Ano ang infrastructure as a service (IaaS)?
Ang infrastructure as a service, o IaaS, ay isang tipo ng cloud computing na nagbibigay ng buong infrastructure na kailangan para magpatakbo ng isang business. Kasama rito ang lahat mula sa computing power, network, on-demand storage, at lahat ng tumatakbo sa online servers.
Ang IaaS ay isang magaling na tipo para sa mga kompanyang gustong mag-scale up ng kanilang operations at magpalakas ng performance nang hindi namumuhunan sa onsite systems at traditional data centers. Bilang isang IaaS user, makukuha ninyo ang lahat ng inyong kailangan, kasama na ang pinaka-advanced na software na merong state-of-the-art security features.
Paano gumagana ang infrastructure as a service?
Dinisenyo ang infrastructure as a service para pasimplehin ang complexity ng storage management mula sa iisang online cloud. Kasama dito ang lahat ng uri ng advanced automation na dinisenyo para makatulong sa mga responsibilidad ng infrastructure management, pag-manage ng backup files, physical servers, at file location, at hinahayaan kayo na madaling matugunan ang mga pangangailangan ng business ninyo.
Dahil ito ay tumatakbo sa virtual machines, hindi na ninyo kailangang mamuhunan sa bagong physical servers o sa kaparehong mamahaling hardware. Bukod dito, lahat ng inyong team members ay makaka-access sa dashboard mula sa isang remote server na gaya ng pag-access nila sa legacy infrastructure servers.
Hahayaan nito ang inyong kompanya na makamit ang tuloy-tuloy na daloy ng business ninyo at mapabuti ang pangkalahatang business logic nang hindi na ine-expand ang kasalukuyang sistema. Maa-access ninyo ang bawat log file sa lahat ng device, kasama na ang virtual machines at physical machines.
Sino ang gagamit ng IaaS?
Ang ideya sa likod ng IaaS ay ang makapagbigay sa mga business ng computing resources tuwing kinakailangan. Puwede ninyong magamit ito sa maraming paraan, pero pinakakilala ito sa mga kompanyang gustong dalhin ang kanilang developed environments sa bagong level.
Puwedeng gumana ang IaaS sa kasalukuyang sistema, pati na rin sa isang private cloud. Pinasisimple nito ang maraming proseso, tumutulong na maibigay ang apps sa mga user, at tumutulong sa pagharap sa malalaking workloads.
Advantages ng IaaS?
Kung ikukumpara sa mga pangangailangan ng isang legacy infrastructure, mas madaling i-manage ang IaaS. Nagbibigay ito ng ilang totoong benepisyong nagpapahintulot sa mga kompanyang makatugon sa mas maraming inquiry at makapag-asikaso ng mas maraming data mula sa nag-iisang online solution. Narito ang ilan sa mga pangunahing benepisyong maibibigay ng IaaS:
Automatic updates at disaster recovery
May offer na mas magandang security features ang cloud computing at pinahihintulutan nito ang lahat ng apps at data pipelines na patuloy na tumakbo kahit nawalan ng kuryente. Pinananatili ng automatic updates na nasa mabuting kondisyon ang inyong sistema sa lahat ng oras.
Mas mabilis na scaling
Ang IaaS ay isang ideyal ng uri para sa lumalagong kompanya dahil pinahihintulutan nito ang mabilis na scaling ng resources batay sa demand.
Nakapokus sa paglago
Sa halip na mag-alala tungkol sa pag-invest sa IT infrastructure, physical hardware, at computing power, makakapokus na ang mga kompanya sa ibang activities ng business.
Implementation ng infrastructure as a service
Isa sa pinakamagandang features ng IaaS ay ang kakayahan nitong gumana sa kahit na anong system, kasama na ang pampubliko, pampribado, at hybrid cloud settings. Puwedeng mai-set up ng users ang lahat mula sa iisang dashboard nang di na kailangang mag-invest sa bagong computing at internal resources.
Kung nasasaisip ang paggastos, makatutulong ang IaaS sa kompanyang maisaayos ang kanilang computer resources, mapataas ang workloads, at mapalago ang kanilang operations kung kinakailangan.
Makatutulong sa inyo ang isang pricing cost calculator para mahanap ang pinaka-epektibong IaaS para sa mga pangangailangan ninyo.
Mga halimbawa ng infrastructure as a service
Puwedeng gamitin ng mga kompanya ang IaaS sa maraming pakay, pero narito ang ilan sa use cases kung saan ito nakatulong nang husto:
- A/B testing at development flexibility;
- website hosting;
- data storage, backup, at recovery;
- web applications;
- HPC level computing;
- data warehousing at big data analysis.
Ang pinaka-kilalang halimbawa ng Iaas ay ang Amazon Web Services, Google Cloud Engine, at IBM Cloud.
Ano-anong resources are ibinibigay ng infrastructure as a service?
Nagbibigay ang IaaS ng kumpletong infrastructure na kinakailangan sa pagpapatakbo ng online na business. Kasama rito ang lahat mula sa computing power, virtual servers, data storage, mas pinahusay na seguridad, load balancing, network devices, at lahat ng nasa pagitan ng mga ito.
Ano ang isang Infrastructure layer?
Ang infrastructure layer ang nagma-manage ng system-to-system interactions. Tumatanggap, nagtatago, at nagbibigay ito ng data kapag hiningi. Puwede itong kailanganin ng inyong top-level application o iba pang karagdagang software na gusto ninyong isama sa inyong system.
Ang magandang halimbawa ng isang third-party provider integration ay ang LiveAgent help desk software na puwede ninyong ikonekta sa inyong IaaS infrastructure layer gamit ang API. Pinahihintulutan kayo nitong makaipag-ugnayan sa LiveAgent o sa iba pang integrated na application nang madali at merong karagdagang seguridad.
Nakaka-integrate ba ang IaaS platform sa PaaS paltforms o SaaS software?
Tiyak na ginagawa nila. Pinadadali ng IaaS ang management sa kahit na anong environment, kasama na ang PaaS at SaaS. Ang pagdagdag ng IaaS sa kasalukuyang solutions ay makatutulong sa users na mapahusay ang pagiging epektibo at operations para sa lahat ng kasama. Gayunman, tandaan na hindi lahat ng integration sa SaaS solutions ay posible.
Disadvantages ng IaaS
Patuloy nang babaguhin ng cloud computing ang IT industry. Nagbibigay ito ng mga makabuluhang benepisyo, pero meron din itong ilang kakulangan. Narito ang ilan sa disadvantages sa paggamit ng IaaS:
- walang kumpletong control sa seguridad ng cloud
- hindi ito gumagana sa lahat ng kasalukuyang software
- puwede kayong makaranas ng ilang downtimesa implementation nito
- ang IaaS provider ang may buong control sa data ninyo
- wala kayong control sa updates at maintenance
Improve your business practices
Increase your productivity with LiveAgent's numerous features. Curious about all the opportunities?
Frequently asked questions
Ano ang infrastructure as a service (IaaS)?
Ang Infrastructure as a service o IaaS ay isang anyo ng cloud computing na dinisenyo para ma-cover na lahat ng hardware, networking, at computing power na kailangan sa pagpapalago ng business sa isang virtual environment.
Paano gumagana ang infrastructure as a service?
Ang IaaS ang nagho-host ng buong infrastructure na kakailanganin para sa pagpapatakbo ng isang business. Sa halip na traditional physical data centers na nangangailangan ng maraming oras, pagsisikap, at pera para mag-upgrade, ang IaaS ay puwedeng magbigay ng parehong benepisyo tuwing kinakailangan lang. Sa madaling salita, puwedeng i-upgrade ng users ang kanilang servers, storage, at networking hardware sa isang pindot lang.
Sino ang gagamit ng IaaS?
Ang IaaS ay isang pinakamahusay na uri para sa mga lumalaking kompanya na kailangang magpalago ng kanilang operations sa loob lang ng ilang oras. Ideyal ito para sa maraming iba-ibang applications, kasama na ang website hosting, software testing, high-performance computing, data analysis, at maraming pang iba.
Ano ang advantages ng IaaS?
Ang IaaS ay isang pinakamahusay na uri para sa mga lumalaking kompanya na kailangang magpalago ng kanilang operations sa loob lang ng ilang oras. Ideal ito para sa maraming iba-ibang applications, kasama na ang website hosting, software testing, high-performance computing, data analysis, at maraming pang iba.
Paano mag-implement ng infrastructure as a service?
Puwedeng magsagawa ang mga business ng IaaS sa kasalukuyang legacy systems gamit ang pampribado, pampubliko, at hybrid cloud settings.
Ano ang halimbawa ng infrastructure as a service?
Dinisenyo and IaaS para paghusayin ang test at development environments, magbigay ng kumpletong backup at recovery, at hayaan ang mga kompanyang magsuri na malalaking data set nang hindi namumuhunan sa bagong IT infrastructure.
Ano-anong resources are ibinibigay ng infrastructure as a service?
Ang IaaS ang nagbibigay ng lahat ng hardware, networking, at computing power enterprises na kailangan para matugunan ang tumataas na demand at ma-scale up ang kanilang aktibong operations.
Ano ang isang Infrastructure layer?
Ang infrastructure layer ang nagho-host ng anumang dependencies (applications) na kakailanganin ng isang system. Ito ay ginagamit para mag-communicate sa external applications gamit ang API (Application Programming Interface).
Expert note
<p>Ang Infrastructure as a service o IaaS ay isang uri ng cloud computing na nagbibigay ng buong infrastructure na kailangan ng isang negosyo. Ito ay magaling para sa mga kompanyang gustong mag-scale up ng kanilang operasyon.</p>

LiveAgent is a customer service software that offers a range of capabilities and features, including managing all communication channels, social media integration, and productivity tools across various industries. It provides 24/7 customer service without the need for a credit card, and a free trial is available for up to 30 days using a company email. It is an excellent alternative to Gorgias, offering faster response time and higher customer conversion rates. Additionally, LiveAgent offers software for help desks in the eGaming and eSports industries to improve community experience and stay competitive. Overall, LiveAgent is a cost-effective solution for improving customer satisfaction and sales.
Mahalaga ang tamang phrasing at pakikipag-ugnayan sa mga customer sa call center. Ang LiveAgent ay isang abot-kayang solusyon para sa mga pangangailangan ng call center. Maganda ang customer service kapag iwasan ang negatibong wika at pagtatalo sa customer. Maganda rin ang LiveAgent software na nagpapadali ng komunikasyon at serbisyo sa kustomer sa halagang $15 hanggang $300.