Libreng trial

Language switcher

–Hidden comment

Use attributes in format region_from and region_to= to change the languages showing in language switcher.
Available regions are:
europe_from europe_to
asia_from asia_to
mideast_from mideast_to
america_from america_to

Example:
europe_from=0 europe_to=22 will put all languages (ordered in language switcher settings) from 1 to 21 to Europe region:
asia_from=22 asia_to=25 will put all languages from 23 to 24 (so only 2) into Asia region.

Ano ang Call Center?

“Ang call center ay isang malaking opisina kung saan ang mga empleyado ng kompanya ay nagbibigay ng impormasyon sa mga customer nito, nagbebenta o nagpapatalastas ng mga produkto o serbisyo nito, sa telepono.” Cambridge dictionary

Bakit mahalaga ang mga call center?

Hindi sikreto na ang omnichannel ay nagiging popular ngayon. Gayunman, nananatili ang mga call center bilang mahalagang bahagi nito. Halos 90% ng mga customer ang gusto pa ring makipag-usap sa live na agent. Samakatwid,  mahalaga pa ring bigyan sila ng quality customer service sa pamamagitan ng telepono.

Paano pa mapapahusay ang inyong call center?

Ang pamamahala ng phone support ay maaaring maging pagsubok sa mga kompanya. Ito ay support channel na makain sa oras, hindi gaanong nasusulit, at challenging sukatin. Dito naman puwedeng maging mahalaga ang papel ng call center software. Binibigyan ng kakayahan ng call center software ang mga business na epektibong hawakan ang customer communications sa pamamagitan ng paghawak ng mga incoming at outgoing call. Kung walang set-up na tamang software, maiiwang on hold ang mga customer kapag tumawag sila sa support. Kasabay nito, kadalasang nakikipagbuno ang mga agent para mabilis at mahusay na masagot ang mga query. Ang resulta, karamihan ng mga help desk software solution ngayon ay nagbibigay ng call center functionality bilang bahagi ng kanilang offering.

Mga benepisyo sa paggamit ng call center software

Napapaganda ang customer communication

Kapag tumawag ang inyong mga customer sa inyong support line, natural na gusto nilang sagutin ninyo nang mabilis at epektibong asikasuhin ang kanilang mga hiling. Kapag meron kayong  automated call routing at IVR  functionality ng call center software, awtomatikong ipadadala ang tawag sa mga agent, kaya iikli ang oras ng paghihintay ng mga customer. Ang resulta, mahusay na komunikasyon at mataas na customer satisfaction.

Call routing

Mas pinahusay na management ng customer service

Ang maaasahang call center software  ay bibigyan kayo ng kakayahang subaybayan at hawakan ang bawat aspekto ng inyong call flow. Tulad ng mga customer sa pila, ang average speed answer, average talk time, bilang ng mga di nasagot/nasagot na call, at iba pa. Kung merong metrics na hawak ang mga manager, makikita nila kung nagagampanan ba ang support para makagawa sila ng mas mainam na desisyon tungkol sa kailangang ayusin.

Nadagdagan ang agent productivity at pagiging epektibo

Kung merong call center, merong agarang access ang agent sa data ng customer, na sumasaklaw sa personal na impormasyon sa mga nabili ng customer at ang buong history ng mga interaksiyong nakaraan. Binibigyan sila ng kakayahang makipag-ugnayan sa mga customer sa tamang oras, propesyonal at naisapersonal na paraan. Bukod dito, pinatataas nito ang kahusayan at pagiging produktibo.

Dagdag na oportunidad para sa sales

Bukod sa pagsagot ng mga customer call, puwede ninyong gamitin ang call center software para itaas ang karagdagang oportunidad sa sales. Halimbawa, kung magkakaroon ng kompletong pagtingin sa impormasyon ng tumatawag tulad ng mga kaugalian sa pagbili, record ng pagbabayad, at mga pinipiling produkto, magagawa ng mga agent mag-upsell at cross-sell ng mga napapanahong produkto o serbisyo sa inyong kasalukuyang customer, kung nararapat.

Mas pinagaling na seguridad ng data

Ang ilang malaking concern sa mga organisasyon ay seguridad ng data at panganib na mawala ang sensitibong impormasyon ng customer/company. May offer ang mga modernong call center software solutions ng advanced security features. Kasama na dito ang data encryption, malakas na password, at data backup. Kaya mapapanatili ninyong ligtas ang parehong customer at company data.

Nabawasan ang operational costs

Kung meron kayong cloud-based call center software, puwede kayong mag-set-up at magpatakbo ng call center sa maliit na investment. Hindi na ito nangangailangan ng specialized hardware at maabilidad na propesyonal sa IT para magawa ito.  Dahil ginagamit ng vendor ang kanilang servers, software, at IT team, matutulungan kayo ng mga cloud-hosted call center software solution na ibaba ang operational cost.

Mga uri ng call center software

1. On-site call center software

On-site call center software kasama ang on-site call center software systems: ang software, hardware, at mga associated infrastructure ay naka-install sa inyong opisina. Ito ay ina-upgrade at inaasikaso ng inyong IT team kaya nasa inyo ang kontrol sa lahat ng integrated systems at data. Ito ang pinaka-propesyonal na uri ng call center solution. Gayunman, ito rin ang pinakamahal dahil sa laki ng agarang puhunan para sa  software, hardware, licensing, at infrastructure. Sa kabilang panig, ang on-site call system ay nag-aalok ng limitadong options sa customization at integration. Ang klaseng ito ng software ay hindi nagbibigay ng parehong level ng seguridad at uptime kumpara sa cloud-based at browser-based.

2. Hosted call center software

Ang mga hosted call center software solution ay ginagamit off-site, sa lugar ng provider, o sa hosted site ng third party imbes na sa panig ng customer. Ang vendor ang namamahala at ina-access nila ito sa pamamagitan ng network connection. Ang software na ito ay mas mura kaysa sa on-site solution. Gayunman, kailangan din nito ng agarang investment kaya mas mahal ito kaysa sa mga cloud-based at browser-based system. Bukod dito, kailangan ng hosted call center software ng upgrading sa bawat bagong version na lalabas.

3. Cloud-based call center software

Ang cloud-based call center software system ay hosted online at kadalasang ina-access sa internet sa pamamagitan ng isang app na naka-install sa computer o mobile device. Ang data ay itinatago sa cloud sa mga server na pagmamay-ari ng vendor o mga third party. Puwede itong ma-access ng mga user offline. Ang mga cloud-based call center solution ay mina-manage ng service provider, mabilis i-deploy, maliit ang agarang investment, at hindi kailangan ng IT o staff para pangasiwaan. Ang klaseng ito ng software ay nagbibigay ng mas magandang seguridad sa data, privacy, at uptime kaysa sa on-site at mga hosted tool. Bukod dito, mas madali itong i-integrate sa ibang business app.

4. Browser-based call center software

Ang browser-based call center software ay hawig sa cloud-based software. Ang pagkakaiba ay ang pag-access sa internet browser imbes na sa installed na app.  Madalas binibigyan ng mga cloud-based call center software vendor ang kanilang mga user ng  browser version ng kanilang app. Ito ang mga pinakasulit na solution at pinakamadali rin itong ma-implement at ma-scale. 

Ano ang virtual call center software?

Ang virtual call center software ay mabilis na ginagamit ng mga business sa iba-ibang industriya. Ito ay hosted sa cloud at gumagana sa Voice Over Internet Protocol (VOIP). Ang virtual call center software ay gumagamit ng data network para makagawa ng phone call kaysa sa tradisyonal na phone line. Ang software ay nagbibigay ng kakayahan sa mga agent na hawakan ang mga customer call virtually mula sa iba-ibang geographic location kaysa nakapirmi sa isang lugar lang, kung saan maraming sa bahay nagtatrabaho kadalasan. Maliban dito, ang virtual call center software ay may parehong features tulad ng regular na call center software.

Diskubrehin ninyo

Ang LiveAgent ay isang komprehensibong help desk solution na kinakalap ang lahat ng customer interaction sa iisang platform. Kasama sa system ang isang call center, customer portal, live chat, social media integrations, ticketing system, at marami pa. Para sa karagdagang info, panoorin ang video sa ibaba.

https://www.youtube.com/watch?v=hESlAVnF8G4

Try out LiveAgent for FREE

Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 14-day free trial right away!

FREE TRIAL
logo clients forbes
logo clients airbus
logo clients nascar
logo clients usc
logo esky color
slido green
{ “@context”: “https://schema.org”, “@type”: “FAQPage”, “mainEntity”: [{ “@type”: “Question”, “name”: “Paano mababawasan ang operational costs?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Kung meron kayong cloud-based call center software, puwede kayong mag-set-up at magpatakbo ng call center sa maliit na investment. Hindi na ito nangangailangan ng specialized hardware at maabilidad na propesyonal sa IT para magawa ito. Dahil ginagamit ng vendor ang kanilang servers, software, at IT team, matutulungan kayo ng mga cloud-hosted call center software solution na ibaba ang operational cost. .” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Ano ang on-site call center software?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Sa on-site call center software systems, ang software, hardware, at mga associated infrastructure ay naka-install sa inyong opisina. Ito ay ina-upgrade at inaasikaso ng inyong IT team kaya nasa inyo ang kontrol sa lahat ng integrated systems at data.” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Ano ang virtual call center software?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Ang virtual call center software ay hosted sa cloud at gumagana sa Voice Over Internet Protocol (VOIP). Ito ay gumagamit ng data network para makagawa ng phone call kaysa sa tradisyonal na phone line.” } }] }
Balik sa academy Gumawa ng LIBRENG account

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.