ng bawat call ninyo. Halimbawa, kung naririnig ng bawat isa ang mga salita nang malinaw habang nasa isang VoIP call, mataas ang quality ng call. Ang magandang pagsukat ng VoIP performance ay ang paggamit ng speed test tool tulad ng speedtest.net.
Ano ang sinasabi ng mga numero ng VoIP speed test?
Makakakita kayo ng limang speed test numbers sa VoIP speed test: upload speed, download speed, ping, latency, at ang jitter. Maganda sana na pinakamataas ang upload speed at download speed. Maganda naman din sana na pinakamababa ang mga numero ng ping, latency, at jitter number.
Paano nakaaapekto ang mahinang quality ng internet sa mga VoIP call?
Ang mahinang Internet connection ay mas mahirap na sitwasyon para makapag-usap. Puwede kayong hilinging ulit-ulitin ng ilang beses ang inyong sinasabi. Nakakainis ito para sa karamihan.
Ano ang rekomendadong Internet speed para sa VoIP?
Ang minimum required na Internet speed ay three megabits per second upload at three megabits per second download. Kung pagbibigyan, mas rekomendado ang mas matataas na Internet speed.
Paano gumawa ng manual na VoIP speed test?
Para magawa ang isang manual na VoIP test, bigyang atensiyon ang quality ng call. Kung hindi ninyo naiintindihan kung ano ang sinasabi ng tao, baka meron kayong problema sa VoIP speed test. Para maresolba ang mga VoIP speed problem, pag-isipan ninyong gumamit ng quality of service (QoS) o mas mabilis na broadband connection.
Ano ang magagawa ninyo kung ang resulta ng mga VoIP test ay hindi mainam?
Kung ang inyong mga VoIP speed test result ay masyadong mabagal, meron kayong mapagpipilian. Puwede ninyong tanungin ang inyong Internet service provider para sa tips o bumili kayo ng mas mabilis na speed ng Internet. Bukod doon, puwede rin kayong magtanong sa VoIP service provider para sa tulong. At puwede ninyong pagbutihin pa ang quality of service para sa VoIP calling.
Expert note
Ang VoIP test ay isang paraan upang masiguro ang quality ng inyong Internet connection bago gumawa ng VoIP call. Itinuturing ito na pinakasimpleng paraan para masukat ang VoIP performance.

Using Contact Groups to Answer VIP Customers Faster
Separate special customers from standard customers by Customer groups feature. Create a VIP group and answer these users with a highest priority. Try it now.
Custom roles available permissions
Additionally to the 3 default roles, there is an option to create 3 new custom roles for your agents. In this article you can find a list and a description of all available permissions that can be attributed to custom roles.
How to setup and create Contacts in LiveAgent
Save different information about all your customers. Use Contacts. Setup and create Contacts in your LiveAgent. Read more and watch our video tutorial.
How to create Contact groups in LiveAgent
Manage and sort your business contacts in an easy way. Create and setup Contact groups in your LiveAgent. Watch our video setup and follow instructions.