Libreng trial

Language switcher

–Hidden comment

Use attributes in format region_from and region_to= to change the languages showing in language switcher.
Available regions are:
europe_from europe_to
asia_from asia_to
mideast_from mideast_to
america_from america_to

Example:
europe_from=0 europe_to=22 will put all languages (ordered in language switcher settings) from 1 to 21 to Europe region:
asia_from=22 asia_to=25 will put all languages from 23 to 24 (so only 2) into Asia region.

  • Academy
  • Mga benepisyo ng live chat software

Mga benepisyo ng live chat software

Sa kasalukuyan, ang mga customer ay mulat sa kung ano ang maaasahan nila sa customer service.

  • Mapupuntahan ng mga customer ang lahat ng support channels para makakuha ng mga sagot sa kanilang mga tanong nang madali.
  • Hindi nila inaasahang paghihintayin sila sa mahabang pila sa tawag.
  • Gusto nila ng mga detalyadong sagot at gusto nila itong makuha agad.

Gayunman, inaasahan nila mula sa brand ang hindi pabago-bagong terms of support!

Ngayon, kaya ba ng brand na mag-offer ng hindi pabago-bago at pulidong customer service?

Oo, kaya nakikita naming gumagamit na ang mga business owners ng tools tulad ng Live Chat software – LiveAgent nang mapadali ang kanilang support process.

Napansin siguro ninyo ang isang maliit na chat icon sa kanang kanto sa ibaba ng website. Gamit ang software na ito bilang service tool, kaya ng inyong business na:

  • Magbigay ng real-time na support
  • Mag-monitor ng ginagawa ng visitor
  • Mag-track ng customer feedback
  • Magkalkula ng customer satisfaction rate

Bukod sa mga benepisyo ng live chat, marami pang magagawa ang organisasyon ninyo. Sa madaling salita, ang live chat tool ay naging maginhawang option hindi lang para sa mga customer kundi para rin sa may-ari ng website.

Tignan natin ang ilan sa pangunahing benepisyo ng live chat na puwedeng makamtan ng may-ari ng website sa paggamit ng live chat software.

live-chat-software-LiveAgent

Mga pangunahing benepisyo ng live chat

Walang duda, mabibigyan ng kakayahan ng live chat ang mga brand na magbigay ng mas mabilis na resolusyon sa mga customer query. Gayunman, ang paggamit ng software na ito ay hindi limitado sa agarang suporta. Kung gagamitin ito, maraming mga pakinabang na makukuha ang brands.

#1: Mababawasan ang gastusin sa support

Ayon sa pag-aaral ng Forrester, ang customer service na binibigay ng live chat ay mas mura ng 17-30% kaysa sa tawag sa telepono. Ito’y dahil hindi kayo nabibigyan ng telepono ng kakayahang harapin ang maraming customer nang sabay-sabay. Samantalang ang pagharap sa maraming customer gamit ang live chat ay mas madali. Natutulungan nito ang mga kompanyang magtipid ng oras at resources.

Takeaway: Iilang mga live chat operator ang nakahaharap sa mas maraming customer kumpara sa isang malaking team ng mga phone support employee. Ang resulta: mas mababa ang gastos sa suporta.

#2: Nadagdagan ang sales

Gusto ninyo ng dagdag na benta? Kunin na ang mga benepisyo ng live chat!

Ayon sa pag-aaral ng American Marketing Association, ang paggamit ng live chat ay makadaragdag ng conversions ng 20% at ang karaniwang ROI rate (mula sa paid live chat tool para sa sales team) ay tumatawid sa 300%. Bukod dito, binanggit din ng pag-aaral na ang mga taong gumagamit ng tool ay tatlong beses ang pagkakataong puwedeng bumili kumpara sa hindi gumagamit nito.

Takeaway: Ang live chat ay nakatutulong bumuo ng leads na kalaunang nagiging sales, at mahusay na proseso ito. Ang inyong support team ay nakakakuha ng mas malaking espasyo para ang bisita ay maging tapat na customer.

#3: Napaghuhusay ang customer loyalty

Alam ba ninyong makadaragdag ang live chat sa satisfaction rate nang hanggang 73% kumpara sa email (61%) at phone support (44%). Ito ay napatunayan ng pag-aaral ng eDigital Customer Service Benchmark.

Sa pangkalahatan, ang live chat ang pinakamagaling na sales conversion hack na meron tayo sa kasalukuyan. Mula sa customer acquisition hanggang sa conversion, natutulungan ng tool ang isang brand na hikayatin ang mga bisita nang real-time at ayusin nang mas mabilis ang kanilang mga tanong.

Tila mas may kumpiyansa ang mga customer kapag nakahanap sila ng live chat software solution sa isang website. At iyan ay dahil alam nilang ang kanilang mga query ay maaayos sa maikling oras!

Takeaway: Nabibigyan kayo ng live chat ng kakayahang magbigay ng agarang resolusyon at nagtatagumpay sa pagbibigay ng parehong kasiguruhan sa customer. Ito ang perpektong recipe para mapahusay ang customer service at loyalty.

#4: Diskubrehin ang mga problemang kinakaharap ng mga customer

Dati ay may panahong kailangang maghintay ang mga customer habang naka-on hold ang kanilang tawag. Pero dahil sa evolution ng teknolohiya, nagbago din ang kanilang level ng pasensiya. Ang hindi nila pagkuha ng mga agarang sagot ay ang pinakamalaking problema ng mga customer. Gayunman, hinarap ng live chat ang isyung ito at ito’y nagtagumpay.

Bukod dito, ang pagdagdag ng personal touch sa pag-uusap ay lubhang mas simple, dahil namo-monitor ng inyong mga operator ang mga visitor activity sa real-time.

Nabibigyan sila ng ekstrang panahon sa:

  • mga posibleng problemang puwede nilang harapin sa isang page
  • kung ano ang pumipigil sa kanilang mag-browse sa isang page nang mas matagal
  • ano ang aasahan sakaling magsimula ng pag-uusap sa chat ang bisita

Para mas maintindihan ang iba-ibang mga customer pain-point, ang mga operator ay makaka-access nang madali sa mga chat transcript at malalaman ang di dapat gawin kapag binibigyan ng suporta ang parehong customer sa susunod.

Takeaway: Diskubrehin ang mga problema ng mga customer nang mas mabilis, ayusin ang serbisyo ayon dito, at panatilihing masaya ang mga customer. 

#5: Maging angat sa kompetisyon

Puwede ninyong tanungin, “Paano nakatutulong ang live chat software sa pagbibigay ng competitive advantage sa isang business?”

Ayon sa Telus International, may malalaking kompanyang di pa rin gumagamit ng live chat tool sa kanilang website. Ibig sabihin, nawawalan sila ng pagkakataong makuha ang mga benepisyong ino-offer ng tool. Gayunman, isa pang pag-aaral ang nagsabing 9% ng mga website ay nakitang gumagamit ng mga live chat service para mag-offer ng real-time na suporta sa kanilang mga customer.

Sa stats na ito makikita na maaaring makakuha ng competitive edge sa malalaking mga brand sa markate ang business ninyo kung di pa sila naglagay ng live chat sa kanilang website. Ito ay mahusay na paraan para magawa ninyong approachable at agaran ang inyong suporta. Ang inyong customer service team ay makakakuha rin ng pagkakataong maging mas aktibo, bagay na inaasahan sa inyo ng customers ngayon.

Takeaway: Binibigyan ng kakayahan ng live chat ang inyong business para mangibabaw sa inyong kompetisyon at maabot ang mas maraming tao nang mas mabilis kumpara sa iba.

https://www.youtube.com/watch?v=c5FMaNBxmAk&t

Iba pang pakinabang

Bukod dito, makakakuha din ang inyong business ng pakinabang tulad nito:

  • Mapahusay ang market reach
  • Maging proactive
  • Ma-access ang mga report para maunawaan ninyo kung saan nagkukulang ang inyong business bilang isang service provider
  • Ma-monitor ang mga customer feedback para mapabuti ninyo ang inyong mga serbisyo

Gayunman, para maabot ang mga live chat benefit na ito, mahalagang malaman kung anong tips at tricks ang magagawa ninyo. Makatutulong ito sa inyong business na madagdagan ang customer satisfaction rate nang walang kahirap-hirap. Pasadahan ang listahan ng tips at tricks na makatutulong sa inyong brand na mapanatiling masaya lagi ang mga customer.

Kapaki-pakinabang na live chat tips at tricks

Ang laging pagsubaybay sa inyong live chat at kung paano kumikilos ang mga bisita ng inyong website ay isang bahagi lang ng trabaho. Para maranasan ang positibong epekto ng paggamit ng live chat sa inyong website, mahalagang ikonsidera ang kadahilanan na nagbibigay ng holistic view sa inyong proseso ng suporta. Ang tawag ng iba dito ay mga mahalagang kadahilanan, at sa iba naman, ito ay tips at tricks.

Lagyan ng human touch

Ipakilala ninyo ang inyong pangalan sa mga customer. Kaysa magbigay kayo ng imahe ng isang electronic na interaksiyon, mararamdaman ng inyong customer ang human touch dahil sa pagkakaalam nilang may totoong taong nakaupo sa kabilang linya para sumagot sa kanilang mga tanong. 

Gumamit ng typing indicators

Ang typing indicator ay magbibigay sa inyong mga customer ng ideya na ang inyong mga operator ay aktibong sumasali sa pag-uusap. 

Iwasan ang paggamit ng ellipses

Iwasang gamitin ang tatlong maliliit na tuldok habang may live chat conversation dahil magmumukhang di-tuwirang makipag-usap sa customer ang operator.

HUWAG gagamit ng all-caps

Huwag isulat ang kompletong pangungusap na naka-capital letter para maiwasang iparamdam sa inyong customer na sumisigaw ang mga operator  sa kanila. 

Gumamit ng Emojis

Puwede ninyong malayang gamitin ang mga emoji para magbigay ng human touch sa inyong pag-uusap at makatulong na ipakita ng inyong mga operator ang kanilang friendly side.

Gumamit ng canned responses

Ipatupad ang paggamit ng canned responses para makabawas sa response time at hindi maging pabago-bago ang pag-asikaso ng mga operator.

Laging maging proactive

Bago pa kayo lapitan ng mga customer para sa kanilang problema, matutong unang lumapit sa kanila. Puwede ninyo silang padalhan ng mga personal na proactive message sa live chat hindi lamang para iparating sa kanila na mahalaga sila kundi napapahusay din nito ang productivity ng inyong operator.

Iruta ang mga chat sa tamang department

Natutulungan ng live chat na ipadala ang customer query sa tamang department. Iruta lang ito sa operators na nasa tamang department na iyon.

Live-chat-benefits-Route-chats-sa-tamang-departments-LiveAgent
Mga department

Paganahin ang paggamit ng file transfer

Maliban sa paggamit ng emojis o pag-iwas sa all-caps, isa pang paraan para ipakita sa customer na may care kayo ay ang paggamit ng file transfer. Sa pagpapadala sa kanila ng kaukulang files, makukuha nila ang vibes na aktibong nakikinig ang operators ninyo sa usapan nila at pinapadalhan sila ng tamang impormasyon agad.

Matutong gumamit ng mga post-chat survey form para sa inyong benepisyo

Imbes na magpadala ng isang hiwalay na NPS form sa customer pagkatapos ng partikular na panahon, puwede ninyong gamitin ang post-chat form para makakuha ng feedback sa inyong mga serbisyo. Malalaman ninyo dito kung ano ang estado ng inyong serbisyo at paano ninyo ito mapapabuti pa.

Maglagay ng step-by-step assistance na may co-browsing

Gamitin ang co-browsing kung wala kayong mga self-help article na magiging gabay ng inyong customer. Gamit ang hands-on approach sa chat session, mabibigyan ng operator ninyo ng malalimang karanasan sa suporta ang inyong mga customer.

Gamitin ang chat history para malaman ang mga customer pain-point

Merong dahilan kung bakit ang ibang customer ay hindi nakakalapit sa inyong brand pagkatapos makakuha ng suporta sa unang pagkakataon. Panahon nang malaman kung bakit nangyari ito. Gamitin ang chat history para pag-aralan kung ano ang naging mali sa mga chat session at paano ito maiiwasang mangyari sa mga pag-uusap sa hinaharap.

Kunin ang mga lead at alagaan ang mga ito gamit ang malakas na CRM integration

Ang pagdagdag ng live chat  ay talagang nakatutulong sa inyong business na makakuha ng mas maraming leads. Gayunman, hindi lang ito ang tanging focus ninyo. Mag-integrate ng inyong live chat sa malakas na CRM platform gaya ng Salesforce, MSDynamics, o SugarCRM para ma-shortlist ninyo ang qualified leads at maalagaan ang mga ito para maging purchasing buyers.

Hayaang mapabuti ng mga internal chat session ang response time

Bigyan ng kakayahan ang inyong mga operator na asikasuhin ang mga mahirap na chat session nang mas maayos gamit ang mga “whisper” message.

Maging bukas para sa inyong mga customer, maski kailan, maski saan

Walang duda, inaasahan kayo ng mga customers na maging maagap. Pero posible ba itong mangyari sa lahat ng oras? Oo, posible. Kapag may live chat  mobile app, nakakakuha ng kalayaan ang inyong mga operator na tumugon sa mga customer query kahit ano pa ito. Tandaan, ang agarang suporta ang susi para maging tapat sa inyo ang mga customer.

Mga live chat benefit: pangkalahatang paglago ng inyong business

Maraming puwedeng alamin para maunawaan ang gamit ng live chat software. Gayunman, ang mga benepisyo ng live chat ay maaabot lamang kung alam ninyo ang mga diskarteng ipatutupad habang ginagamit ang software. Nais ipahatid ng article ang sumusunod:  

  • ang mga benepisyong puwedeng makamit ng business sa paggamit ng tool
  • ang tips at tricks na magpapabuti sa paggamit nito  

Diskubrehin ninyo

I-test ang kaalaman ninyo dito mismo sa loob ng LiveAgent.

https://www.youtube.com/watch?v=hESlAVnF8G4

Try out LiveAgent for FREE

Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 14-day free trial right away!

FREE TRIAL
{ “@context”: “https://schema.org”, “@type”: “FAQPage”, “mainEntity”: [{ “@type”: “Question”, “name”: “Bakit mahalaga ang Live Chat?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Walang duda, mabibigyan ng kakayahan ng live chat ang mga brand na magbigay ng mas mabilis na resolusyon sa mga customer query. Gayunman, ang paggamit ng software na ito ay hindi limitado sa agarang suporta. Kung gagamitin ito, maraming mga pakinabang na makukuha ang business ninyo tulad ng: mapahusay ang market reach, maging proactive, ma-access ang reports para maunawaan kung saan nagkukulang ang business bilang service provider, at mag-monitor ng customer feedback para mapahusay ang serbisyo ninyo.” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Paano mapapababa ang support expenses ng brand ninyo?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Ayon sa Forrester, ang customer service na binibigay ng live chat ay mas mura ng 17-30% kaysa sa tawag sa telepono. Ito’y dahil hindi kayo nabibigyan ng telepono ng kakayahang harapin ang maraming customer nang sabay-sabay. Samantalang ang pagharap sa maraming customer gamit ang live chat ay mas madali. Natutulungan nito ang mga kompanyang magtipid ng oras at resources..” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Gaano kalaki ang pag-boost ng conversion ninyo dahil sa live chat?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Ayon sa pag-aaral ng American Marketing Association, ang paggamit ng live chat ay makadaragdag ng conversions ng 20% at ang karaniwang ROI rate (mula sa paid live chat tool para sa sales team) ay tumatawid sa 300%. Bukod dito, binanggit din ng pag-aaral na ang mga taong gumagamit ng tool ay tatlong beses ang pagkakataong puwedeng bumili kumpara sa hindi gumagamit nito.” } }] }
Balik sa academy Gumawa ng LIBRENG account

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.