Libreng trial

Language switcher

–Hidden comment

Use attributes in format region_from and region_to= to change the languages showing in language switcher.
Available regions are:
europe_from europe_to
asia_from asia_to
mideast_from mideast_to
america_from america_to

Example:
europe_from=0 europe_to=22 will put all languages (ordered in language switcher settings) from 1 to 21 to Europe region:
asia_from=22 asia_to=25 will put all languages from 23 to 24 (so only 2) into Asia region.

  • Academy
  • Ano ang live chat software?

Ano ang live chat software?

Ano ang live chat software?

Ang live chat software ay isang serbisyong nagbibigay ng agarang customer support. Paano? Puwedeng i-click lang ng mga consumer ang live chat button na karaniwang nakalagay sa kanang kanto sa ibaba ng website, at kumuha ng tulong nang real-time. Puwedeng gamitin ng mga business ang chat widget para suportahan ang kasalukuyang customer, magkaroon ng interaksiyon sa mga potensiyal na kliyente, at magsimula ng pag-uusap sa mga bagong website visitor sa proactive na pag-imbitang makipag-chat.

https://www.youtube.com/watch?v=GO4rPDffDew&t

Ang history ng live chat support software

Sa pagsikat ng internet, nagdaan ang mga business sa ilang mahalagang pagbabago para makasunod sa teknolohiya at pagdami ng kahilingan ng consumer. Dahil dito ay kinailangang dumaan sa evolution ang customer service, at lumitaw bilang bagong support channel ang online chat. Kasama nito, nagkaroon ng daan para maabot ng mga consumer ang mga kompanya nang deretso at naiwasan ang abala ng telepono (paghihintay, naputol na tawag, at iba pa).

Ang ilan sa mga naunang live chat software provider ay sumulpot noong kaagahan ng 2000. Nagbibigay ang mga naunang chat provider ng basic one-to-one live chat platform. Gayunman, naging mabagal ang pagpansin sa konseptong ito dahil karaniwan itong nakikita bilang hindi kailangan at hindi sulit na investment. Bukod dito, karamihan ng consumer ay mas sanay pa rin sa paggamit ng telepono para makuha ang mga sagot sa kanilang mga tanong at sa pagresolba sa mga isyu.

Sa paglipas ng taon, ang popularidad ng live chat support software ay tumaas simula nang naging mas sophisticated na ito at may advanced functionality na. Kaya hindi ito nanatiling option na lang dahil karamihan ng mga consumer ay mas bumibili na online ng mga produkto at serbisyo at mas gusto na ng on-the-go na support. Ang resulta, ang market ng pandaigdigang live chat software ay umabot sa $590 milyon noong 2016. Bukod dito, tinatayang maaabot nito ang $997 milyon sa 2023, lumalago ito sa CAGR na 7.5% (Allied Market Research Report).

Anong mga industriya ang madalas gumamit ng live chat software?

  • Retail at e-commerce
  • Travel at hospitality
  • IT at consulting
  • Telecommunications at pharmaceutical
Ano-ang-live-chat-software

Ilang statistics tungkol sa live chat support

  • 44% ng mga online consumer ang nagsabing ang pinakamahalagang feature ng isang website ngayon ay ang may tagasagot sa tanong na tunay na tao habang namimili online. (Forrester Research)
  • 63% ng mga customer ay malamang babalik sa isang website na may offer na live chat. (Forrester Research)
  • 60% ng mga consumer na edad 18 – 34 ang laging gumagamit ng live chat para sa customer service. (Microsoft’s State of Global Customer Service Report)
  • 53% ng mga customer ay gustong gumamit ng online chat bago tawagan ang kompanya para sa suporta. (Harris Research)
  • 63% ng mga millennial ay gustong masagot ang kanilang mga basic customer support question sa chat imbes na sa mga tradisyonal na mga channel. (Software Advice)
  • Ang live chat ang may pinakamataas na level ng pagkakuntento sa lahat ng mga customer service channel sa 73%, kumpara sa 61% para sa email at 44% para sa telepono. (eConsultancy)

Ano ang pangunahing features ng isang live chat software?

Ang ilan sa kinakailangang features ng live chat software ay:

  • Binibigyan ng proactive chat feature ng kakayahan ang mga agent na magsimula ng pag-uusap sa mga bisita ng website at mag-offer ng agarang tulong.
  • Ang real-time traffic monitoring  ay nagbibigay ng mas malalim na kaalaman tungkol sa kaugalian ng visitor. Samakatwid, maiintindihan ninyo ang pinanggagalingan nila at kung paano nila ginagamit ang website.
Overview ng website monitoring-chat
  • Ipinapasa ng chat distribution feature ang mga chat sa libreng operator o awtomatikong niruruta ang customer sa agent na nakausap na nila dati.
  • Binibigyan ng canned responses  ang mga support agent ng kakayahang pabilisin ang response time gamit ang predefined text para sa mga frequently asked question.
  • Nagbibigay ang file transfer feature ng kakayahang magbahagi ng mga file sa pagitan ng mga chat operator at mga visitor ng website.
  • Binibigyan ng mga offline forms ang mga visitor na magpadala ng mga mensahe gamit ang contact form kahit hindi online ang mga chat operator.
  • Ang post chat survey  feature ay nagbibigay ng kakayahang makatanggap kayo ng feedback at masukat ninyo ang customer satisfaction kung hahayaang i-rate ng customer ang usapan sa live chat.

Ang major factors na dapat ikonsidera sa pagpili ng live chat software provider

Sa dinami-rami ng live chat providers na nasa market, puwedeng maging medyo mahirap ang pagpili nito. Narito ang kritikal na factors na kailangang pag-isipan kapag pumipili ng isang chat provider:

Cloud-based vs. Self-hosted

Ang self-hosted software ay hino-host sa technical infrastructure ng isang organisasyon. Gayunman, nakalagak ang cloud-hosted software sa isang third-party server at merong mga regular na update, accessibility mula saan man, seguridad, data backup, at 24/7 na suporta. Ang ilang mga provider ay nag-aalok ng parehong mga option.

Mga third-party software integration

Ang mga pinakamodernong live chat solution ay nagbibigay ng kakayahang mag-integrate ng mga third-party app gaya ng social media, e-commerce, email marketing,  CRM, at mga CMS tool, na puwedeng maging kritikal para sa isang business.

Mas pinadaling onboarding at customization

Ang pagiging madali ng pag-install at ang user-friendly interface, pati malaking saklaw ng makukuhang customization option ang mahahalagang factors na pag-iisipan bago pumili ng live chat software. Siguraduhing tingnan ang personalization ng mga wika, style, font, at kulay ng chat widget.

Seguridad

Mahalagang may live chat kayong protektado. Kaya nga ang encrypted connection, ang firewall ng vendor, data backup plan, at privacy policy ay ilan sa mga mahalagang pang-seguridad na kadahilanang dapat alamin kapag naghahanap ng chat provider.

Mobile support

Sa kasalukuyan, ang malawak na bilang ng mga consumer ay pumupunta sa mga website gamit ang kanilang smartphone. Kaya ang pagkakaroon ng mobile-optimized chat tool na makukuha sa lahat ng mga platform at mobile device ay mahalaga, lalo na para sa mga e-commerce business.

Advanced ang features

Ang pagkakaroon ng basic live chat features ay okey na sana para sa maliliit na business, pero ang malalaking organisasyon ay mangangailangan ng mas advanced na live chat software features. Karamihan sa vendors ay may offer na libreng trial kaya puwedeng ma-test ang lahat ng live chat features nila.

Diskubrehin ninyo

Ang LiveAgent ay isang komprehensibong help desk solution na nagbibigay ng kakayahan sa inyong mga agent para epektibong asikasuhin ang mga customer inquiry mula sa isang interface. Kasama sa system ang ticketing, live chat, call center, customer portal, knowledge base, forum, social media integration, at marami pa. Kung interesado kayong malaman ang karagdagang detalye, panoorin ang video sa ibaba.

https://www.youtube.com/watch?v=3zYfDwqNj0U

Try out LiveAgent for FREE

Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 14-day free trial right away!

FREE TRIAL
logo clients forbes
logo clients airbus
logo clients nascar
logo clients usc
logo esky color
slido green
{ “@context”: “https://schema.org”, “@type”: “FAQPage”, “mainEntity”: [{ “@type”: “Question”, “name”: “Anong mga industriya ang mas gumagamit na ng live chat ngayon?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Ginagamit ang live chat software sa maraming industriya ngayon. Pero mas aktibo itong ginagamit sa retail, eCommerce, travel at hospitality, IT, at telecommunications industries.” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Ano ang pangunahing features ng live chat software?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Ang pangunahing features ng live chat software ay ang proactive chat, chat distribution, canned responses, file transfer, offline forms, post-chat survey, at real-time traffic monitoring.” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Bakit kailangang mag-invest ng kompanya ninyo sa mahusay na live chat software?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Ayon sa Forrester Research, 44% ng mga online consumer ang nagsabing ang pinakamahalagang feature ng isang website ngayon ay ang may tagasagot sa tanong na tunay na tao habang namimili online.” } }] }

Balik sa academy Gumawa ng LIBRENG account

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.