Ano ang business VoIP?
Napadadali ng solusyong ito ang pagtawag ng may-ari ng business sa kanilang mga customer, ang paggawa ng sales calls, at pag-collaborate sa kanilang mga team kapag nasa business calls. Ang Business VoIP phone services ay karaniwang may offer na advanced features gaya ng screen sharing, video meetings, at voicemail transcription na dagdag sa basic voice calls. Maraming iba-ibang features ang business VoIP kaya ang pagbabayad para sa dagdag na espesyal na features ay nagiging pangkaraniwan na.
Ang pagkakaiba nito sa serbisyng pang-consumer ay, ang business VoIP provider ay puwedeng mas mag-invest sa pagtatayo at pagpapanatili ng isang siguradong VoIP network. At saka ang pinakamahusay na business VoIP services ay puwedeng mag-offer ng mataas na level ng customer support. Kung tutuusin, hindi kaya ng mga business owner na mawalan ng ugnayan sa mga empleyado, lalo na kung sila ay remote workers.
Paano malalaman kung bagay ang business VoIP sa inyong kompanya?
Bago kayo gumamit ng business VoIP services para sa inyong mga phone call, may ilang puntos na dapat isaisip. Una, suriin kung high-speed ang Internet connection ninyo. Puwedeng meron kayong cable, DSL, satellite, o fiber na internet connection sa traditional na setting. Gayunman, mahalaga ring kumonsulta sa remote teams ninyo. Tanungin sila kung ang Internet service nila ay pumapalo ng 5 megabit na download at upload speed para makagamit ng video meetings.
Ngayon, puwede na ninyong isaalang-alang ang ilang benepisyo ng business VoIP providers kumpara sa mga traditional na phone service.
- features – Ang business VoIP providers ay kilala sa pag-offer ng unli calling sa buong bansa. Gayunman, marami pang ibang advanced features na dapat isaalang-alang. Halimbawa, ipinadadali ng isang auto-attendant feature ang pagsagot ng mga incoming call sa gabi o sa katapusan ng linggo. Ang ilang providers ay naghahatid din ng voicemail transcriptions (halimbawa, ang system ay nakaka-convert ng voicemail sa text).
- bawas sa gastos – Depende sa features na pipiliin ninyo, ang business VoIP providers ay puwedeng mag-offer ng solusyong sulit ang presyo. Kumpara sa traditional na business services, makakatipid kayo ng 20-50%. Puwedeng mas mataas pa ang bawas sa gastos kung gagawa kayo ng mas maraming international calls.
- options para sa maliliit na mga business – Ang business VoIP providers ay may offer na unified communications, video meetings, at team messaging. Ang mga advanced feature ay makukuha sa pamamagitan ng mamahalin na plans. Ang enterprise phone service ay hindi bagay sa mga maliliit na business na nagtitipid. Gayunman, ang business VoIP na phone systems ay ang pinakamahusay na option para sa mga maliliit na business dahil sa mura at sa flexibility nito.
Paano magbebenepisyo ang mga kompanya sa business VoIP service?
May siyam na aspektong mapapakinabangan ng mga kompanya sa paggamit ng business VoIP service. Ilan sa mga benepisyong ito ay makukuha sa pamamagitan ng traditional na analog na phones, pero mas madalas na makukuha lang sa VoIP calls.
- Gumawa ng kahit gaano karaming calls gamit ang unli calling features. Ang VoIP services ay isang sulit sa presyong option para sa kompanyang umaasa sa paggawa ng calls, kabilang na ang outgoing calls sa mga customer. Mas madalas, makatatawag kahit na kanino sa buong bansa gamit ang unli domestic calling. Ang international na calling rates ay puwedeng kasingbaba ng ilang sentimo sa bawat minuto.
- Manatiling konektado sa ibang teams. Ang pananatiling organisado sa panahong ito ng remote work ay nagiging mas posible kasi may business VoIP services. Puwedeng gumamit ng conference calling kapag kausap ang customer service teams, sales teams, at iba pang parte ng kompanya.
- Gumamit ng screen sharing para mas mapadali ang pag-unawa. Ang paggamit ng pagsasalita sa paglarawan ng mga proseso ay hindi palaging mabisang diskarte sa business. May mga empleyadong mas gustong makakita ng mga diagram, chart, o visual aid.
- Palalimin ang koneksiyon ninyo sa paggamit ng video meetings. Ang ibang business VoIP plans ay may kasamang suporta para sa group video meetings at video calls. Ang pakikipag-usap na may video ay makapangyarihang paraan para palalimin ang pakikipag-usap sa empleyado o customer ninyo. Puwedeng mas madaling maintindihan ang iniisip o nararamdaman ng ibang tao at mas makakonakonekta ng maayos sa kanila. Ilang VoIP plans ang nagpapahintulot na mag-imbita ng 10, 20, o kahit 100 kalahok sa isang video conferencing session.
- Makakuha ng mas mabilis na sagot gamit ang team messaging. Ang bagong VoIP plans ay may kasamang team messaging (tinatawag ding instant messaging) feature. Ito ay nakatutulong para makipag-usap sa inyong team. Kung tutuusin, ang paggugol ng 10 minuto para lang tumingin sa kalendaryo at maka-set up ng conference call ay hindi makatuwirang pag-aaksaya ng oras sa lahat ng sitwasyon.
- Voicemail. Ito ay isang standard feature kahit sa isang basic plan ng business VoIP technology ngayon. Para mas mapalakas ang business productivity, maghanap ng mga voicemail to email feature. Ang pagbabasa ng na-transcribe na voicemail ay puwedeng mas madali kaysa sa pakikinig sa recording.
- Apps na may video. Mahusay na option ang mga ito kung ang Internet provider ninyo ay may offer na mabilis na broadband services. Halimbawa, baka imbitahin ninyo sa isang video call ang 10 sa pinakamahusay ninyong customers para ibunyag ang bagong produktong kasalukuyang ginagawa ninyo. Sa video meeting, puwedeng gumamit ng screen sharing para i-demo ang ideya at makuha ang kanilang feedback. Ang ilang apps na may video ay nagpahihintulot pang mag-share ng kontrol ng screen ninyo. Ito ay mabisang tool para palakasin ang engagement.
- Scalability. Di gaya ng ibang mobile phones, madaling magdagdag o magbawas ng mga gumagamit ng VoIP service ninyo. Mahalaga ito kasi puwedeng magdagdag ng gumagamit sa contact centers ninyo sa mga oras na busy kayo at ikansela ang mga account na ito kapag di na kailangan.
- Routing. Ang mga business na katamtaman ang laki at mga malalaking kompanya ay nakakukuha ng mas maraming incoming calls araw-araw. Ang pag-route ng calls sa tamang tao o department ay nakatutulong para mabigyan ng mas mabuting service ang mga customer ninyo.
Paano pipiliin ang pinakamahusay na business VoIP provider?
May ilang factors na dapat isaisip para tiyak na makuha ninyo ang pinakamahusay na deal.
- flexibility – Hinihingi ng ilang providers na mag-sign up ang customers sa kanilang annual plans para makuha nila ang pinakamahusay na deals sa kanilang enterprise tier. Samantala, ang pinakamababang tier ay nagbibigay ng mas kaunting features pero puwedeng magkansela naman anumang oras. Alalahanin ninyong puwedeng paghalu-haluin ang mga plan. Puwedeng gumamit ng mas mataas na option (halimbawa, ang enterprise o professional tier). Sa kabilang dako, mas mabuting option ang pinakamababang tier para sa mga department na mas kaunti ang calls.
- mobile device support – Puwedeng gusto ng marami sa mga empleyado ninyo ang remote work. Para masuportahan ang pangangailangang ito, maghanap ng provider na may offer na phone apps o may kakayahang gumawa ng calls galing sa maraming locations na hindi kailangang bumili ng office phone.
- integrations – Ang LiveAgent ay nakaka-integrate sa mga popular na business software gaya ng Salesflare, Pipedrive, Highrise, Gmail, at iba pa. Ang pagpili ng isang business VoIP provider na kayang mag-integrate sa software ninyo ay makatutulong sa pagtipid ng oras araw-araw.
- monthly minutes – Ilang VoIP providers ang may offer na unli minutes sa domestic calling. Bago mag-sign up, isiping mabuti kung ano ang pangangailangan ninyo sa pagtawag. Kung madalas ninyong tawagan ang inyong mga customer sa ibang bansa, baka kailangan ninyo ng plan na may international calling.
- iba pang powerful features – Baka kailangan ng malalaking kompanya na mag-offer ng online meetings, unli extensions, at ibang kapasidad na lagpas sa pangkaraniwang features ng VoIP. Ito ay madalas na nangyayari kapag lahat ng iba-ibang teams (halimbawa, sales, customer service, accounting, at iba pa) ay nangangailangan ng office phone.
Laging isaisip na ang bawat VoIP provider ay gumagamit ng iba-ibang salita para ilarawan ang kanilang serbisyo. Ang isang kompanya ay puwedeng gumamit ng salitang “enterprise tier” para sa pinakamabilis na serbisyo. Ang ibang kompanya naman ay puwedeng mag-offer ng “speed tier.” Mahalagang tingnang mabuti ang sinisingil nilang buwanang rate at kung pareho ang mga feature kasi maraming termino ang puwedeng gamitin para sa isang feature.
Para makagawa ng inyong business VoIP phone services shortlist, mag-umpisa sa industry reviews, gaya ng nirerekomendang Voice Over IP systems ng PC Mag. Makakakita rin ng offerings tulad ng Ooma Office, RingCentral, at Cisco.
Paano mag-set up ng business VoIP system?
Ang mga tiyak na hakbang para mag-set up ng business VoIP system ay puwedeng mag-iba-iba. Halimbawa, ang pag-set ng RingCentral MVP ay iba sa pag-set-up ng LiveAgent. Gaya ng nasabi na, may karaniwang pangkalahatang mga punto na ginagamit sa bawat VoIP system.
Internet connection
Ang quality at bilis ng inyong Internet connection ay mahalaga para sa VoIP calls. Tawagan ang Internet provider ninyo at abisuhan silang lilipat kayo sa Voice over Internet Protocol service. Para ma-achieve ang pinakamahusay na voice quality, kailangan ninyong i-upgrade ang Internet connection ninyo o bumili ng mas bagong wireless router na sumusuporta sa Wifi 6.
Planuhin ang installation ng Voice over Internet protocol
Ang susunod ninyoga hakbang ay ang pagplano ng installation ng inyong bagong Internet phone service. Magtalaga ng maraming oras para i-test ito at nang ma-achieve ang pinakamahusay na voice quality. Planuhin ang installation sa katapusan ng linggo para ma-minimize ang pagkagambala sa business. Kung kulang kayo sa in-house IT expertise, magtanong sa Internet phone service provider ninyo kung may offer silang installation services. Kung minsan, ang pagbayad para sa option na ito ay magandang ideya sa malalaking kompanya.
Makipag-usap sa mga empleyado ninyo
Magpadala ng email sa inyong mga empleyado para ipahayag na may bagong sistema. Kung may mga mahalagang bagong feature gaya ng business text messaging, i-highlight ang mga ito sa email ninyo. Magplano ng ilang training session para sa mga tauhan ninyo. Ang modernong IP phones ay puno ng karagdagang features, at kailangan ng oras para matutuhang gamitin ang mga ito.
Mag-update ng training materials
Ngayong meron kayong mas pinahusay na communications tools, i-update ang materyales ng training. Halimbawa, ipaliwanag kung paano gumana ang ilang mga tampok na features (hal. gumamit kayo ng multi-level na auto attendant para pamahalaan ang incoming calls ng mga customer).
Choose the right fit for your business
Among other useful features, LiveAgent also integrates with plenty of VoIP providers, giving you the option to pick the right one just for you. Want to see for yourself?
Frequently Asked Questions
Ano ang business VoIP?
Ang business VoIP ay isang business communications tool na tumutulong para maging madaling gumawa at tumanggap ng calls. Sa maraming kaso, ang business VoIP ay may mas mababang presyo kaysa sa traditional na sistema ng business phone. Ang Business VoIP plans ay kadalasang merong unli calling at advanced features gaya ng screen sharing o video meetings.
Paano gumagana ang business VoIP?
Gumagana ang Business VoIP sa pamamagitan ng pag-convert ng inyong mga salita sa digital signals na ipinadadala gamit ang Internet. Ang hindi ninyo alam, gumagamit ang business VoIP ng iba-ibang uri ng paraan para makasigurong mataas ang quality ng calls ninyo. Kailangan ng business VoIP users ang high-speed Internet access para mas epektibong magamit ang serbisyong ito.
Paano malalaman kung bagay ang business VoIP sa inyong kompanya?
Halos lahat ng business ay puwedeng gumamit ng business VoIP. May dalawang sitwasyon kung saan hindi magagamit ng isang business ang VoIP. Una, kung walang maaasahang Internet access ang kompanya o pangalawa, kung hindi handa ang kompanyang mag-implement ng mas bagong technology.
Paano magbebenepisyo ang mga kompanya sa business VoIP service?
Maraming benepisyong makukuha ng paglipat sa isang business VoIP service. Halimbawa, maiiwasan ang karagdagang singil na kadalasang ipinapataw ng traditional na kompanya ng telepono para sa mahahabang phone calls. Kadalasang isinasama ng karamihan ng business VoIP service providers ang alinman sa unli minutes o murang calling rates. Sa huli, kung minsan ay isinasama ng business VoIP services ang suporta para sa video meetings at call management para puwedeng kayong manatiling productive.
Paano pipiliin ang pinakamahusay na business VoIP provider?
Simulan sa pamamagitan ng paghahanap ng technology na ginagamit ng inyong team araw-araw. Halimbawa, kung ginagamit ninyo ang Gmail at Pipedrive, ang Live Agent ay bagay sa mga ito kasi nakaka-integrate ito sa ibang technology at ilang dosenang apps. Magbasa ng industry reviews at humingi ng tips sa inyong mga kasamahan. Patuloy na mag-research hanggang sa makapili ng dalawa o tatlong potential na providers para sa shortlist ninyo.
Paano mag-set up ng business VoIP system?
Ang tiyak na mga technical na hakbang ay nag-iiba depende sa bawat Internet service provider. Gayunman, may apat na pangkalahatang hakbang na puwedeng sundin pagkatapos pumili ng VoIP system. Una, tingnan kung kayang suportahan ng Internet connection ninyo ang VoIP calls. Pangalawa, planuhin at mag-schedule ng VoIP installation. Pangatlo, ipaalam sa mga empleyado ninyo ang bagong technology. Panghuli, mag-update ng training material ninyo.
Top 3 VOIP Service Providers 2022
Iyong LiveAgent ay handa na sa lahat ng communication channels tulad ng chat, tawag, video call, form sa pakikipag-ugnayan, at social media.
Ang VoIP ay isang teknolohiyang ginagamit para sa phone calls sa pamamagitan ng Internet. Ang unified communication naman ay isang suite ng tools sa business communication tulad ng fax machine, email, phone calls, video conferencing, at iba pa. Sa pagpili ng pinakamagaling na VoIP provider, dapat bigyang-pansin ang murang international calling, pagtitipid sa gastos, mataas na kalidad ng serbisyo, customer support, at reputasyon ng provider. Ang LiveAgent ay isang maaasahang VoIP service provider na nagbibigay ng hosted na VoIP solution para sa communication ng team, customer, at clients.
Ang mga business ay gumagamit ng VoIP phone numbers para sa magandang customer service at mababang halaga ng tawag. Maaari itong gamitin para tawagan at makipag-usap sa mga potential at current customers. Ang VoIP numbers ay makukuha mula sa VoIP service providers at maaaring malaman kung ang isang numero ay VoIP sa pamamagitan ng mga online na tool. Ang VoIP ay mas mura kaysa sa regular phones at hindi nakatali sa isang lugar. May fixed at non-fixed na VoIP numbers at puwedeng malaman ang may-ari ng non-fixed VoIP number sa pamamagitan ng specialized tools.
Ang VIPTel ang isang Slovak na tagapagbigay ng VoIP na nag-aalok ng mga serbisyo sa komplikadong tawag para sa mga negosyo. Makaka-access ang mga suskribers ng LiveAgent sa mga VoIP kasama ng VIPTel. Ang pagkakaugnay na ito ay walang karagdagang bayad. Ang pag-ikot ng pagkonekta ng VIPTel sa LiveAgent ay madaling sundan. Ang VIPTel ay nagbibigay ng modernong teknolohiya at mababang presyo sa komunikasyon.