Ano ang power dialer?
Ang power dialer ay isang outbound dialer na ginagamit na nang malawakan sa call centers mula nang ipakilala ito noong 1970s. Sa automatic dialing mode na ito, pinipili at dina-dial nang paisa-isa ang number sa queue para sa bawat available na call center agent. Ang susunod na number sa contact list ay ida-dial lang kapag nakumpleto na ang huling tawag at handa na ang agent na tumanggap ng susunod na tawag.
Kapag may naabot na number ang system na unattended, busy o disconnected, agad nitong ida-dial ang susunod na number nang walang kinakailangang manual input ng agent. Kapag isang actual na tao ang sumagot ng tawag, agad kinokonekta ng power dialer ang tawag sa agent. Gayunman, kapag answering machine o voicemail ang na-detect, puwedeng mamili ang agent na mag-hang at pumunta nang manual sa susunod na tawag o mag-iwan ng message sa voicemail.
Sa power dialers, natural na nagiging mas epektibo ang agents dahil hindi na nila kailangang mag-aksaya ng oras sa paghahanap, pag-isipan kung aling number ang susunod na tatawagan at i-dial nang manual ang bawat number sa calling list. Sa halip, mas magagamit nila ang actual time sa pakikipag-usap sa potential customers. Kapag isinama sa CRM, magdi-display din ng available na impormasyon tungkol sa contact ang power dialer, na magpapahintulot sa mas informed at personalized na sales conversations.
Kumpara sa ibang dialing technologies (tulad ng predictive dialer at progressive dialer), ang power dialers ang pinakabagay para sa mga call center team na maliliit at mid-sized ang laki. Karaniwang ginagamit ito para sa sales, outbound marketing campaigns, customer service follow-ups, cold calling, etc. Puwedeng ideyal na solution ang power dialers para sa pagtawag sa mga nasa high-quality contact lists tulad ng kasalukuyang customers, at sa mga kasong mangangailangan ng mas mahahabang interaksiyon (kapag ang tagal ng average call ay mahaba o hindi matantiya).
Dahil ang power dialers ay tumatawag sa numbers nang paisa-isa mula sa listahan at may features tulad ng dynamic lead distribution, ang agents ay laging present at handang makipag-ugnayan kapag naikonekta na ang tawag. Tinitiyak nito ang mas maayos na lead at contact management, mas kakaunting dropped calls, kaunting idle time at mas maraming agent talk time, pinahusay na agent efficiency at mas mataas na sales conversions.
Try LiveAgent Today
LiveAgent is the most reviewed and #1 rated call center software for SMB.
Frequently Asked Questions
Paano gumagana ang power dialer?
Automatic na dina-dial ng power dialer (isang uri ng call center auto dialer) ang numbers nang paisa-isa sa isang contact list kapag nagsimula na ang dialing session. Tinatawagan lang ng system ang susunod na number kapag na-terminate ng isang agent o ng isang customer ang phone call, at agad na pumupunta sa susunod na tawag kapag walang sumagot, busy o disconnected ang number, o kapag na-detect ang answering machine. Kapag actual na tao ang sumagot ng phone, agad na kinokonekta ang tawag sa available na sales rep. Pinagiginhawa ng power dialers ang agents mula sa manual na dialing.
Ano ang "wait time" sa power dialer?
Ang "wait time’" sa power dialer ay ang oras na nasa pagitan ng dalawang tawag, mula sa sandaling nakumpleto ang isang tawag hanggang sa sandaling nasimulan ang susunod na tawag. Pinahihintulutan ng karamihan sa power dialer software systems ang pag-set up ng wait time batay sa sariling preferences ng agents. Hinahayaan nitong makita ng agents ang available na detalye (e.g., mga huling interaksiyon) bago magsimulang tumawag ang dialer sa susunod na number para matiyak na handa na silang makipag-usap.
Posible bang gumamit ng power dialer sa LiveAgent?
Kahit na kasama sa features ng call center software ng LiveAgent ang parehong inbound call center at ang outbound call center capabilities, sa kasalukuyan ay hindi bahagi ng call center solution ng LiveAgent ang power dialer. Gayunman, hinahayaan nito ang outbound calling sa pamamagitan ng click-to-call dialing mula sa web pages na puwedeng maging napakalaking tulong sa sales teams.
Expert note
Ang power dialer ay isang outbound dialer na ginagamit sa call centers para mapabilis ang pagtawag sa mga contacts sa isang queue.

Ang mga business ay gumagamit ng VoIP phone numbers para sa magandang customer service at mababang halaga ng tawag. Maaari itong gamitin para tawagan at makipag-usap sa mga potential at current customers. Ang VoIP numbers ay makukuha mula sa VoIP service providers at maaaring malaman kung ang isang numero ay VoIP sa pamamagitan ng mga online na tool. Ang VoIP ay mas mura kaysa sa regular phones at hindi nakatali sa isang lugar. May fixed at non-fixed na VoIP numbers at puwedeng malaman ang may-ari ng non-fixed VoIP number sa pamamagitan ng specialized tools.
Mga kasangkapan ng call center
Tamang kasangkapan ng call center ang nagpapasigla ng negosyo at pinapabuti ang serbisyo at pagganap ng mga ahente sa tawag.
Ang preview dialer ay isang sistema ng auto dialing na ginagamit sa outbound call centers. Naglalayon ito na pabilisin ang proseso ng pagtawag at pakikipag-ugnayan sa mga customer, mapalakas ang performance at efficiency ng mga agent, at mai-personalize ang customer engagement. Ito ay isa sa mga kasangkapan ng call center na maaaring makatulong sa mga negosyo na gumagawa ng mga complex sales campaigns at nangangailangan ng customer research bago tumawag. Bagama't hindi bahagi ng LiveAgent, ang software na ito ay nag-aalok ng click-to-call dialing mode para sa mga agent.