Ano ang ginagawa ng inbound sales representative?
Ang inbound sales representatives ay nagbebenta ng mga produkto o serbisyo ng kompanya sa mga potensiyal na buyers. Karaniwan silang nagtatrabaho sa mga inbound call center o ibang headquarters ng kompanya kung saan sila nakikipag-usap sa mga inbound lead para gawin silang nagbabayad na customer. Ang bawat business ay may bukod-tanging sales approach at iba-ibang sales strategies. Gayunman, kadalasan, nagpa-facilitate ang sales staff ng phone calls at dinadala ang customers sa sales funnel papunta sa desisyong bumili.
Ang pangunahing responsabilidad ng sales team ay ang maisara ang mga deal sa bagong customers at mapangalagaan ang mga relasyon sa kasalukuyang customers. Kasama sa mga responsabilidad ng inbound sales specialists ang paggawa ng sales calls sa mga inbound phone lead, ngunit ang pagsagot din sa mga tanong ng customers, paglutas ng kanilang mga reklamo, at pagtulong sa pagbibigay ng bukod-tanging customer service.
Isa pang mahalagang bahagi ng inbound sales process ay ang pakikipag-ugnayan at pagsuporta sa customer service staff.
Ang mga tungkulin ng inbound sales rep ay hindi nagtatapos sa pagiging paying customer ng isang qualified lead. Kinakailangang maglaan ng oras at mag-perform ng inbound follow-up calls para mapangalagaan pa lalo ang mga relasyon sa inyong customers. Hindi lang nito tinutulungan ang inyong customer retention, pero tinutulungan din nitong mapataas pa ang customer loyalty.
Ano-anong skills ang dapat meron ang isang inbound sales representative?
Ang tungkulin ng isang inbound sales representative ay may kasamang ilang requirements at skills na dapat ninyong taglayin para maging matagumpay sa trabahong ito.
Narito ang ilan sa mga napakahalagang kakayahan ng meron dapat ang isang inbound sales rep.
Magaling na communication skills – kailangang kaya ninyong maging informative at engaging sa pakikipag-usap sa customers.
Active listening – kritikal ito para sa magandang customer satisfaction rates, lalo na sa phone.
Time management – kung epektibo ninyong nama-manage ang inyong oras, makabubuo kayo ng mahahalagang relasyon sa inyong mga kliyente at makapagsasara ng mas maraming deals.
Organizational skills – kaya ninyong mag-asikaso ng maraming gawain at magtrabaho sa maraming accounts sa araw-araw.
Problem-solving – dapat ay kaya ninyong makibagay sa iba’t ibang mga sitwasyon.
Conflict management – ang inyong abilidad na maglutas ng anumang conflict na dumarating ay diretsong may epekto sa inyong sales opportunities.
Technological skills – sa papel na ito, puwedeng mangailangan kayong magtrabaho gamit ang iba’t ibang uri ng technology.
Collaborative skills – mahalagang kayo ay isang team player.
Interpersonal skills – dapat ay kaya ninyong makapagbigay ng mahusay na sales experience sa kabuuan ng buying journey.
Huwag ninyong kalimutan na kapag kayo ay na-hire para sa isang posisyon bilang sales representative, kailangan ninyong pag-aralan ang lahat-lahat tungkol sa inyong mga produkto at mga serbisyo ng kompanya. Ang pagiging fast learner ay isang napakahalagang kakayahan, pero huwag kalilimutan na karamihan ng mga business ay may knowledge base na accessible sa kanilang staff para hindi ninyo kailangang memoryahin lahat agad-agad.
Ang isa pang integral na bahagi ng parehong inbound at outbound sales process ay ang maaasahang customer experience software na may features tulad ng ticketing system, call center, CRM, customer portal, etc. Ang LiveAgent helpdesk software ay isang magandang option sa mga business na gustong lumago habang pinananatiling organisado ang kanilang internal operations at napapasaya ang kanilang customers.
Boost your inbound sales with LiveAgent
Get the right solution for your inbound sales campaigns. Utilize every important communication channel backed up by features that help you every step of the way.
Frequently Asked Questions
Sino ang inbound sales agent?
Ang inbound sales agent ay isang tao na gumagawa ng inbound calls para makakuha ng sales. Karaniwan silang nakikipag-ugnayan sa mga potensiyal na customers sa pamamagitan ng phone at malapit na nakikipagtulungan sa ibang internal department tulad ng customer care, marketing teams, o technical support para makapagbigay ng mahusay na customer service.
Magkano ang suweldo ng isang inbound sales representative?
Ito ay lubos na nakadepende sa kompanya kung saan nagtatrabaho ang sales rep. Gayuman, ang average na suweldo ng isang inbound sales representative ay karaniwang nasa range ng $50,000 - $300,000 kada taon.
Ang customer service ay mahalaga sa brand awareness at customer engagement. Gamit ang LiveAgent, ma-monitor at mapabuti ang customer experience. Mahalaga ang customer service skills at pagtugon sa mga customer support request. Ang mahusay na customer service ay magiging pangunahing focus ng mga negosyo sa hinaharap. Subukan ang LiveAgent para sa susunod na lebel ng serbisyo sa kustomer.
LiveAgent ay isang all-in-one call center software na may magandang daloy ng omnichannel customer experience at maraming magagandang features. Ito ay may smart call routing, intelligent IVR system, unlimited na call recording, integrated na video chat, at call center analytics para sa mas epektibong customer communication. Ito rin ay bahagi ng isang multichannel communication platform na may 180+ features, 40+ integrations, at halos walang katapusang customization options para umayon sa mga pangangailangan ng business.
Ang customer service ay mahalaga sa pagpapalakas ng ugnayan sa customer. Mahusay na customer service ay makakamit sa pamamagitan ng tamang staff at propesyonal na software. Ang customer service consultant ay responsable sa pagkontak ng customer at pagbibigay ng impormasyon tungkol sa produkto at serbisyo ng kompanya. Subukan ang LiveAgent para sa magandang customer service.