Ano ang email ticketing?
Para sa customer support, ang email ang mas pinipiling paraan ng maraming kompanya. Tine-train ang email support staff na mamahala ng email, pati na rin pag-track nito, pag-organisa, pag-prioritize, at pag-assign. Medyo mahirap ding task ito, na puwedeng mauwi sa di magandang support service.
Nafi-filter ng agents ang importanteng emails para mas nasasagutan agad ang mga importanteng email na nasa priority. Ang pag-track ng status ng ticket ay trabaho rin ng agents para lahat ng tickets ay maisara pagkatapos nilang maayos ito. Ang ibang tickets ay kailangang maibigay sa ibang staff, at agents din na nagtatrabaho sa email ticketing department ang gagawa nito.