Ano ang customer delight?
Ang pinakamalaking goal ng maraming kompanya ay customer satisfaction. Ang customer delight ay tinatawag ding customer wow, ang pagkakaroon ng tinaguriang wow emotion sa kliyente. HIndi lang ito tungkol sa mabubuting pananalita. Tungkol ito sa pagbibigay ng pangangailangan ng customer sa kasalukuyan, kung kailan ito kailangan, nang may malaking pagpapahalaga. Kinakailangang alam ng kompanya ang inaasahan ng kliyente sa kanila. Ang puntirya dapat ay ang paglampas sa inaasahan ng customer. Maraming paraan para makuha ang customer delight na ito.
Frequently Asked Questions
Ano ang depinisyon ng customer delight?
Ang customer satisfaction ay natutupad kapag natugunan ang pangangailangan ng customer sa pagpapahalagang inaasahan nila. Para makuntento ang kliyente, kinakailangang matugunan man lang ang pangangailangan nila. Pero ang susi dito ay ang lampasan pa ang mas malaking kaganapan at pangangailangan ng customer.
Ano ang basics ng customer delight?
Ang batayan ng customer satisfaction ay ang makamtan nila ang lahat ng pangangailangan nila. Kasama rito ang makakuha ng inaasahan nila sa isang serbisyo o produkto, nararapat na customer service, at ang tama at mahusay na daloy ng proseso ng pagbili (e.g. tamang itinakdang oras ng product shipment).
Ano ang kabaligtaran ng customer delight?
Ang kabaligtaran ng customer satisfaction ay pagkayamot ng customer. Lalabas ito kapag hindi nakamtan ng customer ang pangangailangan at inaasahan nila. Malaki ang inaasahan ng customer pero hindi ito ang nakuha nila. Puwede itong mangyari sa anumang hakbang sa proseso ng pagbili.