Ano ang ibig sabihin ng customer-centric?
Panatilihing kuntento at loyal ang mga customer, makakuha ng positibong customer experience, at tataas ang sales ninyo. Ang ganitong uri ng pakikipag-negosyo ay tinatawag na customer-centric service. Paraan ito sa pagbibigay di lang ng magandang serbisyo o produkto, pero nilalagay din ng strategy na ito ang customer sa sentro ng business.
Ang pagiging customer-centric ay maraming pakinabang at benepisyo. Nagpapatatag ito ng katapatan, tiwala, at pagiging kuntento ng customer. Nirerekomenda ng masasayang kliyente ang serbisyo ninyo sa iba.
Frequently asked questions
Ano ang ibig sabihin ng customer-centric approach?
Ang pagiging customer-centric ay isang business strategy na nilalagay ang customer sa sentro ng usapan, una sila bago ang interes ng brand. Ang customer ang focal point sa puso at pamamaraan ng kompanya. Ginagawa ito para magkaroon ng positibong karanasan at makapagtaguyod ng pangmatagalang relasyon.
Ano ang basics ng customer-centric approach?
Ang batayan ng customer-oriented na pamamaraan ay, una sa lahat, dapat may offer na komprehensibong customer service. Dahil dito, nakukuha ng customer ang kinakailangan nilang support sa bawat hakbang ng kanilang pagbili. Lahat din ng prosesong pinagdaraanan ng kliyente ay dapat ina-adjust para dumaan sila nang mas madali at walang problema.
Dapat bang maging customer-centric ang bawat kompanya?
Dapat lang na maging customer-oriented ang bawat kompanya. Saan mang industriya, kapag kuntento ang customer, mas tataas ang kita ng kompanya at tatagal pa ang relasyon nila sa customer na magtataguyod ng loyalty sa pakikitungo sa kanila.
Expert note
Ang customer-centric ay isang business strategy na nilalagay ang customer sa sentro ng usapan, una sila bago ang interes ng brand. Mahalaga ito para sa positibong karanasan at pangmatagalang relasyon sa kustomer.

Paano nagiging magaling ang customer service?
Ang paghahatid ng quality customer service ay ang susing sangkap sa pagpapanatili ng long-term profitability sa kasalukuyang iba-iba at competitive na market.
Ang mga customer referrals at reward programs ay mahalaga sa pagpapalago ng kulturang customer-centric. Kailangan magpakita ng empathy at pag-unawa sa mga reklamo ng mga customer para mapanatili ang kanilang loyalty sa business. Gumamit ng pananalitang nakakapanatag sa mga customers at hikayatin ang mga ito na magbigay ng feedback para mapabuti ang serbisyo ng negosyo.
Ang isang brand ay hindi lamang isang logo, kasama dito ang magandang serbisyo, customer service, disenyo at marketing. Para humingi ng tawad sa customer, kailangang magpakita ng empathy, pagtanggap ng responsibilidad at magbigay ng solusyon. Mahalaga din ang tamang pananalita at pagbigay ng oras para sa customer satisfaction. Sa customer interaction management, kailangan ng magpakita ng pagpapasalamat, empathy, at maging creative sa interaction upang bumuo ng matibay na koneksiyon sa customer. May mga software para sa customer interaction management na makakatulong sa communication skills, analysis sa mga touchpoints at feedback ng customer at pagpapahusay ng serbisyo.
Introduksiyon sa customer interactions
Ang pagpapatakbo ng matagumpay na negosyo ay nangangailangan ng maayos na relasyon sa mga customer. Upang makuha ito, mahalaga na isinasalamin ang 4Ps, gaya ng produkto, presyo, posisyon, at promosyon. Isaalang-alang din ang pagiging malikhain sa pagpapakilala ng discount code, exclusive deal, gift card, shout out sa social media, mga email at message. Ang mga customer interaction software ay malaking tulong upang matugunan ang mga kahilingan ng mga customer. Sa pagpapatupad nito, maaari rin itong magbigay ng mga data na magagamit naman ng mga support representative sa kinabukasan. Kaya, mag-ingat at patuloy na pagbutihin ang customer interaction dahil ito ay nagbubunga rin ng mga panghabangbuhay na customer at ROI.