Libreng trial

Language switcher

–Hidden comment

Use attributes in format region_from and region_to= to change the languages showing in language switcher.
Available regions are:
europe_from europe_to
asia_from asia_to
mideast_from mideast_to
america_from america_to

Example:
europe_from=0 europe_to=22 will put all languages (ordered in language switcher settings) from 1 to 21 to Europe region:
asia_from=22 asia_to=25 will put all languages from 23 to 24 (so only 2) into Asia region.

  • Academy
  • In-house vs outsourced na customer service

In-house vs outsourced na customer service

Pagdating sa pag-operate ng customer support team – oras ang mahalaga. Kahit dadalawa lang ang tao sa inyong customer service department – kailangan pa rin itong ma-manage. Masyadong importante ang ugnayan ng inyong kompanya sa mga customer para mag-aksaya ng oras.

Gayunman, paano malalaman kung ilang customer support representatives ang kailangan ng kompanya? Kung may 25-30 na tao sa buong team, madali lang ang solusyon – kung nakikita ninyong overloaded na ang mga agent, mag-hire ng mga bago. Pero paano kung mas malaki pa ang inyong team? Sa ganitong kaso, may ilang batayan na dapat isaisip habang inaalam ang bilang ng inyong mga agent. Ito ay ang bilang ng tickets buwan-buwan, ilan ang inyong customers, at ang inyong incident rate. Tandaan na ang tatlong ito at pinakamahalaga, pero hindi lang ito ang metrics na kailangan. Kung mas piling-pili ang inyong kalkulasyon, mas magiging epektibo ang inyong customer support team.

In-house customer support team: Bakit at kailan ninyo ito kailangan

Ang in-house customer support team ay talagang magandang option para ikonsidera kapag nagse-set up kayo ng inyong customer service department. Ibig sabihin ng “in-house” ay magtatrabaho din sa building ninyo ang mga support agent kaya mas may kontrol kayo sa kanilang performance. Pero ano nga ba ang kagandahan sa pagkakaroon ng internal teams? Tingnan natin nang madalian ang kanilang pros at cons.

In-house pros at cons

Pros:

  • Mahusay na product knowledge. Kadalasang nasa gitna ng product development ang in-house teams, kung kaya ang mga agent ay pamilyar sa lahat ng proseso nito.
  • Mas mabilis na feedback. Dahil sa mas maginhawang lokasyon ng inyong team, agad mong matatanggap ang mga customer feedback.
  • Mas may kontrol kayo sa proseso ng communication ng customers at support agents.

Cons:

  • Ang presyo. May kamahalan ang pagkakaroon ng in-house team, dahil kailangan magbayad ng renta para sa opisina, at marami pang overhead, kasama pa ang taxes.
  • Para makapagbigay ng 24/7 na suporta, kailangan ninyong magkaroon ng mas maraming agent, at ang iba sa kanila ay kailangang magtrabaho sa night shifts (na magbabalik sa atin sa usapin ng pagkakasulit nito sa gastos).

Ang in-house customer support team ay isa ring magandang ideya kung kayo ay maglulunsad ng kakaibang produkto na mangangailangan ng dagdag na pagtutok.

Outsource customer support team: Ang inyong pangalawang option na ikokonsidera

Kahit na mukhang maganda at maginhawa ang magkaroon ng in-house customer support team, parami na nang parami ang mga kompanyang nagpapraktis ng outsourcing ngayon. Sa IT industry, ang ibig sabihin ng “outsourcing” ay ang pag-delegate in ibang gawain sa isang contractor na taga-labas ng kompanya (puwedeng sa ibang kompanya o isang freelancer) na kadalasang mas sulit sa presyo at mas may karanasan na sa ganoong gawain. Sa ganitong paraan, nagagawa na ang trabaho ninyo at nalilibre pa ang ilang oras ninyo para sa mga importanteng bagay. Hindi pa nabanggit na puwede kayong makatipid sa maraming resources sa outsourcing, dahil hinahayaan kayo nitong mag-hire ng mga espesyalista mula sa buong mundo.

Kaya paano magiging bagay ang outsourced solution sa inyong business? Nakadepende lang ito sa uri ng produkto o serbisyo na ma-offer ninyo. Iyan ang kadalasang kaso ng mga kompanya, na gumagawa ng consumer products at mag-outsource ng customer support team. Gayunman, maraming SaaS, Software, Fintech, Gaming, at iba pang IT companies ang pinipili ang outsourcing. Bakit? Tingnang maigi ang mga pros at cons ng outsourcing ng customer support team.

Outsourcing pros at cons

Outsourcing pros:

  • Ito ay sulit sa presyo. Sa kaso ng outsourcing, puwede kayong mamili sa daan-daang option mula sa buong mundo, kaya makapipili kayo ng pinakabagay na solution.
  • Mas mabilis na trabaho. Kung pipiliin ang in-house service team, kakailanganin ninyong harapin ang maraming bureaucracy at onboarding process. Makakaiwas kayo sa ganito sa outsourced customer service at ididiretso na agad sa punto.
  • Mas madaling palitan. Minsan, may mga pangyayari na kailangang paikliin o palawakin ang inyong team. Sa outsourcing, hindi kayo mawawalan ng resources sa mga ganitong desisyon dahil madalas madaling palitan ang lahat ng team member.

Outsourcing cons:

  • Puwedeng maging mahirap ang komunikasyon. Dahil ang inyong outsourced customer service team ay nasa sanmango sulok ng mundo, puwedeng magkaron ng ilang hadlang sa wika at kultura.
  • Panganib sa seguridad. Kapag ang tao-sa-taong komunikasyon ay napalitan ng online na komunikasyon, puwedeng magkaroon ng data security breach. Siyempre, ito ay lubos na nakadepende sa inyong contractor, kaya mag-ingat sa paghahanap ng outsourcing company. Dapat mag-invest sa kanilang cybersecurity ang mga provider at masagawa ng mga audit kada taon.

Panghuling salita

Ang parehong options ay may in-house at outsourcing pros at cons. Sa halip na ikumpara sila sa isa’t isa, mas mahalagang mag-focus sa pangangailangan ng inyong projects, budget, at uri ng produkto. Sa huli, ito pa rin ang mga bagay na tutukoy sa mapipili ninyong customer support representative team. 

Diskubrehin ninyo

Mahalaga ang kaalaman kung napapraktis ito. Kaya i-test na ang lahat ng natututuhan ninyo sa aming academy sa loob mismo ng LiveAgent. Ang LiveAgent ay isang Customer Service Software na tutulungan ang mga agent ninyong maging mas mahusay at susuportahan nang mas mainam at mabuti ang inyong mga customer.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang LiveAgent – Features.

Try out LiveAgent for FREE

Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 14-day free trial right away!

FREE TRIAL
{ “@context”: “https://schema.org”, “@type”: “FAQPage”, “mainEntity”: [{ “@type”: “Question”, “name”: “Ano ang in-house customer service?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Ibig sabihin ng in-house ay magtatrabaho din sa building ninyo ang mga support agent kaya mas may kontrol kayo sa kanilang performance.” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Bakit magandang ikonsidera ang in-house customer support team?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Ang pros ng in-house customer support team ay pagkakaroon ng mahusay na kaalaman sa produkto, mas mabilis ang feedback, at mas kontrolado ang buong proseso ng komunikasyon.” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Nararapat ba ang isang outsourced customer support team para sa kompanya ninyo?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Depende ito sa uri ng produkto o serbisyong ino-offer ninyo. Ang kaso lagi dito ay, ang mga kompanyang gumagawa ng consumer products ang laging gumagamit ng outsourced na customer support team.” } }] }
Balik sa academy Gumawa ng LIBRENG account

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.