Sa mundo ng business ngayon, kritikal ang pagkakaroon ng magandang customer support tool sa pag-manage ng customer interactions sa maraming communication channels – social media, website, mobile apps. Zendesk ang top-performing na solution sa larangang ito, na nangunguna sa help desk software market sa nakaraang dekada.
Sa madaling salita, all-in-one solution ito na may built-in na help center at community forum kung saan makahahanap ang customers ng sagot sa mga common na tanong o makakapag-interact sa ibang users. Bilang resulta, makakatutok na ang agents sa mas complex na inquiries.
Pero tulad ng ibang software solutions sa halos anumang industriya, hindi dinisenyo ang Zendesk para pagsilbihan ang bawat uri ng business – hindi ito gaanong adaptable at scalable. Madidiskubre ng ilang kompanyang hindi rin ito abot-presyo para sa kanila o may kakulangan sa key functionalities at integrations na kailangan sa kanilang business.
Sa guide na ito, pinagsama-sama namin ang ilang pinakamahusay na kompetisyon ng Zendesk at ikinumpara sila batay sa sumusunod na factors:
- Presyo: Walang takas sa usaping ito – napakahalaga ng budget na ilalaan ninyo bilang investment sa isang customer service software. Magkakaroon ito ng napakalaking epekto sa inyong bottom line at ROI sa paglaon. Ikukumpara ng article na ito ang iba’t ibang pricing plans at ang kanilang kaakibat na pangunahing features para malaman kung alin ang mas sulit sa pera.
- Basic na features: Pinadadali dapat ng customer support software ang trabaho para sa buong support team ninyo dahil sa basic na functionalities tulad ng intuitive na dashboard, chatbots, ticket management system, at iba pa. Ito dapat ang mga ino-offer ng lahat ng help desk solution sa maaasahan at abot-presyong paraan.
- Advanced na features: Matutulungan ng automated workflows, paggawa ng FAQ para ilagay ang pinakamadalas itanong ng customer, at ibang advanced na features na mapabilib ang users ninyo at mabawasan ang response time.
- Pag-report: Gugustuhin ninyong magkaroon ng magandang overview kung paano pinamamahalaan ang customer inquiries at matukoy ang mga potensiyal na oportunidad sa pag-unlad. Magaganap ito sa pagkakaroon ng detalyadong analytics at ibang reporting features. Kaya anumang tool na nais mapili ay kailangang may malawakang reporting suite na makapagbibigay ng malalimang pagsiyasat sa inyong mga resulta.
- Mga integration: Napakahalaga ng mga integration sa ibang tools, lalo na pagdating sa eCommerce platforms. Halimbawa, ang integration sa Shopify ay mainam sa pag-initiate ng refunds, pagtingin sa customer history, at paggawa ng maraming bagay. Susuriin ng article kng aling tool ang makaka-integrate sa ibang software, na nakapokus sa eCommerce platforms.
LiveAgent
Ang LiveAgent ay isang matatag na alternatibo sa Zendesk sa market.
Pinagsama na ng LiveAgent ang pagiging simple at madaling paggamit ng elaborate na features na matutulungan kayong mapaganda pa ang customer support ninyo sa maraming paraan. Nagsisimula ito sa aming intuitive na ticketing system, na isa sa pinaka-essential na tools para sa epektibong customer service. Automatic na ginagawang ticket ang bawat customer request at ina-assign sila sa nararapat na agent at department.
Ang LiveAgent ay isa ring komprehensibong help desk tool na may offer na universal inbox kung saan maa-access ninyo ang lahat ng messages sa iisang lugar lang. Dito maii-streamline ang tickets, emails, social media messages, emails, phone calls – lahat na ng posibleng paraan ng pagkontak sa inyo ng customers ninyo.
Nagbibigay ang aming live chat widget ng personalized na real-time support kasama ng built-in na CRM at automatic na chat routing para mabawasan ang response times. Puwedeng ma-personalize ang inyong support batay sa binibisitang page ng mga customer, lokasyon nila, at oras na itinatagal nila sa inyong site.
Paano ito naiba sa Zendesk?
Kung mahalaga sa inyo ang bilis, LiveAgent ang isa sa pinakamahusay na option sa market ngayon: ito ang pinakamabilis na chat widget, naglo-load agad sa loob ng 2.5 segundo lang!
Kahalintulad din ng LiveAgent ang Zendesk sa halos lahat ng features, kasama na ang self-service na customer portal, mga knowledge base, automation rules, advanced na chat features, unli na chat history, at unli na 24/7 na customer support. Mas importante, makakatipid ang paglipat ninyo sa LiveAgent ng halos 73% ng inyong budget. May offer din kaming libreng migration mula sa ibang serbisyo – maililipat ninyo ang lahat ng inyong data mula sa kasalukuyan ninyong provider sa paggamit ng plugin o sa tulong ng aming tech support specialists.
Ang LiveAgent ay may libreng 14-araw na trial sa All-Inclusive Plan na puwedeng mailipat sa paglaon sa isa sa paid plans (simula sa $15/agent/buwan) o i-downgrade sa Free Basic Plan.
May offer ang Zendesk na tatlong plan: Support Team ($19/agent/buwan), Support Professional ($49/agent/buwan), at Support Enterprise ($99/agent/buwan). Para makuha ang Zendesk capabilities, kailangan ninyong tingnan ang kanilang Support Professional o Support Enterprise na plan, na mas mahal sa LiveAgent, lalo na para sa malalaking support teams.
Tired of searching?
Are you still looking for software that will help you improve your customer service? LiveAgent may be the solution for you!
Freshdesk
Pagka-log in ninyo sa Freshdesk, makikita ninyong ticketing talaga ang nasa sentro ng tool. Ang main window ay isang reporting dashboard na pinapakita ang overdue tickets, unresolved tickets, lahat ng open tickets, at iba pang metrics. Puwedeng ma-customize ang dashboard para makapagdagdag ng widgets tulad ng customer satisfaction stats at score cards.
Ang features tulad ng canned messages, scenario automation, at custom ticketing tools ay tutulong sa pagtaas ng agent productivity dahil naaalis sa kanila ang mga paulit-ulit na tasks.
Ang bukod-tanging feature sa Freshdesk ay ang Freshdesk Arcade – isang gamification feature na gumagawa ng leaderboard para sa ticket resolution at nagbibigay ng badges bilang award sa mga top performer ninyo. Ang isa pang napaka-cool na bagay sa Arcade ay customizable ito: mapipili ninyo kung aling events ang lalagyan ng point values at puwedeng gumawa ng custom quests.
Ang collaboration capabilities tulad ng pag-link ng pare-parehong support tickets, delivery ng situational solution, at iba pang mas komplikadong ticketing systems ay magaganda ring features.
Paano ito naiba sa Zendesk?
Dagdag sa gamification feature, isa pang pakinabang ng Freshdesk na lamang sa Zendesk ay ang dali ng paggamit nito – di lang para sa support team pero para sa customers na rin ninyo.
Salamat sa integration nila sa Enterprise Bot, ang Artificial Intelligence-powered na email responses na nakukuha ng customers ninyo ay magmumukhang natural at spontaneous na parang pinadala ito ng tunay na tao. Ang chatting experience ay intuitive rin; para pa nga itong Whatsapp o kahalintulad na messaging app. Medyo pinapahirap ng Zendesk ang mga prosesong ito dahil sa kanilang robotic na emails at paglalagay ng customers sa queue kung saan kailangan pa nilang mag-fill out ng form bago pa ma-assign ang ticket nila.
Mas mura rin ang Freshdesk lalo na sa upper tier nila – ang Enterprise plan ay $79/agent/buwan habang sa Zendesk ay $99/user/buwan.
Help Scout
Ginawa ang Help Scout para magmukhang isang personal na email inbox – walang tickets, cases, o anumang tututukan katulad ng ibang support channels. Kung hanap ninyo’y simpleng gamiting tool na di complex ang mahirap ma-master na dashboard, Help Scout ang pinakamahusay ninyong option. Ayon sa users, intuitive ito at madaling ma-navigate, pero baka naman masyadong simple ito kung malaki ang support team ninyo.
Makaka-set up ang users ng maraming mailbox para sa bawat shared email address para makapag-collaborate ang iba’t ibang departments o ma-manage ang iba-ibang brands gamit ang iisang account. Tailored ito para sa marketing at customer support agencies na humahawak ng maraming accounts nang sabay-sabay.
Ang isang bukod-tanging feature ng Help Scout ay ang Help Scout Beacon na tutulong sa users na makuha ang kailangan nila nang di na umaalis pa sa page na kasalukuyang tinitingnan nila sa inyong website. Simpleng search bar lang ito na dini-display sa bawat page ng website, na nagagamit ng visitors para maghanap sa knowledge base nang di na pinupuntahan pa ang “help” page.
Paano ito naiba sa Zendesk?
Ang una at malaking pinagkaibang mapapansin ninyo ay mas madali at mabilis i-set up ang Help Scout. Ilang minuto lang at tatakbo na ito para masimulan na ninyo ang multi-channel communication sa inyong users.
Kung gusto ninyong lumipat mula Zendesk papuntang Help Scout, gamitin ang Zendesk import tool nila para ma-migrate lahat ng customer profiles, ticket history, at Help Center articles ninyo sa Help Scout. Automatic na magagawa ito lahat sa ilang saglit lang, nang di na kailangan ng tulong ng inyong IT desk.
Tulad ng ibang kompetisyon ng Zendesk sa listahan, mas mura rin ang Help Scout at may offer na dalawang plans: Standard ($20/agent/buwan) at Plus ($35/agent/buwan).
Zoho Desk
Isa sa pinaka-interesanteng feature ng Zoho Desk ay ang malaking bilang ng kanilang customization options na makukuha ninyo sa anumang pricing plan nila. Puwede ninyong ayus-ayusin ang top menu, mag-rename ng components, at mag-set up ng individual views. Sa ganitong paraan, makagagawa kayo ng 100% na personalized experience na madali pang ma-navigate.
Ang isang aspekto lang na di gusto ng users sa Zoho Desk ay ang luma nang interface nito. Medyo hindi humahabol sa larangang ito ang Zoho Desk sa kompetisyon – text pa rin ang nasa interface at hindi madaling ma-master ito kung di kayo tech-savvy. Pero tulad ng ibang help desk platforms, may color-coding naman sila para magamit sa pag-prioritize ng tickets, na nakatutulong sa navigation.
Proud ang Zoho sa kanilang workflow designer na tinatawag na Zoho Blueprint – isang visual na tool na tutulong sa paggawa ng workflows sa pag-drag-and-drop ng objects at connectors. Bukod sa Blueprint, may access din kayo sa maraming pre-built na automations na kapaki-pakinabang.
May offer din ang Zoho Desk na social support integration kaya puwedeng magtanong ang clients at mag-submit ng support requests gamit ang major social media platforms tulad ng Facebook at Twitter.
Paano ito naiba sa Zendesk?
Isang pangunahing dahilan kung bakit gugustuhin ninyo ang Zoho Desk ay dahil meron na silang two-way integration sa Zoho CRM. Kung tinatangkilik na ninyo ang ecosystem na ito, Zoho Desk dapat ang piliin ninyo.
Kung iba-iba rin ang serbisyo ninyo o marami kayong hawak na brands, kakailanganin ninyo ng tulong ng isang help desk para patakbuhin lahat ito. Puwede kayong magdagdag ng ilang departments sa Zoho Desk at i-customize ang bawat experience ng department na may specialized na customer support team, self-service portals, SLAs, etc.
Ang Zoho Desk AI Assistant na tinatawag na Zia ay puwedeng makipag-usap sa mga kliyente at maiintindihan nito ang kanilang context at emosyon. Makakakuha ang AI ng kinakailangang support articles at tutulong sa customer support operations sa pag-aayos ng mga isyu.
customer service culture
Intercom
Ang Intercom ay isang customer messaging platform na ginagamit para sa marketing, sales, at support. Umaasa ito sa isang bot-based na algorithm, targeted emails, at isang integrated help desk para mag-facilitate ng client connections at gagawing customers ang leads.
Ang tool ay branded bilang Conversational Relationship Platform, na inibang version ng CRM (Customer Relationship Management) na ang highlight ay ang pokus ng Intercom sa komunikasyon.
Ang bongga sa Intercom ay marami itong marketing functionalities na nakatutok talaga sa pag-warm up ng leads ninyo, hindi lang simpleng nag-aayos ng common na tanong ng customers.
Ang tools na ito ay ang sumusunod:
- Mga website widget
- Mga banner
- Mga chat
- Mga post
- Mobile Push
- Mga Product Tour
Kung hanap ninyo’y support tool na may offer na mas marketing ang pokus, magaling na choice ang Intercom. Maraming users ang napapabilib sa kanilang automation capabilities at sa magandang disenyong chat widget.
Isa sa interesanteng features din ang Intercom Series: isang visual na builder kung saan makagagawa kayo ng buong campaign para sa bawat bagong customer ninyo. Maimamapa ninyo ang kabuuang customer journey nila para malaman kung anong uri ng content ang maganda nilang matanggap batay sa partikular na criteria.
Paano ito naiba sa Zendesk?
Ang mga Intercom chatbot at product tour ang dahilan kaya mas angat ito sa Zendesk. Ang platform ay umuunlad mula sa pagiging desk tool patungo sa mas complex na software solution na tutulong sa pag-automate ninyo ng maraming bahagi ng inyong daily routine pagdating sa support at lead generation.
Madali ring gamitin ang Intercom at ang modernong UI design nila ay halos walang katulad. Pero medyo sablay ang Intercom sa aspekto kung saan naman nagwawagi ang halos lahat ng alternatibo sa Zendesk sa listahang ito – may kamahalan ito, at mas masama pa, nakakalito ang kanilang pricing plans. Ang Starter pack Plan para sa maliliit na business ay $79/buwan para sa unang user at $19/buwan para sa bawat karagdagang seat na hanggang 1,000 kataong naaabot/buwan ang kasama. Lahat ng kanilang add-ons ay may dagdag na bayad. Lahat din ng enterprise plans ay customized batay sa bilang ng seats at ilang katao ang naabot.
Re:amaze
Ang Re:amaze ay isang helpdesk at live chat platform na nakatutok sa customer engagement. Gamit ang Re:amaze, makagagawa kayo ng chatbots para sa inyong social media, website, at SMS.
May offer ang Re:amaze na tatlong default na bots para matulungan kayong magsimula: ang Hello Bot, Order Bot, at FAQ Bot. Madali namang maintindihan kung ano ang una at huling klase: ang Hello Bot ay para sa greetings habang ang FAQ Bot ay naghahanap ng pinakamainam na FAQ page para sa bawat customer query. Kasama ng Order Bot na sumasagot sa lahat ng tanong tungkol sa order, ang tatlong default bots na ito ay magagamit sa pagtugon sa maraming customer issues at nababawasan ang response times.
Ang kulang lang sa bots na ito ay customization – lahat sila ay pre-built at ii-install na lang talaga. Wala kayong puwedeng mabago sa bots at hindi rin nito suportado ang ibang wika maliban sa English, na magiging malaking problema para sa mga international na business.
Pero may bots na puwede ninyong ma-tweak. Ang tawag sa kanila’y Custom Workflow Bots na tumutugon sa workflow, na isang predefined trigger na puwede ninyong gawin batay sa mga common na action na ginagawa ng customer. Ito ay isang standard na If-Then flow para ma-visualize at ma-customize ang mga sagot ninyo batay sa mga typical na customer query.
Paano ito naiba sa Zendesk?
Mas mura ang Re:amaze (lalo na sa mas mataas nilang tiers) at kasama na rito ang lahat ng maaari ninyong kailanganin mula sa isang multi-channel na support platform. Ticketing, live chat, helpdesk, automation – kasama ito lahat sa tool at di na hiwa-hiwalay pa ang bayad para sa iba-ibang programs o add-ons.
Mas madali ring ma-set up ang Re:amaze: naka-streamline na kasi ang buong proseso at di ninyo kailangang maging tech-savvy para mapaandar agad ito.
Naka-integrate rin ang Re:amaze sa major e-commerce na platforms – tulad ng Shopify at Woocommerce. Dahil dito, nahaharap na ng customer support agents ang mga order mula mismo sa Re:amaze Dashboard nang hindi na kailangan pang buksan ang e-commerce Dashboard sa parehong screen.
Mas makakatipid sa LiveAgent
Ikumpara ang iba’t ibang kombinasyon ng pinaka-ginagamit na customer support software tools at hanapin ang nararapat sa inyo.
Panghuling salita
Lahat ng Zendesk competitors na ito ay mahusay na alternatibong na-develop na ng ilang taon ng mga skilled dev teams sa industriya.
Pero habang quality tools silang lahat tiyak, may mas babagay pa rin sa inyo kaysa sa iba. Siyasatin ang pricing plans at kakaibang features nilang naiiba sa Zendesk – lahat ay may offer na limitadong libreng trials kaya pakinabangan na ito para matutuhan ang bawat tool.
Pero di kayo talo sa LiveAgent: ito ay mabilis, intuitive, madaling i-set up, at may offer na 24/7 na support.
Thinking about switching?
If LiveAgent sounds like the right alternative for you, check it out!
Naghahanap ng alternatibo para sa Groove?
LiveAgent ay isang abot-kayang at kapaki-pakinabang na solusyon sa pag-suporta ng customer na tinalo ang mga katunggali tulad ng ZenDesk at Freshdesk. Nagbibigay ito ng mga email, live chat, databases, at mga integrasyon sa social network. Ito ang pinakamahusay na pagpipilian para sa kasangkapan sa suporta.
Naghahanap ba kayo ng alternatibo sa TeamSupport?
Dalhin ang customer support sa mas mataas na antas sa LiveAgent. Magamit ang iba't ibang tools tulad ng email, live chat, social media, call center, at knowledge base. Ang pinakamabilis na live chat widget na may 175 features at 40 integrations. Mag-focus sa mga mahahalagang aspeto at magbigay ng magandang support.
Kailangan mo ng alternatibo sa Crisp?
Isinusulong ng social media customer service ang pagkolekta ng messages at banggit ng brand mula sa iba't ibang social networks para sa pakikipag-usap sa audience. Mahalaga rin ang omni-channel help desk system.