Ano ang sales automation?
Ang sales automation ay gumagamit ng isang system kung saan nababawasan ang paulit-ulit na sales tasks/processes. Kaya ang team ninyo ay magkakaroon ng mas maraming oras para mag-focus sa pag-close ng mas maraming sales.
Ano ang sales tasks/processes na puwede ninyong ma-automate?
- Follow-up message sa email
- Sales onboarding
- Mga reminder sa payment/invoice
Ano ang mga benepisyo ng sales automation?
Ang mga benepisyo ng sales automation ay:
Mas pinahusay na productivity
Para magkaroon ng matagumpay na business, kailangan ninyong gamitin ang oras ninyo nang epektibo at mahusay. Lalabas ito sa mga pang-araw-araw na gawain at workflows ng mga empleyado. Ang sales automation ay nagbibigay ng pagkakataong makatapos nang mas marami sa buong araw dahil ang mga paulit-ulit na gawain ay automated na.
Kontroladong workflow
Ang mga kontroladong workflow ay nagbibigay ng kakayahan sa business ninyong makagawa ng isang matagumpay na lead nurturing process. Dagdag pa rito, sinisiguro ng mga ito na ang bawat lead prospect/customer ay dadaan sa tamang sales funnel process. Ang pag-automate ng ilang workflow ay nakapagbibigay ng quality sales experience sa produkto/serbisyo para sa bawat prospect, na makatutulong sa business ninyong makamit ang itinalagang KPIs.
Brand consistency
Ang mga paulit-ulit na sales tasks tulad ng follow-up emails ay nakakapagod. Ang madalas mangyari ay, sa paglaon, hindi na natin maipadala ang eksaktong quality message. Alam naman nating ang medyo monotonous na message ay puwedeng makaapekto sa business sa pagtagal. Pero dapat makapagbigay kayo ng pare-parehong mensahe tungkol sa brand image ninyo. Kung magpapakita kayo ng ibang brand image sa bawat kliyente, puwede itong makalito, at maaapektuhan ang brand ninyo. Kaya ang sales email automation ay puwedeng maging napakahusay na paraan para ipakita ang brand ninyo nang walang pagbabago, para makilala at maalala kayo ng mga customer mula sa anggulo na gustong iparating ng brand ninyo.
Mahusay na paggamit ng resources
Ang sales automation support ay nagpapataas ng productivity nang hindi nangangailangan ng dagdag na empleyado. Kaya mahusay ninyong magagamit ang mga extra resources para mapabuti pa ang produkto/serbsiyo ninyo. Sa kasamaang palad, maraming business ang hindi gumagamit ng resources nang mahusay, lalo na kung maayos naman ang kanilang estado. Tandaan, ang business ninyo ay puwedeng magamit ang resources na iyon sa mas dehadong mga panahon, o puwede ninyong magamit para mapabuti pa ang brand ninyo.
Madaling onboarding process
Ang mga sales automated process ay epektibong makapagpabilis sa mga bagong recruit. Ang mga automated at kontroladong workflow/task, tulad ng pre-written email/message, ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga bagong empleyado na mas maunawaan ang quality ng brand identity ninyo.
Nadagdagan ang revenue
Bilang huling benepisyo, ang streamlined workflows at automated na mga gawain ay katumbas ng mas mataas na revenue dahil ang team ninyo ay mas mahusay at meron pa kayong automated sales funnel.
Bonus tip
Ang automation ay isang napakagandang paraan para mapahusay ang pang-araw-araw na workflow at productivity ng sales department. Pero ang labis na automation ay puwedeng maging negatibo ang kalabasan. Kung naisip ninyong mag-automate ng karamihan sa mga gawain, ang mga mensahe ay puwedeng maging robotic at impersonal, na madaling mapapansin ng mga customer. Mababawasan ang conversion rates at makaaapekto pa sa reputasyon ng brand ninyo. Pero kung magaling ninyong mailalagay ang automation sa sales funnel process ninyo, puwede ninyong maitaas ang business sa susunod na level. Ang susi ay ang masiguro ang pagdagdag ng maliliit na personal touches tulad ng pangalan ng customer.
Paano ang pag-automate ng LiveAgent sa ilang sales processes ninyo?
Mga email template
Ang email templates ay isang feature sa loob ng LiveAgent na nagbibigay ng kakayahang gumawa ng universal emails na angkop sa lahat ng contacts ninyo, tulad ng nakalimutang password o sales follow-up. Dagdag pa, hahayaan kayo ng LiveAgent na i-automate ang mga email batay sa rules ninyo at gawing mas personalized ang mga ito batay sa impormasyon sa CRM. Isa pa, madaling mababago ng mga agent ang emails dahil sa built-in WYSIWYG editor, o puwede ninyong i-format ang mga email sa HTML kung gusto ninyo.
Kailangan ba ninyo ng tulong sa paggawa ng email template? Basahin ang aming mga libreng ideya sa paggawa ng sales email template.
Rules
Ang rules ay kayang mag-automate ng workflow gamit ang SLA, oras, at action rules. Ibinibigay ng LiveAgent ang feature na ito para makapag-focus ang mga agent ninyo sa mas mahalagang gawain sa buong araw.
Halimbawa ng sales automation
Ang rules ay nagbibigay ng pagkakataong i-automate ang email templates na ginawa ninyo. Halimbawa, kung gusto ninyong magpadala ng follow-up email sa partikular na panahon, magtalaga kayo ng time rule sa LiveAgent.
CRM
Ang ibig sabihin ng CRM ay customer relationship management. Ang LiveAgent ay nagbibigay ng CRM integrations para sa mas mahusay na customer service at sales communication. Dahil lahat ng customer data ay nasa iisang lugar, madaling makipag-ugnayan at mag-automate ng mga paulit-ulit na proseso. Halimbawa, kapag gagawa ng sales follow-up email templates, madali ninyong magagawang mas personalized ang mga message sa pamamagitan ng pagdagdag ng pangalan ng customer.
Di pa ba ninyo kilala ang LiveAgent?
Ang LiveAgent ay isang help desk solution na maraming features at kayang mag-track, mag-automate, at mag-report. Ang system ang nangangalap ng lahat ng paparating na komunikasyon papunta sa iisang interface, para hindi na kakailanganin ng mga empleyadong magpalipat-lipat ng media platforms para sagutin ang lahat ng inquiries. Nililipat nito ang customer inquiries mula sa media tulad ng email, Instagram, Facebook, Viber, forum, at iba pa. Dagdag pa rito, nagbibigay ito ng customer service automation features, tulad ng automated ticket distribution, IVR, o automatic callback.
Ready to try LiveAgent?
Try out LiveAgent for free and take your customer service and sales to the next level.
Ang Customer Revolution sa Customer Service: David Bequette sa TEDxYerevan
Videos - Ang Customer Revolution Sa Customer Service David Bequette Sa Tedxyerevan
LiveAgent Webinar 1: Introduction at General Overview
Videos - Liveagent Webinar 1 Introduction General Overview