Ang ServiceNow ay isang all-encompassing solution na tutulungan ang mga kompanyang itaas ang level ng kanilang software stack nang mapahusay ang resulta ng kanilang business nang across the board.
Kabilang ang tool sa exciting na larangan ng kasalukuyang SaaS landscape: isa itong buong suite ng solutions na sakop halos lahat, mula sa IT support desks hanggang HR administration at customer support. Ang huling segment – customer support at CRM – ay ang dahilan kung bakit super-sikat ang ServiceNow.
Bakit pinipili ng mga tao ang ServiceNow?
Mula pa noong unang labas nito, matagumpay na talaga ang ServiceNow, at may dahilan ito.
Nabansagan pa nga ang kompanya bilang global leader sa larangan ng ITSM (IT Service Management) noong 2020.
Narito ang ilang dahilan.
- Powerful ang platform na ito. Isipin ninyo: kung kayo ang Deloitte, Volkswagen, o anumang malaking enterprise, kailangan ninyo ng iisang complex system para mapangasiwaan ang malamang daan-daang agents, libo-libong empleyado, at milyon-milyong customers. Kaya nakakapayapa kung alam ninyong may powerful at matatag na infrastructure ang makakatulong ninyo.
- Cloud-based ito. Kahit na complex at malawak ang sakop ng mga serbisyo nito, puwedeng ma-deploy ang ServiceNow gamit ang cloud services. Ibig sabihin, di na kailangan ng mamahaling servers, walang hassle sa onsite deployment, at wala nang ibang komplikadong proseso.
- Hindi lang ito basta CRM. Depende sa pangangailangan ninyo, puwede ninyong piliin ang features at services na kukumpleto sa inyong software solution sa kompanya. Baka kailangan ninyo ng magandang IT desk tool at HR system kasama ng CRM tool – maibibigay itong lahat ng ServiceNow, at marami pa sa dagdag na bayad.
Pagkumpara ng 5 alternatibo sa ServiceNow:
- LiveAgent
- Jira Service Desk
- Zendesk
- Zoho Desk
- SysAid
Ang sumusunod na criteria ang ginamit sa pag-evaluate at pagkumpara ng bawat solution:
- Dali ng paggamit: Isa ito sa pinaka-kritikal na aspekto ng anumang business software solution para sa maraming users. Ang pagkakaroon ng tool na madaling aralin ng inyong customer service representatives ay makakatipid sa oras at bawas sa hassle para sa onboarding at daily tasks nila.
- User interface: Dahil araw-araw gagamitin ng team ang tool na ito, gusto ninyong siguraduhin na mainam itong gamitin at maganda pang tingnan. Maraming tools ang sumusubok maging masaya at nakakakuntento pagdating sa customer engagement at IT service management, pero hindi wagi rito ang lahat.
- Kakaibang features at functionalities: Hanap ng iba-ibang teams ang iba-iba ring features. Ang goal dito ay makadiskubre ng kakaibang functionality na ino-offer ng bawat tool dito at malaman kung paano ito tutulong sa pagkamtan ng layunin ninyo. Dahil maraming offer na suites at services ang ServiceNow, iba naman ang offer ng kompetisyon nito pagdating sa kakaibang functionalities.
- Pricing at plans: Oo, magkaiba ang pricing at plans dito. Ang pricing ay ang pangkalahatang sakop ng presyong babayaran para sa mga serbisyo – ano ang kanilang general price range? Ang plans naman ay kung paano naka-structure ang offer ng tools at ano ang kasama sa bawat plan – ano nga ba ang nakukuha kapalit ng binayaran?
- Customer support: Natural, gusto ninyo ng customer service management solution na may offer na maraming paraan sa pakikipag-ugnayan at gusto ninyong aralin ang features at interface nila. Dito sa LiveAgent, naniniwala kaming ang customer support ay sobrang importante kaya sinumang nag-iisip bumili ng ganitong tools ay ito rin ang hahanapin.
Ngayong nailatag na ang lahat, alamin natin kung ano ang mga maibibigay ng kompetisyon ng ServiceNow.
LiveAgent
Ang LiveAgent ay isa sa pinakamahusay na alternatibo sa ServiceNow, lalo na sa larangan ng service desk.
May kumpiyansa kaming nakagawa kami ng magandang halo ng pagiging simple pero matatag namang features na kadalasang hinahanap ng mga modernong business.
Sa LiveAgent, meron kayong social media monitoring, ticketing, live chat, knowledge base support, at kahit built-in na call center software sa pag-manage ng inyong customer service interactions kung saan man ito maganap. Kayang-kaya ng agents ninyong hawakan ang lahat nang ito mula sa iisang intuitive na interface.
Sa color-coded labels at maraming tabs, madaling masundan ng agents ninyo ang lahat ng usapan, at madali at maaga nilang mama-master ang paggamit nito.
Paano ito naiba sa Servicenow?
Una, ang LiveAgent ay isang streamlined na tool na may offer na intuitive at modernong UI para sa customer service management.
Sa LiveAgent, makukuha ninyo ang pinakamahusay (at pinakamabilis) na live chat tools sa market na mailalagay agad sa website ninyo para masimulan ang mabilis at madaling customer service interactions. Meron ding intuitive dashboard at nangunguna sa industriyang ticketing solution na user-friendly sa agents na magbibigay ng mainam na daloy ng customer experience.
May 24/7 na support din ang LiveAgent– sobrang priority ito dahil gusto naming ma-deliver din ito ng mga kliyente namin sa kanilang users. Ipinagmamalaki naming sabihing competitive ang presyo ng aming software sa market ngayon. Kahit ang libreng plan namin ay puno na agad ng features na tiyak tutulong agad sa maliliit at medium-sized na business.
Buod ng LiveAgent:
Kunin ang LiveAgent kung gusto ninyo ng:
- Isang intuitive at madaling gamiting interface;
- Kumpletong service desk solution na may advanced na features;
- Social media monitoring;
- Nangunguna sa market na live chat widget;
- 24/7 na customer support;
- Competitive na presyo.
Kung nagugustuhan na ninyo ang mga nakikita ninyo, subukan na ang aming 14-araw na libreng trial at alamin pa ang pinakamahusay na features ng LiveAgent.
Jira Service Management
Ang Jira Service Management ay isang help desk solution na gumagana bilang ticketing system kung saan makagagawa ng service requests ang users gamit ang software portals, phone calls, o emails. Upgrade ito ng Jira Service Desk – kasama ang lahat ng capabilities na may dagdag pang maraming IT Service Management features.
Ang unang kailangang malaman dito ay pag-aari ito ng Atlassian, na ang ibig sabihin ay puwede ninyong ma-integrate ang solution sa anumang Atlassian software para mas maging powerful at epektibo ito. Halimbawa, pakinabangan ang Confluence, ang collaboration platform ng Atlassian, para mabigyan ang team ninyo ng knowledge base para mabilis makatugon sa papasok na mga request.
Sa UI naman, attractive at komportable naman ang Jira Service Desk solution – binibigay nito ang standard na structure na ang hierarchical menus ay nasa kaliwa ng screen habang karamihan ng espasyo sa kanan ay sakop na ng content.
Pero habang ginagamit ang Jira Service Desk, baka madismaya ang users sa dalawang bagay dito. Una, wala itong social media monitoring kaya di ito magagamit bilang kumpletong customer operations management solution. Ikalawa, kahit na ang Confluence integration ay parang nagsisilbing self-service portal, hindi ito gaanong intuitive o straightforward kumpara sa pagkakaroon ng native na knowledge base para sa inyong end-users. Saka kailangan pang magbayad ng dagdag na subscription para sa ganitong serbisyo.
Paano ito naiba sa ServiceNow?
Tulad ng ServiceNow, may offer ang Jira Service Desk na maraming add-ons sa pag-customize ng tool at pagdagdag ng maraming features.
Ang pinagkaiba ng Jira ay ginagawa lahat ito sa loob ng Atlassian Marketplace kung saan may offer na higit sa 1,000 apps, karamihan ay pawang madali naman ang pag-install. Halimbawa, higit sa 30 apps ang ikokonekta ang Service Desk sa Google service cloud pa lang. Ang ilan dito ay libre habang may dagdag na bayad ang iba.
Isa pang competitive advantage ng Jira ay mas malaki ang ikinamura nito sa ServiceNow. Ang libreng plan nila ay puwede hanggang tatlong agents, at maraming users ang natutuwa sa dami ng kasamang features nito. Puwede ito para sa incident management, workflow automation sa drag-and-drop na system, at solid na reporting.
Buod ng Jira Service Management:
Kunin ang Jira Service Management kung gusto ninyo ng:
- Isang solid at intuitive na UI na pamilyar ang pakiramdam;
- Libo-libong apps at integrations na mapagpipilian;
- Isang solution na maraming add-ons na naka-tailor talaga sa pangangailangan ninyo;
- Mas abot-kayang presyong solution, libre ang hanggang 3 agents.
customer service culture
Zendesk
Ang Zendesk ay isa sa pinaka-popular na software solutions sa catalog ng data-driven customer service. Nasa core nito ang ticketing system na tutulong sa pag-manage ng internal o external na requests mula sa empleyado at customers gamit ang maraming channels. Madali pang mag-convert ng Facebook timeline posts at Twitter tweets bilang tickets na maaayos ng inyong team.
Ang user interface ng Zendesk ay minimalistic at mababa lang ang data density ng screen kaya mas madaling sundan ang mga bagay-bagay. Di na kailangang magpalipat-lipat pa sa windows at tabs para maghanap ng kailangan. Pero kailangang gumugol ng panahon sa paggamit ng app para maging pamilyar kayo sa UI nang husto. Di masyadong mabigat ito sa label tulad ng ibang help desk tools kaya baka nakakapanibago minsan ang paggamit nito sa ibang users.
Ang pagkumpleto ng ticket sa Zendesk iay madali at mabilis: i-click lang ang Submit as Solved to, at mapupunta na kayo sa main ticket view para makita ang susunod na ticket. Mahahanap ninyo ang kakaayos lang na tickets sa Recently Solved Tickets view. Puwede ring makita ang Pending Tickets at Recently Updated Tickets.
Paano ito naiba sa ServiceNow?
Mas tutok ang Zendesk sa pag-aayos ng tickets kaya mas simple lang ang user interface nito. Dahil ang saklaw naman ng ServiceNow ay ibang proseso ng business, kulang ang nade-deliver nito kaysa sa Zendesk para sa traditional customer support at kaakibat na kategorya.
Pero hindi ibig sabihin nito na walang offer ang Zendesk na maraming advanced functionalities. Kung pipiliin ninyo ang isa sa mas mahal na plans, magbibigay ang Zendesk ng self-service portal, pagruta ng usapan batay sa skill ng agent, at integrated community forums.
Ito rin pala ang isang malaking bagay na dehado sa Zendesk – para lubos na mapakinabangan ang platform, kailangang mag-invest kayo sa isa sa mas mahal nilang plans na aabutin hanggang $99 kada buwan bawat agent.
Buod ng Zendesk:
Kunin ang Zendesk kung gusto ninyo ng:
- Matatag na ticket management system na madaling gamitin;
- Maraming advanced na functionalities nang walang dagdag na bayad;
- Advanced na social media ticketing;
- Solid ang integration options.
Zoho Desk
Isa pang pamilyar na pangalan sa industriya ng customer support management ay ang Zoho Desk na isa sa pinakamahusay na alternatibo sa ServiceNow.
Tulad ng ibang help desk solutions, ticket management ang nasa sentro ng Zoho Desk. Ang core ng UI nila ay nakatutok sa listahan ng tickets. Ang ibang tabs sa dashboard ay para sa customers at knowledge base articles.
Pero kahit maraming offer na features ang Zoho Desk, medyo may kakulangan sila sa user experience. Hindi lang ito tungkol sa tila malamlam na text-heavy na UI nila at sa pangkalahatang organisasyon ng data at mga proseso.
Kahit may offer itong solid na workflow management features, wala silang gabay para rito. Puwedeng pumili kayo ng anumang ticket at i-click ang “Apply Macro.” Lalabas dito ang “macros aren’t created yet,” tapos wala namang instruksiyon kung paano gumawa ng macro. Sa ibang tools, may kasamang ilang preset macros na puwedeng ma-edit, matanggal, o gumawa na lang ng panibago.
Paano ito naiba sa ServiceNow?
Mas bagay ang Zoho Desk sa maliliit at mid-sized na mga business dahil sa kanilang competitive na presyo at streamlined na UI. Sobrang customizable din ito – puwedeng ayus-ayusin ang menus, i-rename ang halos lahat ng components, mag-set up ng individual views, at marami pa. Magaling na option ang Zoho Desk kung bihasang user na kayo na gusto ng mas personalized na experience. Para sa di gaanong tech-savvy na users, baka mahirapan silang mag-navigate ng Zoho Desk, at di rin makatutulong ang medyo nakakalitong interface nila.
Isang malaking dahilan kung bakit mapipili ninyo ang Zoho Desk ay ang malawakan nilang integrations sa maraming Zoho apps na tutulung sa inyong makamtan ang business requirements ninyo sa maraming paraan.
Buod ng Zoho Desk:
Kunin ang Zoho Desk kung gusto ninyo ng:
- Powerful na integrations sa ibang produkto ng Zoho;
- Magaling na options sa interface customization;
- Simple pero epektibong ticket management;
- Competitive na presyo at functional na libreng plan.
Tired of searching?
Are you still looking for software that will help you improve your customer service? LiveAgent may be the solution for you!
SysAid
Di tulad ng ibang solutions sa listahan, ang SysAid ay pawang isang asset management software solution lang na di talaga pang-customer service na help desk.
Inaangat ng SysAid ang IT sa help desk management sa kakaibang level dahil sa ticket automation, self-help portals, control capabilities para sa remote na support, at access control. Nagagamit ang asset management functions dahil maaayos nang mabilis ang mga isyu gamit ang lahat ng available na asset records at data.
Ang lahat ng ito ay puwede pang maayos ang presentation at structure. Kahit na ang target ng tool ay mga taong tech-savvy, madaling makita kung bakit tila magulo ang UI. Nahihirapan ang ilang users sa pag-view nito, pagdagdag, at pag-intindi ng assets kumpara sa ibang solutions dahil karamihan sa UI ay tutok lang sa help desk tickets.
Di masyadong kaaya-ayang tingnan ang UI at medyo awkward pa dahil sa text line breaks at weird na stripes sa buttons. Di ito nababawi ng kanilang customization options, at tila kailangan pa ng mas maayos na onboarding system para maging user-friendly ito.
Paano ito naiba sa ServiceNow?
Ang isang madalas mabanggit ng maraming user reviews ay ang kapasidad ng SysAid bilang help desk solution. Nagbibigay ang SysAid ng magaling na asset visualization kaya nagiging mas epektibo ang agents ninyo sa pag-aayos ng mga isyu kahit remote man o manual mula sa side ng admin.
Pinadali rin ang configuration management gamit ang Workflow Designer – isang madaling paraan sa paggawa at pag-configure ng workflows sa buong organisasyon.
Pero di tulad ng ServiceNow, ang pag-deploy ng SysAid sa onsite ay di masyadong technical at di mamahalin.
Buod ng SysAid:
Kunin ang SysAid kung gusto ninyo ng:
- Advanced na asset management at visualization features;
- Simpleng ticket automation na functionality;
- Madaling ma-access ng buong kompanya na knowledge base;
- Cloud o onsite na deployment.
Mas makakatipid sa LiveAgent
Ikumpara ang iba’t ibang kombinasyon ng pinaka-ginagamit na customer support software tools at hanapin ang nararapat sa inyo.
Panghuling salita
Ang complex na navigation panels, mataas na simulang presyo, at ang upfront cost ang ilang problemang dinadaing ng users. Hanap nila’y tools na madaling ma-master na tutulong sa kanilang mag-deliver ng top-notch na serbisyo sa kanilang mga customer base.
Mula sa top providers na ito, makakapili na kayo ng madaling ma-manage na ticketing system, mabilis na live chat, o isang maaasahang paraan sa pag-track ng inyong social media interactions.
Want to see what makes LiveAgent so special?
Come and try all options and functions for yourself.
Frequently Asked Questions
Does ServiceNow have competitors?
Yes, ServiceNow has many competitors and alternatives, especially since it offers a wide range of services. LiveAgent is the top competitor in the customer service department, while SysAid is a worthy opponent for IT asset management.
Can ServiceNow replace SAP?
The two are comparable because SAP offers many ERP (Enterprise Resource Planning) solutions to handle customer service, supply chain management, and other business functions. Depending on the specific suite of products and your business needs, you will likely replace SAP with ServiceNow. However, the SAP market is much more stable and developed, so it might be some time before ServiceNow can replace SAP as a market leader or anything close.
What makes ServiceNow different?
ServiceNow offers many service packages that range from project management and customer support to HR administration and IT help desk solutions. It’s an all-encompassing solution preferred by many big names like Deloitte and Volkswagen due to its cloud-based nature and customization features. All of these come at a price, so most ServiceNow users are enterprises rather than small businesses.
Is Zendesk similar to ServiceNow?
Yes, in terms of the help desk service they offer. The tool also belongs to a group of more expensive customer support tools to get the best features. The UI, starting price, and the organizations they target all differ.
LiveAgent | Call center software sa inyong help desk
Ang pagkakaroon ng call center at IVR sa help desk software ng kompanya ay magbibigay ng maraming benepisyo sa customers at business. Makakatanggap ng personalized assistance ang mga customer, samantalang mapapataas nito ang efficiency at customer satisfaction ng kompanya. Ang IVR ay makakatulong sa pagpaprioritize ng mga tawag at pagtitipid ng oras ng customer support agents.
Ang Top 4 Customer Experience Trends Noong 2023
Pagbutihin ang customer support sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga core strengths, pagpapalakas ng transparency, at epektibong komunikasyon para sa tagumpay sa customer experience.
Maraming paraan na magbebenepisyo ang service software, tulad ng pagpapahusay ng communication at pag-integrate sa ibang software. Ang automation at AI ay mga bagong features na nagdudulot ng maraming benepisyo. Ang mga service platforms ay nakakapagbigay rin ng mahahalagang insights sa customer behavior at agent performance. Mahalaga ang service software sa pagpapadali at pagpapahusay ng mga proseso sa customer service at agent management.