Ano ang SIP calling?
Ang SIP calling ay kilala rin bilang Session Initiation Protocol calling. Ang Session Initiation Protocol ay isang signaling protocol na ginagamit para sa pag-initiate, pag-maintain, at pag-terminate ng communication session sa VoIP at iba pang Internet at cloud-based na communication platforms. Madalas na napapagbaligtad ang SIP calling sa VoIP calling. Gayunman, hindi iyon eksaktong tama. Ang VoIP (Voice over Internet Protocol) ay isang malawak na terminong tumutukoy sa isang grupo ng teknolohiya na ginagamit sa pagpapadala at pagtanggap ng phone calls na ginawa gamit ang internet sa halip na sa tradisyonal na telepono. Habang ang SIP naman ay isang indibidwal na teknolohiyang sumusuporta sa VoIP. Bilang karagdagan sa voice calls, ang SIP protocol ay ginagamit para magpadala ng iba-ibang data, kasama ang video chats at video calls, video conferencing, instant messaging, at iba pang multimedia communications.
Maliban sa pag-initiate ng telephone calls, ang SIP system ay may kapasidad na mag-perform ng ibang VoIP functions gaya ng pag-identify sa lokasyon ng user, pagtukoy sa kanilang kakayahang tumugon, at kung ang device ng tatanggap ay compatible sa pinasimulang uri ng tawag, transferring at terminating calls, etc.
Paano gumagana ang SIP calling?
Ang tradisyonal na phone system ay may tatlong core parts:
- Private Branch Exchange (PBX), isang on-site na sistema ng telepono na nagma-manage ng calls.
- Primary Rate Interface (PRI) lines na nagkokonekta sa mga tawag sa PSTN.
- Public Switched Telephone Network (PSTN) na nagruruta ng tawag sa kanilang destinasyon.
Karaniwang pinapayagan ng SIP calling ang pagtanggal ng linya ng PRI habang ginagamit nito ang SIP trunk (na isang virtual na koneksiyon) na direktang nagkokonek sa PBX sa PSTN sa Internet. Tinatanggal din ng SIP calling ang pangangailangan sa maraming linya ng telepono na nagpapahintulot sa mas madali at mas murang scalability kumpara sa paggamit ng tradisyonal na business phone lines.
Dahil ang bawat SIP trunk ay kayang mag-hold ng unlimited number ng channels (ang isang channel ay katumbas ng isang incoming o outgoing call), ang isang business ay magre-require ng isang single SIP trunk anuman ang bilang ng concurrent calls. Sa halip na bumili ng karagdagang phone line na kadalasang naka-cluster sa 23 (na kadalasang higit pa sa aktuwal na ginagamit), sa SIP calling puwede ninyong bilhin ang channel nang paisa-isa kung kinakailangan lang. Bukod dito, nagbibigay ang SIP calling ng mga napakahalagang katipiran sa business communication sa local, long-distance, at international calls na puwedeng gawin gamit lang ang internet connection.
Start your free trial today
Learn all about LiveAgent and how it can help you improve your call center customer service.
Frequently asked questions
Ano ang mga benepisyo ng SIP calling?
Ang SIP calling ang nagbubukas ng hanay ng mga benepisyo para sa mga business. Ang SIP phone system ay madaling i-set up, i-manage, at i-scale kung kinakailangan nang walang kinakailangang dagdag na mas maraming linya ng telepono. Pinahihintulutan nito ang mas malaking katipiran sa pamamagitan ng pag-aalis ng multiple networks, excess hardware, installation at maintenance cost. Dahil ang SIP calls ay puwedeng tanggapin sa lahat ng uri ng laptop at mobile gadget at madaling iruta, makatutulong ito sa inyong business para mas maging available sa customers at mga empleyado.
Sino dapat ang gumamit ng SIP Calling?
Ang SIP calling ay malawakang ginagamit ng mga maliliit na business at nagsisimula pa lang sa maraming sektor dahil sa di mahirap na implementation, flexibility, madaling accessibility sa mga gadget, scalability, reliability, at cost efficiency. Maraming organisasyon ang gumagamit nito sa parehong external at internal communications. Bagama’t maaaring maging hamon para sa mga malalaking business ang paglipat sa SIP trunking at paglalagay ng kanilang PBX system sa cloud, puwede pa rin silang makinabang mula sa pangmatagalang katipiran sa kanilang communication expenses.
Posible bang makagawa ng SIP calls sa LiveAgent?
Ang LiveAgent call center software ay puwedeng isama sa iba-ibang third party apps, kasama ang ilang SIP trunking providers, tulad ng Twilio. Madaling i-connect ang softphones sa ibang device, magdagdag sa inyong SIP provider, at gumawa ng SIP call sa LiveAgent, habang inaasikaso ang mga tawag na ito, mare-record at mata-track ng LiveAgent ang sariling malaking network infrastructure. Para sa pagdaragdag ng sariling SIP provider sa LiveAgent, maaaring tingnan ang guide na ito: Integration ng SIP provider para sa hosted licenses.
Expert note
Ang SIP calling ay teknolohiyang ginagamit para sa pag-initiate, pag-maintain, at pag-terminate ng communication session sa VoIP at iba pang cloud-based na communication platforms.

Ang VoIP ay isang paraan ng pagtawag gamit ang internet at hindi na gumagamit ng traditional phone o cellular service. Kung naghahanap ng pinakamagaling na VoIP provider, mahalagang tukuyin ang kailangan tulad ng murang international calling, mataas na quality ng serbisyo at customer support. Ang unified communication ay isang suite ng business tools sa komunikasyon na kasama ang fax machine, email, phone calls, video conferencing, at iba pa.
Ang LiveAgent ay isang customer service software na may iba't ibang tampok at integrasyon. Maaaring i-manage ang customer contact information at makipag-usap sa kanila mula sa platform. Maaari rin gamitin ang robo dialer ng Telecube para mapabilis ang pag-a-update sa mga customers at prospects. May mga personalized fields para sa mas personal na serbisyo at maaaring mag-subscribe sa newsletter at mag-schedule ng demo sa kanilang website. Hindi pa tapos ang pag-install ng account pero magkakaroon ng access sa account matapos ito. Gumagamit din ang website ng cookies na kailangan tanggapin bago mag-chat sa messenger, Whatsapp o mag-fill up ng contact form.
Ang VoIP o Voice over Internet Protocol ay isang teknolohiya na nagkokonekta sa iba pang gumagamit ng network sa pamamagitan ng internet. Ito ay mas mura kaysa sa landline at may advanced call features tulad ng video conferencing. Mayroon itong advantage at disadvantage kumpara sa tradisyonal na phone lines at iba ito sa unified communications. Kung naghahanap ka ng VoIP provider, dapat isaalang-alang ang kanyang mga serbisyo. Puwedeng gamitin sa landline at regular phone, sa international calls, at pwedeng gamitin ang lumang phone number.
LiveAgent offers top customer service software for 2022, including email management and a customer communication system across multiple channels. The email management software features unique ticket IDs for each email, making it safer and offering many automation, collaboration, and storage options. LiveAgent also has its own 24/7 customer service software, a community forum, and a feedback collection system. Additionally, they offer a free 7-day trial of their services. The chat client is a free software for instant messaging. Overall, LiveAgent provides several tools for businesses to manage customer communication and relationships effectively.