Libreng trial

Language switcher

–Hidden comment

Use attributes in format region_from and region_to= to change the languages showing in language switcher.
Available regions are:
europe_from europe_to
asia_from asia_to
mideast_from mideast_to
america_from america_to

Example:
europe_from=0 europe_to=22 will put all languages (ordered in language switcher settings) from 1 to 21 to Europe region:
asia_from=22 asia_to=25 will put all languages from 23 to 24 (so only 2) into Asia region.

Live web chat

Ano ang live web chat?

Ang live web chat ay isang klase ng web-based communication na nangyayari nang real-time. Ang mga taong gumagamit ng live web chat ay puwedeng magpalitan ng text messages, photos, videos, links, GIFs, at emojis.

Live web chat

Paano mailalagay ang live chat sa website namin?

Ang live web chat ay di na nangangailangan ng karagdagang chat software para magamit kaya di na kailangang mag-aksaya ng panahon ang users sa pag-install ng anumang klase ng software para lang makipag-chat. Napakadaling gamitin ng live web chat at accessible ito sa lahat. Pero para magkaroon ng live chat sa inyong website, kailangang mag-invest sa isang live chat software. Para malaman pa ang mga benepisyo ng paggamit ng live chat software, tingnan ang link na ito.

Paano gumawa ng live chat?

Kung nais ninyong makapag-chat agad ang inyong website visitors sa inyong support agents, kailangan ninyong maglagay ng live chat button/widget sa inyong website. Basahin ang step-by-step guide na ito para makapagsimula.

Bakit importante ang live chat?

Karamihan sa mga business sa panahon ngayon ay gumagamit na ng live web chat bilang channel para sa instant communication sa customers dahil ito ay mabilis, epektibo, at sulit sa presyong method sa pag-convert ng website visitors bilang mga bumibiling customers.

Ano ang mga benepisyo ng live chat?

Hindi lang mga business ang gustong-gustong gumagamit ng live web chat, pero gusto rin ito ng customers! Gustong-gusto nila ito dahil mas nasasagot agad ang mga katanungan nila kumpara sa kung tatawag sila o magpapadala ng email sa kompanya ninyo. Kaya ang pangunahing benepisyo ng live chat ay ang bilis at pagiging epektibo nito sa customer service. Kung kailangan ninyo ng karagdagang tulong sa pagpapaunlad ng inyong customer service, isiping mag-invest sa isang help desk software.

FAQ

Ano ang ibig sabihin ng live web chat?

Ang web chat ay isang software na nagbibigay ng pagkakataon sa visitors ng isang company website na mabilis makipag-usap sa support team. Madali itong gamitin para sa kompanya dahil simple lang itong ilagay sa website at madali sa customers na gamitin agad ito. Di na kailangan pa ng karagdagang downloadable software para mapatakbo ang live web chat – nangyayari na ang lahat sa website kaya sapat na ang web browser.

 

Ano ang mga klase ng live web chat?

May tatlong pangunahing klase ng live web chat. Una ay ang informational chat na siyang pinaka-basic. Trabaho nitong magbigay ng impormasyon at sumagot ng tanong ng site visitors. Ikalawa ang sales chat kung saan nakakakuha ang customer ng mga product recommendation. Kaya dapat natutukoy kung sinong agents ang may kaalaman at may sales skills. Ang huling klase ay customer service na nakabatay sa pagtulong ng customers na may problema sa kanilang pagbili o sa biniling serbisyo o produkto mismo.

 

Puwede bang gumamit ng live web chat sa pamamagitan ng LiveAgent?

Sa LiveAgent, puwedeng gumamit ng live internet chat. Salamat dito, makokontak ng mga kliyente ang mga agent nang real-time at makakakuha agad ng sagot sa tanong nila. Ang LiveAgent live chat ay puwedeng ma-configure at may option na mag-upload ng files para mas malinaw na makita ng customer ang problema.

 

Balik sa glossary Gumawa ng LIBRENG account

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×

Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo