Ano ang conversion funnel?
Ang conversion funnels ay ang online na journey ng mga customer. Mula ito sa paghahanap ng isang produkto o serbisyo hanggang sa pagbili. Nagbibigay ang mga ito sa mga kompanya ng pananaw sa user experience. Ang orihinal na kahulugan ng conversion funnel ay ginamit para sa e-commerce businesses, pero sa ngayon ay tinutukoy na nito ang kahit na anong business.
Naging mahalaga na ang pag-obserba sa customer journey dahil nakatutulong itong maunawaan kung ano ang hindi pa nakikita ng customers. Gumagamit din ang mga kompanya ng marketing funnel visualization, na naka-focus sa maraming uri ng audience at sinusubukan silang idirekta papunta sa conversion.
Ano ang funnel conversion rate?
Lahat ng matagumpay na business ay may mataas na funnel conversion rates. Mas sakto nilang nata-track ang kanilang customers at nagagamit ang data para makagawa ng mas mabuting desisyon. Mapapahusay ninyo ang sales funnel sa maraming paraan, pero ang goal ay makakita ng pinaka-sulit sa presyo.
Kailangan ninyong makahanap ng paraan para gawing leads ang visitors at customers ang leads nang madalian. Sa madaling salita, dapat mataas ang inyong conversion rate. Ano ang ibig sabihin nito? Ang conversion rate ay ang bilang ng leads na naging customers.
Ang pinaka-karaniwang conversion funnel metric ay kinakalkula sa pamamagitan ng paghati ng bilang ng sales sa lahat ng leads sa inyong funnel at imu-multiply ito sa 100.
Conversions:
Leads X 100 = funnel conversion rate %
Pagpapahusay ng funnel conversion rate
Ang conversion funnel optimization ay tungkol sa pagpapahusay ng inyong conversion rate. Ito ang key metric na tumutukoy kung gaano kaganda ang inyong customer journey at ang funnel ninyo. Kaya ang marketing at sales teams ay nagtatrabaho nang husto para mapahusay ang conversion rates. Maraming paraan para magawa ninyo ito, at puwedeng magkaiba nang kaunti ang mga funnel. Ang isang partikular na approach ay hindi gagana sa lahat ng oras. Gayunman, may mga pangkalahatang aksiyong puwedeng pakinabangan ng bawat conversion funnel:
- Dagdagan ang organic traffic (SEO)
- Paggamit ng social proof para makipag-engage sa customers
- Pagsasagawa ng maraming uri ng tests
- Pagtatrabaho sa CTAs at forms
- Alamin ang inyong target audience
- Paggawa ng market research
- Paggawa ng sense of urgency
Stages ng marketing funnel
Bago gumawa ng isang purchase, napupunta ang qualifying traffic sa ilang funnel steps. Kailangan ninyong maunawaan silang lahat para makapagtakda ng tamang patakaran para makatulong na mapagalaw ang mga tao sa funnel.
Awareness stage
Naaabot ng customers ang unang stage ng funnel sa pamamagitan ng marketing. Ito ay kung saan ang marketers ay nagsisimulang mangalap ng impormasyon tungkol sa potensiyal na customers at magdagdag ng leads.
Interest stage
Sa stage na ito, nagsisimula nang may matutuhan ang leads ninyo tungkol sa serbisyo, produkto, o brand ninyo.
Consideration stage
Sa stage na ito nagiging qualified leads ang leads ninyo. Sinisimulan na silang alagaan ng marketing teams ninyo para mag-convert sila.
Intent stage
Pumapasok ang customers sa stage na ito kapag nagawa na nila ang isang action na nagpapakita na sila ay interesado sa mga partikular na produkto o serbisyo.
Evaluation stage
Ang pagsusuri ay kung kailan gumagawa na ng panghuling desisyon ang customers sa kung ano ang bibilhin nilang produkto. Sa stage na ito, kailangang magtrabaho nang husto ng marketing at sales team para makumbinsi silang bumili.
Purchase stage
Ang panghuling stage ay kung kailan na bumili ang customer.
Pagsusuri ng conversion funnel
Ang pagsusuri ng inyong conversion funnel ay makatutulong sa inyong maunawaan kung ano ang kailangan ninyong paghusayin. Makatutulong ito sa inyong matutuhan ang percentage ng leads na gumagalaw mula sa isang funnel step papunta sa isa pa para makita ang phase na hindi maganda ang performance at mapabuti ang conversion process.
Suriin mula sa top level
Suriin ang apat na primary stages ng checkout process, kasama ang:
- landing page
- product page
- cart
- purchase
Suriin kung aling steps ang kailangang paghusayin para mas makapagsilbi nang mas maayos sa inyong mga kliyente.
Tingnan ang mga partikular na bagay sa isyu
Kapag nalaman na ninyo kung saang stage kadalasang nadidiskaril ang customer journey, panahon na para suriin itong maigi at alamin ang dahilan. Halimbawa, kung iniiwan ng mga tao ang cart, puwedeng nangangahulugang masyadong komplikado ang proseso ng inyong checkout.
O puwedeng wala sa inyo ang paraan ng pagbabayad na gusto nila. Kung gusto ninyong trabahuhin ang customer retention, paghusayin ninyo ang purchasing stage at kumbinsihin ang inyong customers na bumalik.
Paano gumawa ng isang conversion funnel
Ang paggawa ng isang matatag ng conversion funnel ay nangangailangan ng oras at pagsisikap. Kailangan ninyo ng strategic approach habang kinokonsidera ang model at layunin ng inyong business sa bawat stage. Laging tandaan na ang susi sa tagumpay ay isang positibong customer experience.
- gumawa ng isang flawless na buying process
- gumawa ng landing page
- mag-offer ng isang mahalagang serbisyo o produkto
- mag-adjust ng conversion goals
- gumamit ng content para madagdagan ang traffic
- suriin para mahanap ang leaks sa funnel ninyo
- gumawa ng conversion rate optimization
- magsama ng dagdag na offers
- ikonsidera ang paggawa ng maraming funnels
Looking for the right tool for you?
LiveAgent offers plenty of useful features which can help you improve you conversions. Curious about all the opportunities?
Frequently asked questions
Ano ang conversion funnel?
Ito ay tumutukoy sa visual representation ng buyer's journey. Habang lumalapit ang customers sa pagbili, kakaunti na lang ang natitira sa funnel.
Ano ang funnel conversion rate?
Ang funnel conversion rate ang isa sa pinakasimpleng metrics para sa sales funnel. Tinutukoy nito ang percentage ng leads na na-convert sa isang partikular na panahon. Hatiin ang bilang ng conversions sa bilang ng leads at i-multiply sa 100 para makuha ang funnel conversion rate.
Paano madaragdagan ang funnel conversion rate ko?
Maraming suhestiyon ang marketers para mas paghusayin pa ang sales funnel conversion rates. Kasama rito ang paggawa ng data-driven funnels, pagpapatakbo ng personal na marketing campaigns, paggawa ng sense of urgency, paggamit ng social proof, at marami pang iba.
Ano ang stages ng marketing funnel?
Ang marketing funnel stages ay ang sumusunod: awareness interest consideration intent evaluation purchase
Paano suriin ang conversion funnel?
Ang pagsusuri ng conversion funnel ay isang detalyadong proseso kung saan kasama ang pag-monitor ng KPI, paggamit ng behavior analysis, paggamit ng heatmaps, paggawa ng surveys, pagsasagawa ng tests, pagtukoy sa bottlenecks para sa mga hakbang sa funnel, at pagkukumpara ng funnel para sa mas malalim na pagsusuri, at iba pa.
Paano gumawa ng isang funnel?
gumawa ng buying process na walang hassle gumawa ng landing page mag-offer ng inyong mga serbisyo at produkto mag-adjust ng conversion goals bumuo ng traffic sa pamamagitan ng paggamit ng content suriin kung saan kayo nawawalan ng leads sa funnel mag-optimize ng conversion rate magdagdag ng ibang offers ikonsidera ang paggawa ng maraming funnels
Expert note
<p>Ang conversion funnel ay tumutukoy sa online journey ng mga customer mula sa paghahanap hanggang sa pagbili. Mahalagang maunawaan ito para sa pagpapahusay ng user experience at pagtaas ng funnel conversion rate.</p>

Mas maraming madadagdag sa leads at mas maraming data ang matutukoy sa pamamagitan ng pagdami ng visitors at pagkalkula ng conversion rates. Ang conversion rate ay isang mahalagang metric na nagpapakita ng tagumpay sa online advertising. Kailangan mangalap ng data at gamitin ang digital platforms tulad ng Google Ads at Google Analytics para malaman ito. Ang mga conversion rate metrics ay kasama ang bagong visitor conversion rate, exit pages, value per visit, cost per conversion, at return visitor rates. Mahalaga ito sa marketing at business development. Sa pangkalahatan, ang 2-5% ang magandang online conversion rate. Madadagdagan ang conversion rate sa pamamagitan ng pagpalawak ng customer base at paggamit ng sapat na materyales, strategies, at tactics.
Introduksiyon sa customer appreciation
Ang customer appreciation ay mahalaga sa pagpapanatili ng mga customer at pagpapalakas ng loyalty. Nagkakaroon ng negatibong epekto sa negosyo ang kapabayaan sa customer. Ang pagpapasalamat sa customer ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng discounts, coupons, at iba pa. Mas malaki ang kita at tumatagal na ugnayan sa mga kumpanya na may mga nakukuntentong customer.
Ang customer service management ay proseso ng pag-manage ng bawat aspektong konektado sa customer service. Hindi puwedeng ma-automate ang customer service management. Upang paghusayin ang kalidad nito, dapat makinig sa mga customers at magkaroon ng maayos na pagpapatakbo ng trabaho sa loob ng kompanya.