Ano ang freemium?
Ang salitang freemium ay kombinasyon ng mga salitang “free” at “premium”. Ang business model ng freemium ay may offer na libreng basic services at may bayad ang karagdagang features o serbisyo.
Kapag nagdesisyon kayong gamitin ang freemium approach, inaalis ninyo ang burden ng pagtuturo mula sa sales at marketing team. Responsibilidad na kasi ng customer na kusang mag-research at pumili ng libre o premium na option.
Ang layunin ng freemium acquisition model ay pababain ang gastos sa customer acquisition. Ang pag-offer ng libreng version ng inyong produkto o serbisyo ay magiging daan para maging mas abot-kaya ito sa mas maraming kliyente.
Paano makukuha ang freemium
Pawang simple ang pag-implement ng business model na ito. Pagkatapos ninyong gumawa ng matagumpay na produkto o serbisyo, kailangan ninyong maglagay ng limitasyon sa free-tier users. Mabibigyan sila ng pagkakataong magdesisyon kung gusto nilang mag-invest sa premium features.
Merong tatlong tipo ng limitasyong puwede ninyong magamit pero ang mga business ang kadalasang gagawa ng kombinasyon ng mga ito.
- limitadong support – iba-ibang mga access sa customer support sa pamamagitan ng tiers
- limitadong features – may offer na karagdagan o extended features para sa paid upgrades
- usage quotas – binabawasan ang bilang ng mga user, storage quota, etc.
Mga halimbawa ng freemium
Nakikita ninyong madalas ang mga freemium product sa totoong buhay. Maraming mga software at internet-based na kompanyang merong malawak na market at may offer na ongoing value sa kanilang mga kliyente ang madalas gumamit ng freemium business model.
Tingnan natin ang ilan sa kanila:
Zapier
Ang web app na ito ay nagbibigay ng kakayahan sa users na magkonekta ng iba-ibang digital tools sa pamamagitan ng sequences ng automated triggers o “Zaps.” Sa libreng tier, puwedeng gumawa ng limang Zaps ang mga user para masubukan nila ang lakas ng app na ito
Kasama sa limited premium features ang sumusunod:
- bilang ng Zaps
- syncing interval – oras kung kailan hinahanap ng Zap ang bagong data
- bilang ng users – para sa mga malaking organisasyon, hinihikayat ng Zapier ang upgrades habang may offer silang collaborative tools at shared folders.
Zapier ang magandang halimbawa ng isang freemium company na gumagamit ng isang napaka-targeted na approach para mag-boost ng revenue at mang-engganyo ng mga libreng user para mag-upgrade sa premium na version.
Spotify
Ang isa sa mga pinakakilala at pinakamatagumpay na freemium app ay ang Spotify. Hinahayaan ang mga user na mag-stream ng music mula sa kanilang computer o phone. Gumagamit ito ng isang simplified na freemium acquisition model sa pamamagitan ng simpleng paglalagay ng isang mas masayang experience kung ang users ay lumilipat sa premium version.
Ang mga kasama sa premium na version ay:
- mas pinagandang sound quality
- offline ang playlists
- streaming nang walang istorbo – walang kakaharaping panaka-nakang ads ang users kada ilang kanta
- Spotify connect – nagbibigay ng kakayahan sa users na magkonek ng app sa kanilang smart TV, speaker, etc.
Mailchimp
Ang email marketing software na ito ay nagbibigay ng kakayahan sa users nito na mangolekta ng mga email address ng kanilang subscriber, magpadala ng newsletter, at iba pa. Puwede kayong mag-sign up nang libre pero para sa matagumpay na email marketing campaign, karamihan ng mga marketer ay nagdedesisyong piliin ang version na premium.
Ang kasama sa features na bayad ay:
- A/B testing
- Advanced segmentation – hinahayaan kayo na mag-target ng mga user batay sa flexible at unlimited na mga kondisyon
- custom branding
- custom journey builder – ang automated na pagpapadala ng mga mensaheng tina-target batay sa kung paano nakikipag-interaksiyon ang inyong mga customer sa inyong business
- behavioral targeting
- 24/7 email at chat support
Advantages ng freemium
Ang approach na ito ay ang pinakamagandang customer acquisition model kahit puwede itong mag-boost ng revenue ng inyong kompanya. Nakaka-attract ang inyong business ng isang malawak na audience ng mga user. Kaya ninyong magpalaki ng relasyon sa mga customer na walang requirement na magbayad sila sa inyo para sa serbisyo ninyo kung ayaw nilang gawin ito.
Bukod pa rito, madidiskubre ng mga user ang inyong mga produkto sa pamamagitan ng mga first-hand experience pagkatapos ay ipakakalat ang kamalayan sa kanilang social circle. Mabibigyan kayo nito ng kakayahang taasan ang inyong conversion rate nang walang karagdagang gastos.
Habang kumikita kayo sa inyong mga paying customer, puwede kayong kumolekta ng user information at data sa pamamagitan ng libreng version. Ang data na ito ay mahalaga para sa analysis na puwedeng magamit para ipakita ang targeted ads.
Tamang-tama ang freemium model para sa mga maliliit na kompanya o mga startup. Nagbibigay ito ng malaking halaga ng brand awareness nang walang labis na paggastos ng inyong budget sa marketing at sales.
Paano makakuha ng freemium users
Maraming paraan para makakuha ng mga freemium user at nakasalalay sila sa proseso at mga pangangailangan. Sa sinabing iyon, merong ilang tips na magagamit para magawa ninyong mga paying customer ang inyong initial users.
Gumawa ng sense of urgency. Ipaalam ninyo sa inyong user na ang libreng tier ay limitado at kung gusto nilang mag-enjoy sa mga serbisyo ninyo, kailangan nilang mag-upgrade sa lalong madaling panahon. Ang panahong io-offer ninyo ito nang libre ay batay sa buyer persona ng inyong business, pero ang pinaka-common na ginagamit ay ang 7-Days, 14-Days (LiveAgent, Dropbox), o 30-Days (Netflix, HubSpot).
Puwede rin ninyong gamitin ang isang email drip campaign. Magpadala ng follow-up emails sa inyong mga customer sa panahon ng libreng paggamit nila para manatili silang engaged sa inyong produkto. Puwede itong maging simpleng mensahe ng “Salamat!” o mga tutorial kung paano mag-upgrade sa premium na version.
Ang isa pang paraan ng pag-convert ng mga user ay mag-offer ng discount o promo. Di ito kailangang i-offer sa mga heavy user lang. Puwede rin ang simpleng pagpapadala ng mga email sa maraming user na may isang time-sensitive discount o isang regalo kapag nagpalista sila sa may bayad na plano.
Ano ang freemium monetization?
Sa madaling salita, ito ang paraan para kumita ang inyong business gamit ang freemium model.
Ang ideya sa likod ng uri ng marketing na ito ay ang makakuha ng pinakamaraming posibleng user sa pagbibigay ng libreng version ng inyong produkto. Ang mahalaga ay panatilihin silang engaged at makita nilang kaaya-aya ito para piliin nila ang premium version na may bayad. Ang approach na ito ay nagdudulot ng isang malaking oportunidad para kumita at magkaroon ng pagpapatuloy na revenue stream.
Anong percentage ng freemium ang napagkakakitaan?
Sa pangkalahatan, kailangan ninyong gawing layunin ang isang disenteng conversion rate sa freemium ng 2 hanggang 5 porsiyento ng mga user. Merong mga kompanyang tulad ng Spotify na may mas malaking conversion rate na 46%.
Siyempre, nakasalalay ang statistics sa iba-ibang factors tulad ng inyong customer base, mga nabiling app, at ang uri ng mga user na naakit ng inyong app.
Para ilagay ang mga bagay sa tamang perspektibo, ang 54% ng app developers ay gumagamit ng freemium model at 33% ng mga business ay kumikita mula rito.
Optimization ng freemium conversion rate
Ang pagdiskubre kung ano ang nagiging motibasyon ng mga user para maging paying customer ay isang tricky task. Kailangan ninyong suriin kung ano ang nagtutulak sa mga customer para mag-upgrade at kung ano ang makapagpapatuloy sa kanilang magbayad ng presyo ng inyong mga serbisyo.
Narito ang ilang tips para mag-boost ng inyong freemium conversion rate:
1. Gumawa ng mahusay na produkto
Tanungin ninyo ang sarili ninyo, anong pain points ang nareresolba ng produkto? Bakit magbabayad para rito ang mga customer? At ano ang motibasyon nila para patuloy itong gamitin?
Gamit ang LiveAgent helpdesk software bilang halimbawa, sagutin natin ang mga katanungan.
Binibigyan ng LiveAgent ng madaling access ang kliyente sa customer service. Nakatutulong itong mag-streamline ng interaksiyon ng customer sa pamamagitan ng iba-ibang channel (email, social media, etc.).
Nagbabayad ang mga customer para sa premium features dahil nakatutulong ang mga ito na makakuha sila ng mas maraming revenue. Kasama ang mga napakalakas na tools tulad ng automation, advance reporting, ticketing software, at marami pang iba, importante ang tungkulin nito sa customer success ng mga business.
Laging bumabalik ang mga customer dito dahil nakakukuha sila ng access sa customer service na labis na sulit sa kanilang budget.
2. Magbigay ng dahilan para mag-upgrade ang inyong mga customer
Gumawa ng mga rasonableng limitasyon sa inyong libreng serbisyo. Puwede kayong mag-analyze ng data mula sa inyong kompetisyon para matukoy ninyo kung ano ang kailangan ninyong gawing libre at ano ang lalagyan ng paywall. Ang susi ay bigyan sila ng kakayahang makita ang agarang halagang ino-offer ninyo kapag nag-upgrade sila.
3. Gawing napakadali ng pag-upgrade
Alisin ninyo ang mga balakid na makapipigil sa mga user na mag-upgrade sa version na may bayad. Gawin ninyong madali ang onboarding at mag-offer ng karagdagang customer support sa proseso ng transition.
4. I-promote ninyo ang premium version
Panatilihing engaged ang users. Ipaalala nang madalas ang mga benepisyo ng pag-upgrade sa version na may bayad. Magagawa ito sa paglalagay ng mga targeted notification o mga follow-up email.
5. Humingi ng feedback
Ipakita ninyo sa inyong mga customer na mahalaga sa inyo ang kanilang opinyon at hikayatin silang magpadala ng feedback.
Puwede ba kayong mawalan ng kita sa mga freemium?
Posibleng oo, puwedeng maganap. Mangyayari ito kung ang conversion rate patungong paid version ay masyadong mababa. Ang ibig sabihin nito, ang karamihan ng mga user ay napapako sa basic features sa halip na mag-upgrade sa advanced na features na may bayad.
Makahahanap kayo ng mga paraan para mapahusay ang inyong freemium conversion rate sa paragraph sa itaas.
Mga pinagkaiba ng libre at freemium
Ang libreng serbisyo ay walang paywall na humahati sa features nito sa libre at limitadong version at sa version na paid premium.
Sa kabilang banda, nagagawa ito ng freemium. Nagbibigay ito ng access sa premium content kapalit ng kabayaran ng mga customer na subscription fee.
Isang uri ba ng freemium ang libreng trial?
Meron silang pagkakapareho, pero ang libreng trial ay hindi isang uri ng freemium. Ang pagkakaiba ay may taning ang libreng trial (30-araw na mga libreng trial) habang sa freemium model, ang libreng plan ay panghabangbuhay. Bukod dito, sa libreng trial ay puwedeng magamit lahat (o karamihan) ng features na ino-offer ng system. Sa kabilang dako, merong iba-ibang limitasyon sa paggamit ng libreng plan sa mga sistema ng freemium.
Stand out from your competitors with a strong customer service culture
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 14-day free trial right away!
Frequently Asked Questions
Ano ang freemium services?
Gamit ang freemium model, kaya ninyong makapag-convert ng leads at gawin silang paying customers nang walang dagdag sa inyong acquisition cost. Sa revenue model na ito, ang pinaka-basic na features ng serbisyong ito ay libre habang kailangang magbayad ng mga customer ng isang tiered subscription fee para sa lahat ng dagdag na premium.
Paano makukuha ang freemium?
Kailangan ninyong iangkop ang approach ninyo sa inyong kompanya pati sa target audience ninyo. Para gawing simple ang sagot, kailangan ninyong gumawa ng isang matagumpay na produkto at pagkatapos ay lagyan ninyo ng paywall ang ilang sophisticated features.
Ano ang halimbawa ng freemium?
Maraming kompanya ang gumagamit ng freemium business model. Ang ilan sa kanila ay ang Spotify, Trello, LinkedIn, WordPress, Mailchimp, at Zapier.
Expert note
Ang Freemium ay magandang paraan upang magbigay ng libreng subscription sa mga gumagamit habang nagbibigay ng mas advanced na serbisyo para sa mga magbabayad.

Naghahanap ba kayo ng alternatibo sa Verloop?
Pumipili ang mga kumpanya ng LiveAgent dahil sa abot-kayang presyo, madaming mga tampok, magandang suporta, at mobile na mga tampok. Hindi na sila babalik sa ZenDesk.
Lilipat mula Customerly papuntang LiveAgent?
Ang LiveAgent ay isang mahusay na kasangkapan sa pagbibigay ng suporta para sa mga negosyo. Ito ay mas abot-kayang presyo at madaling gamitin kumpara sa ibang mga sistema tulad ng ZenDesk at Freshdesk. Pinili ito ng maraming mga gumagamit dahil sa mga tampok nito at mahusay na suporta.
Naghahanap ng alternatibo sa Pure Chat?
Gusto ng mga gumagamit ng LiveAgent ang pagpapadala ng email, pagkakabit ng mga file, at maayos na pag-organisa ng email flow. Ito rin ay sumusuporta sa mga spreadsheet at may mahusay na suporta. Nagkaroon din ito ng malalaking upgrade mula ZenDesk. LiveAgent ay rated bilang #1 software sa help desk para sa mga maliit na negosyo noong 2020.
Naghahanap ng alternatibo sa Dashly?
LiveAgent ay isang mahusay na tool para sa komunikasyon at suporta sa mga kustomer. Nagbibigay rin ito ng ekonomikal na mga solusyon at malawak na integrasyon ng mga ahente, email, at social media. Ito ang pinakamahusay na pagpipilian para sa kasangkapan sa suporta.